Chapter 24: I can't breathe.

4.2K 51 4
                                    

Chapter 24: I can't breathe.

Bakit umiiyak 'tong isang 'to?

"Bakit ka umiiyak?" pinunasan ko agad yung luha niya pero hinawakan niya yung kamay ko tapos sinubsob yung mukha niya "Bading ka ba?"

"Masama bang magpakita ng kahinaan sa'yo?" medyo pahiya naman ako don.

"Ano ba kasing problema mo?"

Pinilit kong tanggalin ang kamay ko para mas makita ko siya ng maayos. Tinitigan ko siya sa mata... ganun din naman ang ginawa niya. Parang gusto ko ring maiyak nung makita kong matubig tubig pa mata niya.

"I'm so sorry" hinawakan niya pa rin ang kamay ko "I really have no intention of raising voice at you. Nadala lang ako ng selos. I'm sorry, Zsci"

Napabuntong hininga ako. Hindi ko rin kayang tiisin ang lalaking to. Tumingin ako sa paligid... wala na yung mga kaklase ko.

"Nasan ang iba?"

"Pinalabas ko"

"You and your ways." tinignan ko ulit siya "Kanino ka naman magseselos?"

"Kay Joshua..."

"What?" napatawa ako ng mahina. Kay Joshua? Eh kanina ko lang nakausap yon. "Nag-usap lang kami. Nakakaawa rin naman siya kanina dahil mukha siyang broken."

"Yeah... he's broken"

"Pa'no mo nalaman?"

"Secret. C'mon, umuwi na tayo"

Hinawakan niya ang kamay ko tapos kinuha yung bag ko. Lumabas kaming magkaholding hands dahil may kalandiang taglay. Hahaha!

"Ahh, Kevin..." binuksan ko yung bag ko na nasa kanya. Kinuha ko yung gift ko "Ito pala regalo ko"

"Bakit may ganito pa?" pero kinuha niya rin "Sapat na sa'kin na ikaw ang maging birthday gift ko."

"Neknek mo!"

"Thanks, Zscian"

Ngumiti lang ako sa kanya bago sinara yung bag ko. Tapos nung maglalakad na ko, hinawakan niya ulit yung kamay ko. Sheeeet! Kinikilig talaga ako sa lalaking to. >////<

"Wala ba kayong practice?" tanong ko sa kanya, nakaschool uniform pa rin kasi siya.

"Meron, ihahatid muna kita."

"Nako, Kevin. Wag na. Kaya ko na sarili ko, kelangan mo mag-practice no"

"Di na kelangan, magaling na ko eh" ngumiti siya sa'kin kaya naman pinisil ko yung pisngi niya. Kyooot!

"Nadadali mo, Montanes. But I'm fine, really."

"Allright, ihahatid nalang kita sa may gate. Baka andun pa sina Aey"

"Hmm'kay" nakita kong ang sama ng tingin sa'kin ng mga babae sa gilid. Mga mukha nyo! Akin na si Montanes niyo! "Sama ng tingin sa'kin ng mga fans mo oh"

Simply In Love [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon