Chapter 7-9: Family matters.

5K 69 1
                                    

Chapter 7: Family matters.

 

 

Lubos na bumabagabag sa aking isipan ang sinabi ni Ney. Shet. Why so makata? Oh well, hindi ko naman na-gets yung sinasabi niya kanina. Sila lang ni Kevin ang nagkaintindihan. Bagay talaga sila. XD

Dumating na ang Thursday. Nalate na naman ako. Syempre sinermunan na naman ako ni Ney, biruin mo yon, alam na alam na isang minuto akong late. Oo, isang minuto! Grabe talagang pagkasakto meron ang babaeng yon.

"Excuse, Ma'am" Lumapit ako sa adviser ko at nag-abot ng excuse letter. Kasi nga Thursday na, at may pag-uusapan daw kami ni Mommy. Pumayag naman si Ma'am at sinabi nyang inform niya nalang yung iba kong teacher.

"Bakit ka maghahalfday?" tanong agad ni Aey. Di ba nga, ang magandang to eh tsismosa talaga. :D

"Maguusap kami ni Mommy eh, hindi ko lang alam kung bakit"

"Oh! Andyan na si Tita Therese? Kelan pa?"

"Wala pa. Lalanding pa lang mamaya." ngumiti ako sa kanya. Nasa Australia kasi si Mommy with my twin.

Maya-maya rin pumasok na yung teacher namin. Naglecture lang naman kami at katulad nga ng sinabi ko limang beses sa description ko, hindi ako naglecture. Masipag nga! XD

Nung lunch time na, kinuha ko yung gamit ko at naglakad na palabas.

"Alis na ko, Archimedes! Ingat kayo"

"Ingat ka din" sabi sa'kin ni Dan.

Napatingin ako kay Kevin. Titig na titig kasi sa'kin eh. Nagwave ako sa kanya bago ngumiti. Ngumiti rin naman siya sa'kin. May itsura nga pala tong si Kevin noh? Ngayon ko lang na-realize. Hahaha! Bad powerful Zscian. Geez. Whatever, nagdiretso na ko palabas. Pumunta na rin ako sa restaurant kung saan kami maguusap ni Mommy.

"Mommy!" napatingin siya sakin at ngumiti. "I missed you so much, Mommy!"

"I missed you too dear" niyakap niya ko at nikiss sa cheeks. My mom's a goddess, she looks really beautiful. Pinaupo na niya ko. Hindi pa rin mawala yung ngiti ko. 

"How's life, Mom?" ngumiti ulit ako sa kanya "Talagang nilakbay nyo ang Pilipinas para dito"

"Later, baby" ngumiti rin siya "We'll talk about it later. We need to feed ourselves first. Your mom's really hungry" she giggled. Feeling baby din si Mommy. Hihihi.

"Aryt" pero hindi namin napigilang hindi magkwentuhan habang kumakain.

Simply In Love [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon