ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 27

150 26 0
                                    

Coleen's Point of View

Kakarating lang namin ni brei dito sa coffee shop at pag pasok namin ay bumungad saamin si athena (Coffee tender) na abala sa kanyang ginagawa.

"Buti nalang dumating na kayo!" Bungad na sabi niya habang deretso parin sa kanyang ginagawa. "Bakit parang dali-dali ka?" Tanong ni brei kay athena.

Hindi niya pinansin si brei at deretso parin siya sa pag gawa ng coffee. "Ito coleen oh, dalhin mo to dun sa tatlong babaeng nakaupo. Kanina ka pa nila inaantay" Athena said nang matapos siya sa kanyang ginagawa sabay turo sa dereksyon kung saan ko dadalhin yung mga coffee.

Paglingon ko ay nakita ko si laney at amy, may kasama silang isa pang babae at hindi ko pa nakikita ang itsura dahil nakatalikod ito.

"Sila amanda yun diba?" Sambit ni brei sabay turo sa dereksyon nila laney at amy. "Oo nakita ko, pero sino yung kasama nila?" Takang tanong ko habang kinukuha ko yung coffee na dadalhin ko kila amy.

"Puntahan mo na kaya, para naman malaman mo kung sino" Sambit ni brei, tumango ako sakanya at nag buntong hininga ako bago mag lakad papunta kila amanda.

Habang naglalakad ako papunta sa dereksyon nila ay hindi ko maiwasang hindi kabahan. Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ngayon ng kaba at kung ano-anong tanong ang pumapasok sa isipan ko.


'Kilala ko kaya siya?'

'Sino ang kasama nila amanda?'



Kung ano-anong mga tanong ang pumasok sa utak ko. Hanggang sa makarating na ako sa kinauupuan nilang tatlo. "Oh ayan na pala siya" Sambit ni laney, ngumiti ako sakanya at ipinatong ko na sa table yung coffee na binili nila.

"Hinahanap niyo daw ako?" Mahinahong sambit ko, hindi ko nilakasan ang boses ko dahil nakakahiya naman sa kasama nila. Hindi ko parin nakikita ang pagmumukha niya dahil deretso siyang nakatingin sa kanyang telepono pero naaamoy ko ang pabango ni jaydee sakanya, parehong-pareho lang ito at walang pinagkaiba ng amoy.


"Siya yung nag hahanap sayo hindi kami" Sambit ni amy sabay turo niya dun sa babaeng nakaupo at abala sa pag gamit ng telepono. "B-bakit niya ako hahanapin? Saka sino ba to?" Takang tanong ko.

"Do not you miss me?" Salitang narinig ko sa babae. Nakaramdam ako ng kilig sa boses niya, dahil kaboses din siya ni jaydee.

Natigil ako ng ilang sandali sa aking kinatatayuan. "Hoy tinatanong ka!" Sambit ni laney at nabalik ako sa wisyo nang paluin niya ang kamay ko. "B-bakit niya naman ako mamimiss? Saka sino bayan?" Tanong ko at hanggang ngayon ay nagtataka parin ako kung sino ba talaga itong kasama nila ngayon.

"Hindi mo na ba ako kilala?" Sambit nung babae kasabay ng pag tayo niya sa kanyang inuupuan. Nagulat nalang ako at hindi makagalaw sa aking kinatatayuan ng makita ko ang babaeng pinakamamahal ko. Sa loob ng napakaraming araw na lumipas at sa wakas ay nandito na siya ulit sa tabi ko. "Jaydee!" Sambit ko sabay yakap ko sakanya.

"Ang higpit ha! Hindi na ako makagalaw" Dinig kong sabi niya, hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa pagyakap ko sakanya.

"Mukhang okay naman kayo, mauna na kami" Sambit ni amy sabay tayo niya sa kanyang inuupuan at bitbit yung coffee na binili nila.

Stairways To HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon