Big thanks to my Archimedes for letting me use your names.
You guys rock! \m/
--Moyie.
Chapter 14
Na-realize ko na minsan, kelangan ngang tumahimik. Pa'no ba naman ako makakapagsalita kung may takip ang bibig ko?
Tumingin ako kay Aey, binelatan niya lang ako. Kay Kevin naman, parang gusto niyang tumawa pero pinipigilan lang. Takpan ko kaya bibig niya?
Feel na feel na ng bibig kong sumabog. Nangangati na, gusto nang pumutok. Bwahahaha!
"Zsci, payag ka?"
Ngumiti lang ako kahit hindi nila makikita. Oo, makakasagot talaga ako.
"Fine." tinanggal niya yung panyo sa bibig ko.
"Sa wakas! Lumaya rin ang bibig ko. Ano nga ulit pinag-uusapan natin--I mean, niyo kanina? Hanggang pakinig lang ako eh"
"Grabe Zscian, katatanggal ko lang ng panyo sa bibig mo! Anyways, sa bahay nina Kevin tayo gagawa ng project, bibili tayo ng materials sa Friday since ayon sa nasagap kong balita eh halfday daw tayo dahil sa activities ng mga teachers natin."
"Kpayn. San bayon?"
"Mexambourg subdivision"
Literal na lumaki ang mata ko. As in.
"Wow... just wow"
Mexambourg subd. Isa sa mga subdivision kung saan lahat ng nakatira eh mayayaman. Parang kayang kaya nilang magtapon ng pera kung saan.
"Sht. Ganyan talaga kayo kayaman?"
"Hindi ah. Sina Mommy lang siguro."
"Pahumble ang bata"
"Moonwave din naman ah?" dun naman ako nakatira.
"Edi lalo na NorthernRidge" subd naman nina Aey.
"Sus. Tama na nga yan! Kain na tayo" sabi ko nalang "Ikaw Kevin?"
"Ah, susunod nalang ako. Pakabusog kayo"
BINABASA MO ANG
Simply In Love [Editing]
Teen Fiction[Completed] Losing the one you love hurts, especially when you can't do anything about it.