Chapter 23: When he cries.

4.1K 54 10
                                    

Chapter 23: When he cries.

Zscian’s Point of view

Nakahinga na ko ng maluwag ng sa wakas nasabi ko na rin ang gusto kong sabihin. Tama naman siguro yung ginawa ko, problema ko nalang ay baka iwasan niya ko at malaman kong the feeling is not mutual.

 

Hashtag. #MEDYOMASAKIT.

Andito ako sa bench. Lumabas ako pagkatapos kong sabihin lahat, ang tagal kong sinaulo yung lines ko pero nung nakita ko si Kevin nawala agad sa utak ko. Kinailangan ko pa tuloy ng kodigo. Argh! Kevin na naman!

“Kumain ka na?”

Ampotek! Halos mapatalon ako sa upuan ko nung narinig ko yung boses niya, iba pala yung feeling kapag ganito. Kinakabahan ako at parang gustong maihi. Sht!

Dubdub. Dubdub. Isa pa tong puso kong ayaw kumalma! Maghinay hinay ka nga! Baka marinig ka ni Kevin. Oh, please.

“Ahh…” hindi ko na yata kayang tignan siya sa mata “H-hindi pa…”

“Pasok ka muna?”

“M-maya maya na” pati ang boses ko, kumalma naman kayo. Please?

Tapos dumaan ang napakahabang katahimikan. Halos hangin lang ang naririnig ko. Maya maya rin tumabi siya sa’kin. Mas lalo akong kinabahan. Kalma. Kalma. Argh! Pinaghawak ko nalang ang mga kamay ko. Grabe! Nilalamig ako na hindi ko maintindihan. >____<

“Zscian…” napatingin ako sandali sa kanya bago ko binalik ang tingin ko sa black shoes ko. “Totoo ba yung sinabi mo kanina?”

Tumango nalang ako. Umurong na naman yata ang dila ko—

“Ke-Kevin”

Niyakap niya ko ng mahigpit. Yung tipong hindi na ko makahinga. Yayakapin ko na sana siya pabalik ng bigla siyang nagsalita.

“I love you too Zsci” bigla ko siyang tinulak palayo sa’kin kaya naman tumingin siya sa’kin ng nagtataka “Bakit?”

“Hindi mo naman kelangang magsinungaling para hindi ako masaktan—”

“I am not lying, Zsci” lumuhod siya gamit ang isang paa niya sa harapan ko tapos medyo nakatingala siya sa’kin. “Can I hug you again?”

Nagpout ako sa kanya. All this time?! Mahal rin ako ng taong mahal ko?! Bago pa man ako makasagot sa tanong niya eh niyakap niya ulit ako.

“It means… tayo na?” tanong niya malapit sa tenga ko. Goosebumps.

“No”

“Ha?” humiwalay siya sa’kin tapos hinawakan ang kamay ko “Hindi pa?”

“Dahil ako nagplano nito, kaya ako ang masusunod” nagawa ko ring ngumiti sa kanya pero siya mukhang clueless talaga. Sino bang hindi? “It was my ‘August 27’ plan. Effective naman siya dahil…”

Simply In Love [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon