"Napanood ko na halos lahat ng episodes ng PBB at ang masasabi ko lang kayo lang talaga ni Samantha ang naging highlight para sa akin. Parang naalala ko yung dating tayo nung nakikita ko kayong masaya sa loob ng bahay." Nagulat ako sa nasabi ni Denden.
"Huwag mo ikumapara sarili mo, Den. Magkaiba kayo ni Samantha. Pareho lang kayong mahalaga sa akin." Hindi ko alam kung wrong move ba sinabi ko o tama? Kase hindi ko alam ano bang mararamdaman ko sa mga oras na ito. May halong lungkot at saya.
"Nakikita ko kay Samantha ang pagmamahal niya sayo, Ly. Sana huwag kang maging bulag doon. Araw-araw ka sanang magpasalamat sakanya kase kahit ang busy nyang tao gumawa siya ng paraan para lang sagipin ka."
Hindi man nga ako araw-araw nagpapasalamat sa kanya. Bawat kimot niya yata nagpapasalamat ako kase hindi ko rin alam paano ko ba siya susuklian sa lagay ko. Pero darating din ang araw na mababayaran ko lahat ng utang na loob ko sakanya.
"Oo naman, Den. Ang dami ko ng utang na loob sa kanya. Pagkatapos ko dito, gagawin ko lahat makasama lang siya araw-araw. Vacation siguro? I don't know pero kami ng mag-uusap dyan." Sabi ko naman sa kanya.
"Mahal ka talaga ng Papa ko noh?" Biro ko naman sakanya para naman maiba ang usapan. Baka kase nabilaukan na si Samantha dahil siya ang topic namin.
"Natatawa nga ako nung tinawagan niya ako sa phone. Talagang pinapapunta niya ako talaga dito. Mas sabik pa niya yata akong makita kesa sayo. HAHAHA!" Sabay naming tawa.
"Pero nahihiya parin ako sa papa mo, Ly. Biruin mo kahit alam mo na nagloko ako dati nagawa niya parin din ako mapatawad." That's my Papa. He thought me too how to forgive and forget pero yung mga nangyari lang sa amin ang hindi ko makakalimutan. Maraming bagahe, hindi ko matatapon lahat ng mga ala-ala sa isip ko dahil kahit masama man o maganda, mahalaga siya sa akin.
"Ganyan naman talaga, Papa ko. Marunong magpatawad. Gagawin niya ang lahat para maging maayos ang lahat. Katulad nalang ng ginagawa niya ngayon. Gusto daw niyang magka-ayos na tayo." Sabay naman kaming napatawa.
Ang gaan na nga ng loob ko kay Den. It's still the same...
"Okay na nga tayo eh. Parang dati lang. Team besh paren." Sabi naman niya.
"Hinihintay ka namin sa National Team, Ly. Ikaw ang kukumpleto sa lineup namin. Alam naming dika sinali sa lineup pero nakakalungkot lang na di ka makakasama." Dati pa namang sumali ako sa PBB eh, hindi naman talaga sinali. They need new blood daw, pero ako lang di sinali? Anu bang problema?
"Hindi ko naman deserve mag National Team, di nga ako sinali diba? Kaya tinanggap ko nalang opportunity ko sa PBB." Sabi ko sakanya.
"Hayy anubayan. Pag kami natalo, tumawa ka nalang." Biro niya at sabay nalang kami natawa.
"HAHAHAHA!!!"
"Alam mo ba? May potential yung Sizzie mo?" Binring-up niya na naman si Samantha. Gusto niya yatang makilala talaga si Samantha eh...
"Kahit may potential yun di sasali yon. Maalaga sa balat, ayaw masugatan. Lalo na sa lahat may pelvic disalignment si Samantha kaya di niya kakayaning mag-volleyball talaga." Nakita ko naman ang lungkot sa mukha ni Den.
"Sayang. I like her height too. Naiimagine ko siyang blocker or spiker den. Parang mala-Gumabao den ang datingan ni Samantha."
"She likes naman to play pero yun nga di naman niya magagawang gumalaw masyado." I said to her.
Napatigil siya na para bang may iniisip. Kaya para akong naging bato nung bigla siyang natulala.
"Okay ka lang?" Tanong ko.
"May nasabi ba si Samantha tungkol sa akin?" Nagtaka naman ako sa tanong niya. Bakit naman magtatanong si Sam about kay Den eh di naman sila magkakilala?
"Wala. Bakit?" Tanong ko.
"Baka nga hinayaan nalang niya na ako ng magsasabi sayo." Ano kaya yun?
"Kase nung nagplano si Sam, nahuli ko sila ng kasama niya na naglalagay ng spy cam dito. Si TJ b ayun? Kaya somehow nagkakilala na kami ni Sam kase naging allies na kami."
Tanga mo, Alyssa. Dahil din kay Denden kaya ka humihinga ngayon...
Hindi na ako nagsalita pa dahil niyakap ko na siya ng mahigpit.
"Salamat, Den." Bulong ko sakanya.
"Bakit mo kase ngayon mo lang sinabi?" Hayy nako.
"Kase ngayon ko lang den naalala!!!" Patawang sabi naman niya.
"Pati akala ko ren na sinabi sayo ni Samantha pero feeling ko ren hinayaan niya na ako para ako na ring magsabi sayo." Ang weird naman ng tono ni Den habang nagkukwento parang excite na excite ganon?
"Soo...you met her right?" She nodded.
"Ano namang masasabi mo pala sa kanya?" Tanong ko.
"Ang mother figure niya actually not in a bad way ha. She's nurturing like parang may mahuhugutan ka sakanya. Malakas ang encouragement and she is also brave. I stand her actually, not just being a quees but an ally that you can trust." She said. She really defined Samantha with her own words. Nakilala na nga niya, kase totoo naman lahat ng sinabi niya.
"Like I said awhile ago Ly. Be with her always ha? Kase minsan ka lang makakita ng kaibigan na ganyan. Yung sasagipin ka talaga. You know what? I'm so jealous about you because you found a new friend but acts like an old friend, yung parang ang tagal niyo ng magkakilala. Yung parang andami niyo ng napagdaanan these past few years. Pero naging close palang naman kayo almost 2 months palang diba?"
I nodded to her while she is speaking.
"Naiinis din ako kase hindi ako naging ganoon na kaibigan sayo, Ly. I was never good enough to be your friend, to be yours." Napansin kong nanginig ang boses niya.
"Naiinis ako kase bakit hindi ko nagawa yung mga bagay na yun eh kung iisipin mo ilang taon na tayong naging magkasama..."
Niyakap ko siya ulit dahil nasasaktan din akong sinasabi niya yan sa akin. Kailan man hindi ako nainis sa kanya kase nagkulang siya sa akin. Nagalit lang talaga ako sakanya dahil sa panloloko pero yung friendship na binigay niya sa akin, wala siyang ginawang mali. Wala siyang naging pagkukulang doon.
"Den, hindi ka nagkulang sa akin bilang kaibigan. Huwag mo namang ikumpara sarili mo sa iba. Magkaiba kayo ni Samantha. Huwag mong timbangin lahat ng mga ginawa mo sa mga ginawa niya, please." Humahagulgol parin siya habang nakayakap ako sa kanya.
"Sana mapatawad mo na talaga ako, Ly. Sa mga pagkukulang ko sayo. Alam kong nasa mabuti ka na. Pero alam kong meron pang nakatatak dyan sa puso mo na nagkamali parin ako." Tinanggal ko ang yakap ko sakanya para punasan mga luha niya.
"Den, pinapatawad na kita okay? God, has better plans. Everything happens for a reason diba? Kaya, tama na. Shhhhh." Niyakap ko siya ulit.
"Dito ka sa tabi ko. Para gumaan naman pakiramdam mo." Pinatabi ko siya sa kama ko. At inon ko nalang yung TV gamit ang remote.
Inakbayan ko nalang siya para kahit papaano maramdaman niya na nandito ako.
"Mahal kita bilang kaibigan, Den. Mahalin mo rin sana sarili mo." Sabi ko sakanya.
BINABASA MO ANG
SAY HELLO TO THE GIRL YOU CAN'T LET GO
FanfictionAfter I escape the real world, I found the real love inside the house of Kuya. But after I went outside, reality slapped me once more. -Aly "Sizzie" Valdez