Chapter: Away bati.

4K 47 5
                                    

Chapter 26: Away bati.

Kevin's Point of view

Mananalo ako! Mananalo ako! Kelangan kong manalo para makuha ko ang gusto ko. Ang gusto ko... kiss! Syempre!

"Ano bang gusto mo?" tanong niya sa'kin. Nasa likod pa rin ako ng upuan niya kaya nagside siya para makita ako.

"Syempre kiss." alam kong nag-froze siya sa pwesto niya pero hindi ko nalang pinansin dahil naglalaro ako at mananalo ako!

"Ok" tumayo siya at umalis.

"Misis..." tawag ko sa kanya pero hindi pa rin ako natingin sa kanya "San ka pupunta?"

"Dito." nasa likod ko na siya. Psh. Akala ko aalis eh.

Nagco-concentrate ako sa paglalaro ng may naramdaman akong pumulupot na kamay sa leeg ko tapos unti-unti niyang hinigpitan. Damn! Si Zscian. Sht!

"Mister..." bumulong siya malapit sa tenga ko "Galingan mo."

At dahil don. Nataya ako. Bumitiw siya tapos mahinang tumawa.

"Sabi ko galingan mo, eh bakit nataya ka?" tumawa ulit siya.

"Damn it, Zsci!" tinignan ko siya na ngayon ay nakatayo sa likod ko "What did you do?"

"Wala! Akin na nga yan. Matataya ka rin pala eh, sana di ka nalang naglaro."

Nararamdaman ko pa rin ang mabilis na tibok ng puso ko. Tsk. Kung anu-ano talagang ginagawa ng misis ko. Akala niya ba walang epekto sa'kin to?

Bumalik siya sa pwesto niya, naglaro na ulit. Tumahimik nalang ako habang pinapanood ko siyang maglaro.

"Tumahimik ka ha?" sabi niya habang naglalaro.

"Kaya kong manalo ng hindi nandadaya"

"Sabi mo eh!"

Pero gusto ko talagang manalo. Lintek na iyan!

"Allright, Mister! 52 seconds record ko" ngumiti siya sa'kin. Napangiti na rin ako, gustong gusto ko talagang makitang masaya siya "Your turn"

Kinuha ko yung cellphone sa kanya bago magsimulang maglaro ulit. Tahimik din lang si Zscian habang pinapanood ako. Minsan talaga bumabait din ang mahal ko.

"33 seconds" announce ko "Pa'no ba yan, Misis?"

"Dinaya mo eh!" pinilit niyang agawin sa'kin ang cellphone ko kaya lumapit ang mukha niya sa mukha ko. I grab her neck and kiss her lips. "Kevin!" tinulak niya ko.

Napangiti nalang ako. You're the man, Kevin!

Simply In Love [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon