Chapter 18-19: Thank you, Kevin

4.5K 63 1
                                    

Chapter 18

 

Zscian’s Point of view

Hmmm...

"Zsci... ayos ka lang?"

"Yeah..."

Bigla kong minulat ang mga mata ko. Nasa ibang kwarto ako. Amoy panlalaki rin sa loob. Oh my gosh! Nasan ako?!

"Oh my gosh!" tinakpan ko yung katawan ko "WAAAAAAAAAAAAH! NASAN AKOOOO?!"

Naalala ko yung nagsalita kanina. Boses lalaki rin kaya hinahap ko agad kung saan galing ang boses na yon. At nakita ko siya... nakita ko siyang...

"UWAAAAAAAAAH! BAKIT WALA KANG DAMIT?! ANONG GINAWA MO SA'KIN?! BABOY KA!" binato ko siya ng unan.

"W-wait, Zscian..." tumigil ako sa pagbato sa kanya. Nakita ko ulit ang katawan niya... may tuwalya naman sa bewang niya pero... my virgin eyes! >///////////< "W-wala akong ginawa sa'yo. Nawalan ka ng malay kaya dinala kita dito. Sorry kung nakita mo kong ganito, kakatapos ko lang maligo"

Pinikit ko ang mata ko. Magkakasala ako. Sorry po. >.<

"Sandali lang..." nakarinig ako ng footsteps. Pikit lang, Zsci. Sandali lang, tinawag niya ulit ako "Pwede ka ng tumingin"

"S-sigurado ka?"

"Oo, wag kang mag-alala. Nakapagbihis na ko."

Minulat ko ang mata ko. True enough, nakapagbihis na siya. Umupo siya sa kama, habang nakatingin sa'kin. Hindi pa siya nakakapagsuklay pero ang gwapo gwapo pa rin niya! Waaaah! Shut up!

"Bakit hindi mo sinabi sa'min ang tungkol sa sakit mo?" napatigil ako sa pagiimagine sa tanong niya.

"P-pano mo nalaman?"

"Nawalan ka ng malay kahapon. Tinulungan ako ni Aey na dalhin ka dito. Pinatawag ko rin ang private doctor namin para patignan ka, kaya nalaman ko."

"Ahm... si Aey?"

"Umuwi na siya kagabi."

"Sorry... ayoko lang na pati kayo mamorblema sa'kin. I mean, sakit ko to. Sa katawan ko nangyayari, hindi pwedeng pati kayo madamay."

"Hindi ka naman magiging pabigat eh. Mas masarap sa pakiramdam kapag may nag-aalaga sa'yo, hindi ba?"

"Sorry. Oo na, hindi ko na uulitin. Sorry kung nag-alala kayo." nagpout ako "Tapos na ba yung project?"

Simply In Love [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon