Chapter 2: Uhh. Okay, thanks.

5.6K 69 2
                                    

Chapter 2: Uhh. Okay, thanks.

Bakit naman ako tinatawag nito? As in ni Kevin Montanes?! Hahahaha! Loool. :P

"Ms. Cervantez, Mr. Montanes needs to talk to you"

 

"Yes, Ma'am"

Naglakad na ko papunta sa pinto, syempre naman. Tapang ko nalang kapag nagapang ko 'to. XD

"Bakit?" tanong ko agad pagkalabas ko.

"Ahm.."

"Hmmm?" tinaasan ko siya ng kilay.

"Pinapatawag ka ni Ms. Manimtim sa ScienceDept." ehhhh? Kelangan muna mag-ahm bago sabihin ang kelangan sabihin? Buwelo pa, dre?

"Sige"

"Ge..."

Nagsimula na siyang maglakad paalis. Kakaiba din 'tong lalaking 'to. Pagala-gala siguro kaya siya ang nautusan. Buti nga. :P At kapag minamalas ka nga naman... saang lupalop ng Fareast HS ang ScienceDept? Ampupu. =___________= Yung totoo, powerful Zscian, estudyante ka ba dito?

"Ah. Wait, Kuya!" tawag ko sa kanya. Magtatanong lang naman eh.

"..." pero hindi ako pinansin at pinagpatuloy lang ang paglalakad niya.

"Kuyaaaaa!" effort pa ang tawag ko, may kasama pang pagtalon.

"..." hindi pa rin siya tumitingin.

"Kuyang bingi!"

"..."

"Ay letse! Kevin!"

Mabilis pa sa alas-kwatro ang pagtingin niya sa'kin. Halatang halatang nagpipigil siya ng tawa. =____=

"Bakit, Ms. Zscian?"

 "Ahm..." oo nga, kelangan may ahm kapag may kelangan. "Nakakahiya mang itanong, pero saan ba ang ScienceDept?" Katulad nga ng description ko at limang beses ko pang binanggit. Tamad nga ako, wala akong oras para malaman ang mga bagay na yan. XD

Napataas yung dalawang kilay niya."Kuya?"

"Ha? Ahm, samahan na lang kita. Baka maligaw ka."

"Okay, sige. Tara na"

Naglakad na kami. Bakit ba kelangan nagtitinginan kapag naglalakad 'tong lalaking to? Pati tuloy ako nae-expose. Porket ba gwapo kelangan tinitignan agad? Agad agad? Gwapo lang naman eh! Gwapo!

 "Kuya, dito ka sa unahan. Parang kakainin ako ng buhay ng mga taong to."

"Ha?"

"Aish. Bilis. Bilis" tinulak ko siya pauna. Nasa likod niya lang ako.

"Pwede bang tawagin mo kong Kevin? Mas matanda ka pa yata sa'kin eh."

"Kapal ng mukha. 15 pa lang po ako, noh"

"14 palang ako"

"Lokohin mo lelang mo, Kuya"

"Kidding. 16 na ko. Pwede bang malaman pangalan mo?"

"Yung totoo? Nananaginip ka ba? Na-excuse mo na nga ako kanina eh"

"Gusto ko lang malaman, ui"

"Ako si Darna. Tumahimik ka dyan, ipapalunok ko sa'yo ang bato ko"

"Joke ba yon? Kelangan ko na bang tumawa?"

"Subukan mong tumawa, kakatayin kita!" nauna na kong maglakad sa kanya. Grabeng troll ni Kuya ha? Kala niya naman matatawa ako. Errrr? Pero nung maalala kong hindi ko nga pala alam kung saan ang ScienceDept, bumalik ako sa likuran niya. Nakita kong napangiti siya.

Maya-maya rin nakarating na kami.

"Dito na"

"Uhh. Okay, thanks."

"Welcome, Zscian"

Errrr? Diba? Diba? Kilala naman ako eh!

"Nga pala, it's nice meeting you Ms. Zscian Mae Cervantez. I just want you to know that I am Kevin Stephen Montanes"

Ha? Ghaaaaaad! May saltik ata? =______________=

Simply In Love [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon