"Den, you heard naman about Ly diba?" LA said while I'm combing my hair.
"Yeah..." I answered. This is a bit weird, LA mentioned Alyssa? Heck no.
"Don't you wanna visit her? I bet she misses you na. Don't worry, I won't mind." Awww...buti talaga pinakasalan ko talaga tong lalakeng ito, ang bait.
"Sige, I'll visit siguro next week Tuesday. Holiday kase nun kaya I'll be free to visit her." Oo nga, November 30 ang Tuesday so mavivisit ko nga siya.
"That's nice to hear, Den. Di naman ibig sabihin na kasal na tayo, ilalayo mo na sarili mo sa mga kaibigan mo. Lalo na't mas kailangan ka ni Ly." Tumango at ngumiti naman sakanya.
Pagkatapos niyang magbihis, tumabi na siya sa akin at pinatay ang lampshade.
"LA..." I called him.
"Hm?"
"Thank you for always supporting me. Buti nandito ka para sa akin. Love na love talaga kita." I kissed his cheeks.
"Yun naman talaga goal ko eh. I always want you to be feel loved. I don't want you to feel pain and as long as I'm here you'll be happy okay? I promise you that." He said while hugging my back.
"Now go to sleep because we have work to do tomorrow." Pagkatapos niyang sabihin yon ay ipinikit ko na mga mata ko.
●●●
NOVEMBER 30, 2021 "TUESDAY"SAM'S POV
"Tj? Kinakabahan ako sa gagawin natin." Halos hininga nalang lumabas sa bibig ko dahil sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
"Ako ng bahala Sam. Chill ka lang magagawa natin ito, tiwala lang." Sabi naman niya. Patagal ng patagal, palapit na ng palapit yung kwarto ni Ly.
Kumatok na kami sa kwarto at..
Bakit siya nandito? Haysstt...
"Sam nabisita ka?" Sabay beso kay Tita Pablita. Sorry, tita pero hindi kita mapapatawad kapag may nangyari kay Ly.
At yung tao na tinutukoy ko kanina na nabisita ren kay Ly ay si Denden Lazaro. Bat nandito toh?
"Hi Sam, I'm Denden nice to meet you." Nag-offer siya ng handshake at tinanggap ko naman iyon.
"Hello Den, nice to meet you too." Pilitin ko na talagang ngumiti sa araw na toh dahil andami ng nangyayari sa palagid.
Sabay ding binati ni Tita at ni Denden si Tj.
"Bago ko pala makalimutang sabihin. Magpapa-EEG pala ni Ly mamayang 10am. Kung gusto niyong samahan kami okay lang naman at kung may gagawin pa kayo pwede na rin naman kayong umalis na." Sabi ni Tita Pablita. Syempre hinde! Alangan namang iwan ko si Ly dito noh? No way!
"Samahan ko parin ko po kayo Tita." Sabi ko naman sakanya na may ngiti. Eeww sam ang plastik mo.
"Me too po Tita." Sabi din ni Denden. Luh? Dapat ka ng umalis dito.
"Osige." Sabi naman niya.
Si TJ naman ay busy itext yung pinsan niyang janitor dito. Dapat pagkaalis ni Ly dito sa kwarto pumasok na siya para maayos niya na.
"Ngayon lang ba kayo nagkita ni Dennise?" Tanong ni Tita Pablita.
"Ahh opo hehehe." Sabay tingin sakanya.
"Ang gaganda niyong mga babae noh. Kung umayos lang si Kiefer noong maayos pa si Ly edi sana may lalakeng nag-aalaga sakanya ngayon."
Kiefer...
"I know you have something..." Denden whispered to me.
"Yeah, you are right. I love Ly." Bumulong naman ako pabalik.
"You should feel guilty about what you've done to the both of them. You made Ly confused of her feelings." Ayokong sumagot pabalik kaya tinuon ko pansin ko kay Tj at Tita na busy na naguusap, buti nalang.
"Tita, usap lang oo kami ni Denden sa labas." Sabi ko sakanya. Si TJ naman ay parang nag-aalala sa akin.
Tumayo ako at tumayo din siya palabas.
Lumayo kami sa kwarto ay lumapit sa walang katao-taong space.
"Sam, hindi mo narealize kaagad?" Nagsimula na siya.
"Ang lakas din ng loob mong sabihan ako ng ganyan? Eh sino ba yung unang nang-iwan sakanya? Nagpakasal pa?!" Sagot ko sakanya.
"Bakit mo binabaliktad ang usapan ha? Bakit mo iniiwasan yung kamaliang nagawa mo? Habang nasa PBB ka sinamantala mo yung damdamin ni Ly." Nagsimula na siyang maluha.
"Sam...it was almost perfect. Sabi ko sa sarili ko na si Kiefer na talaga yung para kay Ly. Kiefer loved her so much but because of YOU! BECAUSE OF YOU, KIEFER GAVE UP ON HER!"
"Denden, at the first place we both liked each other. Kahit hindi ko pa alam at kahit hindi niya sinasabi sa akin kase alam niyang ako yung maguguluhan. Alam kong hindi niya na mahal si Kiefer. Expect niya nga mas mamimiss niya si Kiefer pero hindi. She said to me na salamat sa bahay ni kuya dahil alam niya na yung katanungan niya na mahal pa ba niya si Kiefer? Hindi niya na. Matagal ng hindi na Denden. Maayos pa ang kalagayan niya, alam niya ng wala na siyang nararamdaman para sakanya. It's not because of me..." I tried to explain it her so she can understand my situation.
"Is that so? I was wrong then. I'm sorry for raising my voice at you. Akala ko yun ang nangyari. Akala ko hiniwalayan niya si Kiefer nang dahil sayo." Naging mahinahon na siya at napahilamos siya ng mukha gamit ang kamay niya.
"Actually hindi niya nasabi ng personal kay kiefer na gusto niya ng makipagbreak. When kuya gave us papers and pen naka-gawa si Ly ng letter for Kiefer kase alam niyang hindi niya masasabi ng harap-harapan iyon. I knew about that kase nasa isang sulok siya tapos umiiyak. Kaya nung nangyari yung aksidente, si Tita Pablita nag-abot ng letter na iyon kay Kiefer. Nung una nakakasama ko pa si Kiefer dati sa pag-bisita pero nung tumagal hindi na siya bumisita at kalaunan lumipad na papuntang Japan."
BINABASA MO ANG
SAY HELLO TO THE GIRL YOU CAN'T LET GO
FanficAfter I escape the real world, I found the real love inside the house of Kuya. But after I went outside, reality slapped me once more. -Aly "Sizzie" Valdez