Flashback
"Promise na hindi mo ako pagpapalit, Ly ha." Kiefer offering his pinky finger to me.
"Promise po Manong. You always got me into this. Baka nga ako nga ipagpalit mo while I'm inside the house of kuya." He pouted me and pinched me at my cheeks.
"Bakit mo binabaligtad yung usapan? Mas makakakita ka nga ng mas gwapo doon. Artistahin yung mukha, mas macho, mas makinis---"
"ARAY!!!" Diko na siya pinatapos magsalita dahil pinalo ko na yung braso niya para manahimik na siya.
"Matulog ka na Ly. I love you and I will miss you so much. Ito na pala yung huli nating gabi. Dapat pala binuntis na kita para dina matuloy."
"Hoy! Bastos ka ha! Gusto mo bang isumbong na naman kita sa magulang mo? Kief, mag-ayos ka habang wala ako ha. Hindi ibig sabihin na nababagot ka maghahanap ka na ng babae." Mamimiss ko itong lalaking ito kahit ang kulit-kulit.
"Opo, opo..." yumakap nalang siya at pinatay na ang lamp.
Mahal ko si Kiefer pero kailangan namin ng sapat na financial stability bago kami ikasal at bumuo ng pamilya. Kahit naman mga atleta kami nagkulang ang income sa amin dahil sa pandemic. Akalain mong pumapayag kami para irepresenta ang Pilipinas kahit hindi kami bayad. Mai-panalo lang namin ang bansa namin ok na kami. Pero minsan ang papuri nagkukulang kung hindi na namin nasusuporta ang pamilya namin.
Kaya nakapagdesisyon akong pumasok sa bahay ni kuya dahil kapag ako'y nanalo doon, sobra pa sa sobra ang mabibigay sa amin. Kaya ko ng gumawa ng pamilya namin ni Kiefer at pwede na kaming maikasal.
Si Kiefer naman ay nagpapatuloy na maglaro sa Philippines Men's National Basketball Team.
"Ly tulog ka na..." Bulong ni kief.
"Opo..." Bulong ko pabalik.
Kinabukasan kailangan ko ng pumuntang Quezon City para pumasok na sa bahay ni kuya. Ano kayang magiging kapalaran ko oh jusko kayo ng bahala sa akin...
BINABASA MO ANG
SAY HELLO TO THE GIRL YOU CAN'T LET GO
FanfictionAfter I escape the real world, I found the real love inside the house of Kuya. But after I went outside, reality slapped me once more. -Aly "Sizzie" Valdez