ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 29

169 20 0
                                    

Amanda's Point of View

"Nakakaboring din palang mag hintay dito" bulong ko sa aking sarili. Kanina pa kasi ako nakaupo dito sa bench habang inaantay ang pag dating ni laney. Pinapabili ko lang siya nang breakfast naming dalawa pero hanggang ngayon hindi pa siya nakakabalik.

"Kanina kapa nandito, may inaantay kaba?" Salitang narinig ko mula sa isang babaeng may dala-dalang chuckie. Umupo siya sa kalapit ko kasabay ng pag sipsip niya sa chuckie na hawak-hawak niya. "Sa edad mong yan, umiinom ka parin ng chuckie?" Pabirong tanong ko sakanya. Ewan ko ba bakit naitanong ko yun, eh sa pagkakaalam ko kahit sino naman pweding uminom nun. Ngumiti siya saakin at halatang nagpipigil siya nang tawa. "Bakit amanda? Nakadepende ba sa edad ang pag inom nito?" Tanong niya at hindi na napigilang mapatawa. Hindi ko nalang siya pinansin at nagfocus nalang ako sa pag scroll sa nf ko.

Ilang minuto na ang lumipas pero hindi parin nakakabalik si laney at ito namang girl na nasa kalapit ko hindi parin ata tapos sa pag sipsip sa chuckie niya. Hindi ako makatingin sakanya dahil nahihiya ako, sino ba naman kasing hindi mahihiya kung kalapit mo na yung taong gusto mo diba. "Hoy Yzabel, kanina pa kami nag iikot dito sa loob ng campus kakahanap sayo tapos nakaupo ka lang pala dyan sa bench kasama si amanda" Dinig kong salita mula kay gabb, naglalakad siya papunta sa inuupuan namin ni yzabel at kasama niya si cole at frances. Teka ano? Si frances? Sa pagkakaalam ko nasa New York siya. "Kumalma ka nga gabb" Saad ni yzabel sabay abot niya sakin nung chuckie niya na wala nang laman. "Ewan ko sayo, tara na nga pumasok na tayo sa room" Sambit ni gabb at hindi siya pinansin ni yzabel. Tumayo si yzabel at nakita kong deretso siyang nakatingin sa'kin. Inilahad niya ang kamay niya at hinawakan ko naman gamit ang right hand ko. Hawak ko kasi sa left hand ko yung chuckie niya na walang laman. "At talagang isasama mo pa siya ha!" Mahinang sabi ni gabb, akala niya naman hindi ko maririnig yung sinasabi niya, tsk.

"Mauna na kayo sa room. Mag b-breakfast pa kami sa cafeteria" Sabi ni yzabel, tumingin ako sa mga mata niya at mukhang hindi naman ata siya nagbibiro sa sinabi niya. Hindi na niya inantay ang sasabihin ni gabb, Hinigit na niya ako palayo sa dereksyon nila gabb. Hindi ko alam kung anong nangyayare dito sa babaeng 'to. Hindi niya naman ako pinapansin nitong mga nakaraang araw pero ngayon parang sobrang tagal na naming close. "Iniiwasan mo ba silang tatlo?" I shyly asked yzabel as we walked towards the cafeteria at nananatili parin siyang nakahawak sa kamay ko. "Hindi, gusto lang kitang samahan ngayon" Saad niya, tumango nalang ako at hindi sumagot sakanya. Bumitaw na ako sa pagkakahawak sa kamay niya nung malapit na kami sa cafateria at nung bigla kong maalala na nandun nga pala si laney. Mahirap na, baka kung ano pang isipin nung babaeng yun.

---

Nakarating kami sa cafeteria at bumungad kaagad sa'kin si laney at kasama niya si ate ruth, rhea, coleen at jaydee. "Is that jaydee?" Nagtatakang Tanong ni yzabel, tumango ako sakanya bago ako lumapit sa dereksyon nila ate ruth. Naramdaman ko namang nakasunod sa'kin si yzabel.

"Ikaw!! 'di mo na ako binalikan dun sa bench" Naiinis na sambit ko kay laney nung nakalapit na ako sakanila. "Teka aray, bitawan mo nga muna pisngi ko" Pagrereklamo niya, pinisil ko kasi pisngi niya dahil sobrang nainis ako sakanya. Hindi ba naman ako binalikan dun sa bench, eh ang tagal-tagal kong nag hihintay sakanya tapos makikita ko kumakain na siya dito. "Bakit kasi pinag-antay mo siya tapos hindi ka naman pala babalik" Pag sabat ni yzabel sa usapan naming dalawa ni laney. "Babalikan ko sana siya kaso pinigilan ako nitong mga 'to, nakita kasi naming papunta sila gabb sa dereksyon niyo. Tsaka kasama nila si frances, Alam mo namang iniiwasan ni coleen at jaydee yung babaeng yun" Laney stated, naintindihan ko naman siya kaya hindi na ako nag salita. Umupo ako sa kalapit niya at may isa pa namang bakante kaya dun ko nalang pinaupo si yzabel.

"Ikaw yzabel, bakit ka nandito?" Nagtatakang tanong naman ni jaydee, nakaupo siya sa kalapit ni yzabel. "Gusto ko lang samahan si amanda" Maikling sambit ni yzabel. "Yun lang ba? Sige pwede ka nang umalis" Saad naman ni laney. Ano bang problema niya, gusto lang naman akong samahan ni yzabel pero kung makaasta siya parang ayaw niyang nag kikita kami. "Sige, basta kasama kong aalis si amanda" Walang emosyong sabi ni yzabel. Nakatingin lang ako sakanilang dalawa ni laney at nag aantay sa kung ano pang sasabihin nilang dalawa. "Aba talagan--" Naiinis na sambit ni laney  ngunit hindi natuloy dahil biglang nag salita si rhea. "Nagseselos kaba laney?" Tanong ni rhea. Halos lahat kami ay napatingin sakanya dahil sa sinabi niya. Bakit kasi tinanong niya yun e wala namang dapat pag selosan tsaka hindi ko naman girlfriend si yzabel at wala naman kaming feelings ni laney sa isa't-isa dahil magkaibigan lang ang turingan naming dalawa.

"A-ako? magseselos? b-bakit?" Nauutal na sambit ni laney. Napatawa nalang kaming lahat sakanya maliban kay yzabel na seryosong nakatingin sa relo niya. "Malapit na mag start yung class, hindi pa ba kayo papasok sa room?" Yzabel asked seriously. "Hindi ako papasok sa first subject, ayaw ko pang makita si frances" Jaydee said habang pinaglalaruan ang susi ng kotse niya. "Sige, Una na kami" Said yzabel as she held out her hand to me again. Tumango naman silang lahat maliban kay laney. Tumayo ako sa aking kinauupuan bago ko inabot ang kamay ni yzabel at napansin ko namang tatayo na din sana si  laney pero hindi na niya naituloy nung makita niyang hinawakan ko ang kamay ni yzabel. Ano ba talagang problema niya't bigla nalang nawawala sa mood kapag nakafocus ako kay yzabel.

"Hindi rin ako papasok sa first subject" Sabi ni laney. Hindi ko na siya sinagot dahil hinigit na ako ni yzabel palayo sa dereksyon nila.









Cole's Point of View

Mag sisimula na ang first class namin pero wala parin si yzabel. Ano ba kasing pumasok sa isip niya't bigla siyang sumama kay amanda. "Gabb tawagan mo na kasi si yzabel" Sabi ko kay gabb. Kanina ko pa kasi sakanya sinasabi na tawagan na niya si yzabel pero hanggang ngayon hindi pa niya nagagawang buksan yung telepono niya. "Kumalma ka nga cole. Hayaan mo siyang malate alam niya kung anong ginagawa niya" Gabb respond. Aktong kukunin ko na sana yung telepono niya para tawagan si yzabel pero hindi ko na natuloy ng biglang bumukas ang pintuan ng room namin. Bumungad saamin si amanda at yzabel. Magkahawak ang kamay nila na parang may something sa kanilang dalawa. "San ba kayo galing at bakit ngayon lang kayo?" Tanong ko kay amanda at yzabel. Hindi naman sila sumagot kaya hindi na ako nag salita.


Hindi kasama ni amanda si laney at wala din si jaydee kaya ngayon walang kasikbay si frances sa upuan niya. Ewan ko ba kasi kung anong pumasok sa utak nitong babaeng ito at bigla nalang bumalik dito sa pilipinas ng wala manlang pasabi. Para siyang kabute na bigla-bigla nalang sumusulpot. Kanina pa nakatulala si frances at hindi nag sasalita kaya umupo nalang ako sa kalapit niya. "Bakit ka umupo dyan sa upuan ni jaydee tsaka bakit nandito ka? Balak mo bang gulohin isip ko ha?" Saad ni frances sa malungkot na boses. Tumingin ako sa mga mata niya at halatang pagod na ito, 'di tulad ng dati na napakagandang pag masdan ng mga mata niya lalo na kapag sobrang saya niya. "Nasa New York naman si jaydee, don't worry hindi niya malalaman na nakaupo ako dito sa upuan niya" Pabirong sabi ko sakanya. Humarap siya sa akin at tumingin, hindi ako sanay na tinititigan niya ako kaya umiwas na 'ko nang tingin sakanya.

"Nandito din si jaydee sa school, pero umupo ka nalang muna dyan kasi baka hindi siya pumasok ngayon" Sambit ni frances saakin. Nagulohan ako sa sinabi niya dahil hindi ko sigurado kung maniniwala ba ako sa sinabi niyang nandito rin sa school si jaydee, pero kung nandito siya bakit hindi pa siya napunta dito sa room. "Kung nandito siya sa school, eh bakit hindi mo siya kasama? Fiancee mo na siya diba?" Nagugulohang tanong ko sakanya. Ilang minuto din kaming nag ikot kanina pero hindi ko manlang nakita si jaydee dito sa school at kahit anino niya e wala akong natanaw.

"Tama ka, Fiancee ko nga siya. Pero hindi ko parin masigurado kong pakakasalan niya ako" Mas lalong nag mukhang malungkot si frances matapos niyang sabihin na hindi siya siguradong pakakasalan siya ni jaydee. Pansin naman na gusto niyang  maikasal kay jaydee pero hindi ganun ang gusto ni jaydee dahil sa pagkakaalam ko, si coleen ang gusto nung taong 'yon.

Ngumiti nalang ako kay frances at minabuti nang hindi nalang magsalita dahil baka kung ano lang masabi ni frances kapag nag salita at nag tanong pa ako sakanya.

Dumating narin naman ang prof namin kaya tumahimik nalang ako at hindi na nagsalita.

Stairways To HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon