Chapter 4: Salamat ulit.
Kevin’s Point of view
Zscian. Zscian's the name. Cute :) Yeah, I like her. A lot. Pero sadyang may pinanganak na torpe at napasama ako don.
"Pre, nakangiti ka na naman dyan" sabi ni Jack.
"Masama ba?"
"Oo naman! Ngumingiti ka ng walang dahilan. Nababaliw ka na captain."
Nandito kami sa gym ngayon, kasama ko ang mga kapwa ko basketball players. Team captain here. Well, sinundan ko talaga si Zscian kanina nung nakita kong mag-isa siyang naglalakad. Sakto namang nakasalubong ko si Yuri, hindi ko siya girlfriend dahil hindi pa naman ako nagkaka-girlfriend. Hindi ko alam kung anong gusto niyang palabasin.
"Oh mga pare, may joke ako" sabi ni Andrew. Joker.
"Okay, ano na namang kakornihan yan?" Jack.
"Anong isda ang nangangarate?" psh. Napailing nalang ako. Nag-uumpisa na naman sila.
"Ano?"
"Edi... tilaPIAAAAAAAAAAA!" lalo akong napatawa nung nakita ko ang actions niya. Kilala ko ba talaga 'tong mga to? Napadaan lang yata ako sa gym eh.
"At dahil dyan, TEAM! 20 LAPS!" sigaw ko.
"Ampotek ng! Kasalanan mo to Andrew eh! Mandadamay ka pa dyan!"
"Kunwari pa tong si captain eh. Natawa rin naman sa joke ko" nag-umpisa na silang tumakbo.
Ano pa bang gagawin ko? Edi isipin si Zscian. :)
Dyan ako magaling eh.
Zscian’s Point of view
"Gutom na kooooooooooooo!"
Yun agad ang naisigaw ko pagkasara ko ng refrigerator. Hindi ako marunong magluto, puro cup noodles nalang ang nasa cabinet. Hindi ko naman pwedeng pabalikin kaagad dito si Manang Ising dahil nasa probinsya siya ngayon. Ibig sabihin, mag-isa lang ako. At... gutom na kooooooooo!
BINABASA MO ANG
Simply In Love [Editing]
Teen Fiction[Completed] Losing the one you love hurts, especially when you can't do anything about it.