Chapter 27: Archimedes.

4K 51 0
                                    

Chapter 27

Package na rin yung binili niya. Sim card, ear cap, protector at lahat ng pwedeng ilagay pa sa phone. Nasa tabi lang ako, tango lang ng tango sa mga tinuturo niya.

Kevin’s misis/Zscian’s mister. Yan yung nakalagay sa chain ko at ni Kevin, respectively. Ayoko pa sanang iwan yung latest phone ko kasi kabibili lang sa'kin non ng kapatid ko nung nalaman niya na naconfiscate yung isa ko pang phone. Puro phone nalang ako eh. :3

"Kain muna tayo." Sabi niya sakin.

 

"Sige, treat ko naman."

 

"Ako lalaki dito kaya ako dapat--"

 

"Hindi mo pa ba naririnig ang gender equality? Ililibre kita o uuwi na tayo?"

 

"Aish. Sungit."

 

"Good. Mcdo tayo." Natawa nalang ako sa expression ng mukha niya, kahit hindi pa siya pumapayag, wala na siyang magagawa.

Pumunta na kami sa Mcdo tapos nag-order na, hindi naman ganon karamihan dahil medyo busog pa kami. Habang kumakain kami, biglang nagflashback sa'kin yung sinabi ni Mommy nung Saturday. Darating ang araw na iiwan ko din si Kevin. Sa Australia na kami for good pero hindi ko gustong sabihin sa kanya. Masyado pang maaga para sabihin at hindi rin ako handa na makita siyang malungkot. I still have few months to make him happy. I should of present muna bago na yung mangyayari sa future.

"Kevin..."

Hindi niya pinansin ang pagtawag ko. Pinagpatuloy niya lang ang pagkain niya.

"Hey, Kevin..." Medyo kinapa ko ng paa ko yung mga paa niya pero pag nasasanggi ko, umiiwas siya. What the heck? "Alright, fine. Mister."

 

"Yes?" Tumingin siya sakin na abot tenga ang ngiti. Errr?

"Ang arte arte naman oh!"

 

"Psh. Nanlalambing lang eh. Ano ba yon?"

 

"Naalala ko lang... the last time na nakita kita sa school, may mga bruise and wounds ka sa mukha mo. What happened?"

 

"Nothing."

 

"Define 'nothing'." Sumimangot ako sa kanya.

"Wala lang yon, wag ka na mag-alala."

 

"I want to know why, please?"

 

Simply In Love [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon