Chapter 21: Tatagal ka kaya?

4.1K 48 1
                                    

Chapter 21

 

Hindi na ko nakalabas ng room nung tanghali, nagpabili na lang ako kay Ney ng lunch. Kelangan ko na talagang alagaan ang sarili ko, hindi para sa'kin kundi para sa mga taong nagmamahal sa'kin. Just like what Kevin's mom told me.

Hapon na nung magkaroon kami ng klase. P.E. So meaning, sa gym kami.

"Ma'am, pagod na kooo" lumapagi ako sa sahig ng gym. "Ayoko na, Ma'am"

"Ms. Montanes, bumangon ka dyan. Continue"

Right, right. Kelangan ko nga palang sabihin sa inyo ang sitwasyon ko ngayon. Late ako. L.A.T.E. Late akong dumating sa klase dahil sa sobrang dami kong iniisip kanina, nadamay pati ang pagkain ko. Halos 1 hour akong kumain ng lunch at hindi agad ako nakatakbo papunta sa gym. Pinauna ko rin sina Ney kanina kahit nagpipilit silang hintayin ako.

"Ma'am, 5 laps palang to. Pagod na po ako"

10 laps ang kelangan kong gawin. Medyo mean pero alam kong kasalanan ko rin.

"Allright, magpahinga ka muna. 5 minutes break for you"

"Waah. Thank you, Ma'am." naglakad ako papunta sa mga classmate ko. Inabutan naman ako ni Ney ng bottled water. Umupo ako sa bleachers habang nagpapahinga. Sa susunod talaga hindi na ko magpapalate. Pramis.

"Ganda pa rin kahit pagod" sabi ni Aey.

"Alam ko"

"Pengeng piso"

"Sapak, you want?" uminom ulit ako. Tumawa lang siya.

Pinanood ko ulit yung ibang naglalaro. Bawal akong magstart magvolleyball hangga't hindi ko natatapos yung 10 laps.

"Malabo na mata mo?" tumingin ako sa nagsalita. Hindi na si Aey ang katabi ko. Sino pa nga ba?

"Pa'no mo nalaman?" yeah. Medyo malabo na nga mata ko pero kiber lang. Nakakaya ko pa naman.

"Nakita ko lang yung hawak mo"

Napatingin agad ako sa kamay ko. Ehhhh? Bakit nga ba hawak ko yung transparent kong pouch? Nasa loob kasi yung contact lenses ko pati maliit na bottle para sa solution. Oooops. Hindi ko madalas sinusuot 'to. Mas komportable pa rin akong walang ganito.

"Dami mong napapansin ah" ngumiti ako sa kanya.

"Yeah, just like your chocolate brown eyes" napakunot ang noo ko sa sinabi niya. How did he know? Usually kapag iba kong kaklase, sinasabi nilang color black ang mata ko. Pero it's actually chocolate brown.

Simply In Love [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon