Chapter 5: Problema non?
Ano kayang kelangan ng isang 'to? Ayyy.
"Oh? Bakit nandito kapa?" tanong ko sa kanya pagkabukas ko ng pinto.
"Wala kang kasama dito?"
"Wala eh. Pasok ka muna?" baka naman isipin niya na wala akong utang-na-loob kapag hindi ko siya pinapasok sa loob ng bahay.
"Uhh, hindi na. Paalis na rin ako. Sumilip lang. Ingat ka"
"Sige. Bye" nagwave ako sa kanya. Ngumiti lang siya bago umalis.
Wow, nice one. Yun lang talaga ang purpose ng pagbaba niya ng sasakyan? Ang tanungin kung may kasama ako sa bahay? Psh.
Tumaas ako sa kwarto ko, nagpagulung gulong na ko sa kama't lahat pero hindi pa rin ako makatulog. Arrrgh! >////////////< 11:00 na!
Kinuha ko ang laptop ko at nag-online muna, pampaantok din 'to. Binuksan ko ang facebook ko. Joke, tinatamad lang ako. XD. 24 notifications na puro tags lang. 18 friend request. Di ko naman kilala yung iba kaya di ko inaccept tapos nakita ko yung pangalan ni Kevin. Siya rin pala yung isa sa tatlong nag-message sa'kin.
-Kevin.
Pa-accept naman, girlfriend.
Loko na, di pa rin nakakamove on sa boyfriend/girlfriend thingy na yon.
Maya-maya biglang may nagpop-up sa chat.
Kevin: Hey.
Sinagot ko agad.
Me: ppy Birthday?
Kevin: Haha! Gabi na. Tulog na.
Me: May araw pa. =____=
Kevin: Tss. Di ka pa inaantok?
BINABASA MO ANG
Simply In Love [Editing]
Teen Fiction[Completed] Losing the one you love hurts, especially when you can't do anything about it.