FLASHBACK
Kinabukasan ng umaga. Pinatawag si Madam Inutz and Ly sa confession room. Paglabas nila, nagsasaklay na sila at may dala namang banig si Alyssa.
Ang tagal nilang naglalakad ng naka-saklay. Hindi ko maiwasang mag-alala lalo na kay Ly.
Alam kong ayos na siya pero hindi ko talaga alam baket pinagawan niya pa ng ganitong task sina Ly and Madam Inutz.
"Ahhh...tsk!" Lumapit ako kay Ly na halatang nangangawit ng nakasaklay.
"Oh my god." Napa-omg ako kase nahihirapan den ako para sakanya.
"Ang sakit ng paa ko..." ngawa niya.
"Gusto mo hawakan ko?" This is the least thing that I can do. Kung pwede lang kaming magpalit ng task, ako nalang yung naka-saklay. Hindi yung ganito, walaman lang akong magawa para hindi na siya mahirapan.
"Hindi, okay lang madumi paa ko, Sizzie. Sobra." Tanggi niya. Yieee halata namang nahihiya siya...
"Okay lang!" Sabi ko sakanya. Sabay tingin niya sa akin na nagpapahiwatig na "wag na sizzie..."
"Mmm...hehehe." Nahihiya lang talaga siya dahil hindi siya sanay na ginaganyan.
"Oo..." Sabay yuko ko sa sahig para maabot paa niya.
"Pa-stretch lang, Sizzie nung paa ko." Sabi naman niya.
"Ganyan?" Tanong ko sabay hawak sa hita niya.
"No, no, as in yung paa ko, as in." Sabi niya kaya bumaba pa ako para maabot ko.
"Ganyan?" Sabay pisil ng paa niya.
"Oo...yan." Sabi niya.
"Mabaho paa ko---"
"Okay lang yan..." Si Alyssa talaga ayaw pinagsisilbihan. Eh mahal nga kita, gusto kong inaalagan kita, sana maramdaman mo naman yun...
"Ihhhh." Sabay ngiti sakin na nakakaloko.
"Mas mabaho paren paa ni E." Sorry E. HAHAHAHA!
"Ate Brends, pahingi naman ng foot powder." Jusko, Ly. Hindi man nga mabaho paa mo.
Sabay lagay ni Mama Brends ng foot powder sa paa ni Ly.
"Thank you, Sam." Ayan lang naman ang gusto kong marinig sayo. Yung naappreciate mo ako Ly. Yung naappreciate mo na nandito ako para sayo...yun lang naman eh.
Lumipas ang mga oras at bumalik ulit si Ly sa loob para magpahinga saglit sa rounds nila ni Madam Inutz.
"Ly, maglagay ako ng towel sa likod mo ha? Para dika matuyuan ng pawis, mahirap na pag inubo ka." Sabi ko sakanya.
"Okay, Sizzie." Pumayag na siya kaagad dahil sobra na kase yung pawis niya sa shirt niya kaya pinunasan ko na.
"Sizzie, alisin ko muna sports bra mo noh? Diko mapunasan likod mo. Ayusin ko na ren lapel mo, medyo nabuhol na dito." Sabi ko.
"Sige lang, Sizzie. Thank you." Sabi naman niya.
Dahan-dahan kong tinatanggal yung magkabilang strap ng sports bra ni Ly. Basang-basa na siya ng pawis kaya kailangan niya ng magpalit.
BINABASA MO ANG
SAY HELLO TO THE GIRL YOU CAN'T LET GO
FanfictionAfter I escape the real world, I found the real love inside the house of Kuya. But after I went outside, reality slapped me once more. -Aly "Sizzie" Valdez