Chapter 25: Humanda ka!
Binuhat ko siya papunta sa kotse ko.
"Kevin, ijo... anong nangyayari kay Zscian?"
"N-nahimatay po si Zscian, Manang. Dadalhin ko po siya sa hospital"
"Teka ijo, sasama ako."
Nagmadali akong maipasok siya sa backseat, si Manang ang nagbabantay sa kanya habang ako ang nagda-drive. Dinala ko siya sa pinakamalapit na hospital.
"Nurse! Help!" pinasok agad siya sa E.R. Napaupo nalang ako sa waiting area. Sa hospital pa kami nagcelebrate ni Zscian ng birthday ko.
"A-anong nangyari sa alaga ko?"
"Hindi po siya makahinga kanina" tinulungan kong makaupo si Manang, katulad niya, parang wala na rin akong lakas. "Wag na po kayong umiyak, hindi po gustong makita ni Zscian na umiiyak kayo"
"Salamat, ijo" pinunasan niya yung luha niya "Hindi ko lang gustong nahihirapan ang alaga ko. Naaawa na ko sa sitwasyon nilang magkapatid."
"Magiging ayos din po ang lahat"
Nagtext ako kay Mommy na nasa hospital si Zscian, sinabi niya na susunod siya. Ramdam na ramdam kong mahal na mahal na rin ni Mommy ang girlfriend ko... future girlfriend ko.
Kinuha ko rin ang cellphone ni Zscian at nagtext sa parents niya, pumasok agad sa isip ko kanina bago ko siya dalhin sa hospital na kailangan din malaman ng parents niya to, mako-contact ko sila gamit ang cellphone niya. Hindi nga ako nagkamali, maya-maya dumating na rin sila.
"Manang, anong nangyari sa anak ko?" nag-aalalang tanong ng Mommy ni Zscian "Ayos lang ba siya?"
"Nasa loob pa siya ng emergency room. Hindi ko pa po alam kung anong nangyari" sagot ni Manang.
"Oh, God." napaupo siya sa tabi ni Manang "This is my fault. All my fault"
"No, Therese" niyakap siya ni Tito Joel "Don't blame yourself. Don't cry. We need to be strong for Zscian"
"I'm sorry, Joel" niyakap ni Tita Therese si Tito Joel "I'm so sorry"
"Hush, darling"
Napangiti nalang ako sa nakita ko. Alam kong magiging masaya si Zscian kapag nalaman niya to. Maya-maya rin dumating na si Mommy na mas mukhang nag-aalala pa kesa kay Tita Therese.
"How's our Zscian?" lumapit agad siya sa glass door ng E.R "Is she fine?"
"She will be fine, Myy. Relax ka muna" sabi ko.
"Relax?!" hinarap ako ni Mommy "How can I relax, knowing that my future daughter-in-law is lying inside that damn room?!"
"Mommy, you're overreacting"
"Am I?" napatawa nalang siya "I'm sorry"
BINABASA MO ANG
Simply In Love [Editing]
Teen Fiction[Completed] Losing the one you love hurts, especially when you can't do anything about it.