Chapter 4: The Ally

761 21 7
                                    

SAM'S POV

Here we go with the plan that TJ and I made. Namamasa mga kamay ko sa sobrang kaba. Ayoko namang ipahalata lalo na kay Tita Pablita na balisa ako. Hiniling ko nalang sana na magiging okay ang lahat.

Dahan-dahan ng inaayos ang higaan ni Ly para sa EEG niya. Ililipat pa siya sa isa laboratory kaya kailagang maging maingat.

Habang sinasamahan namin si Tita Pablita tumingin naman si TJ sa akin na may bakas ng pangangamba.

Habang inililipat na si Ly sa EEG laboratory may napansin akong janitor na pumasok para maglinis pero dina pinansin ni Tita Pablita yon. Wala ng naiwan sa kwarto kundi ang janitor nalang.

"TJ, iho mas mabuti muna kayang pabantay ang kwarto. Pag tapos nalang maglinis yung maintenance dun ka nalang sumunod, may gamit pa kasi doon eh." Hayy shocks. Oo nga noh? Di rin naman magiging problema kung ganon.

"Ayy sige po Tita, no problem po. Susunod nalang po ako sainyo." Tumingin siya sa akin at sumenyas na magtext ako sakanya, tumango naman ako.

Habang nasa labas ako katabi si Tita Pablita at Denden, tahimik lang at walang nagsasalita hanggang sa magtanong si Denden sa akin.

"Sam?" She called me and I turned my head to her.

"Thank you for being a friend of Ly habang nasa PBB kayo. I know na ikaw lang ang pinagkakatiwalaan at maasahan niya doon. Diko nga ren maimagine na ma-eevict yung isa sainyo, parang ang sad at kulang pag ganon." Sabi naman niya sa akin. Kahit ako naman, kung na-evict na ako nun parang diko ren kaya. Nasanay na rin ako na palaging nandyan si Alyssa sa akin, kaya kung lumabas na ako sa outside world noon, I imagine Alyssa na sad and matamlay.

"I know. Kahit ako ren malulungkot den ako kung na-evict ako." Sabi ko naman sakanya.

Hindi na siya nagsalita dahil napansin ko siyang kinakalkal yung bag niya.

"Tita Pablita, balik po ako sa room I think nakalimutan ko po phone ko, wala po dito eh." Hala, I need to text TJ now!

"Sige, Den." Sabi naman ni Tita Pablita.

Umalis na si Denden at dali-dali ko namang tinext si TJ.

-HOY OTW DYAN SI DENDEN NAKALIMUTAN NIYA PHONE NIYA!

-KONTI NALANG SAM, SCREWS NALANG

-HURRY! BAKA MABUKING TAYO

-I KNOW, WE NEED TIME TO SCREW THIS SAM BAKA KASE MALAGLAG YUNG CAMERA

-TJ PLEASE DON'T MESS THIS UP...

Ako naman hindi mapakali, namamawis nanaman mga kamay ko. Ayoko talaga yung pakiramdam na ito, nahahalata ako eh.

Hindi naman ako napapansin ni Tita Pablita dahil nakatutok siya sa phone niya habang naghihintay.

After 10 minutes bumalik na si TJ kasama si Denden.

I have a bad feeling about this...

●●●

TJ'S POV

"Insan, tapos na ba yan? May paparating dito, bilisan mo." Kinakabahan na ako, kung malalaman ni Denden ito ang hirap pang ipaliwanag sakanya.

"Sandalilang insan alam mo namang mahirap i-screw yung mga ganito." Sabi niya habang kinakabit niya yung screw sa dingding.

Nang biglang...

"TJ?" Sabay katok ni Denden sa labas kaya dinalian na ng pinsan ko at biglang bumaba na sa upuan.

Binuksan ko ang pinto at napakati si ulo.

"Bat mo nilock?" Tanong niya.

"Baka napindot ko lang" Lumabas na ang pinsan ko dala-dala yung mga cleaning supplies.

"Ahhh okay nakalimutan ko lang kase phone ko." Kinuha niya na yung phone niya sa may drawer at inaya na rin ako lumabas.

Habang naglalakad na kami sa hallway, nakahinga na ako ng maluwag.

"Kung anuman ang nangyare doon TJ pwede mo namang sabihin sa akin. Alam kong wala naman kayong gagawing masama kay Ly diba?" Nang pagkasabi niya non bumalik yung kaba ko.

"Kasi ganito yan eh. Siguro mas mabuting marinig mo kay Sam. Ako lang yung tumutulong sakanya. Wala kaming gagawing masama kay Ly, Den. Sa totoo nga nyan, ginagawa namin ang nararapat at tama." Ngumiti naman siya sa akin at hinawakan ang braso ko.

"Ramdam ko ren yun nararamdaman niyo para kay Tita Pablita. Huwag kayong mag-alala kakampi niyo ako dito." Nabigla naman ako sa nalaman niya.

Sama-sama na kami sa mission na ito...

SAY HELLO TO THE GIRL YOU CAN'T LET GO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon