Chapter 3: Flashbacks

825 19 3
                                    

FLASHBACK

"Sam, alam mo nagpapasalamat ako kay Kuya." Napatingin naman ako sa sinabi niya.

"Baket?" Tanong ko.

Pinatay niya yung microphone niya kahit alam niyang bawal iyon. Ginaya ko na ren siya dahil baka may makarinig din sa TV.

"Kase narealize ko na hindi ko na talaga siya mahal." She looked at me with sadness in her eyes.

"Akala ko nga mamimiss ko pa siya lalo pero hinde eh. Mas naging masaya ako dito sa loob. Mas naging masaya ako nung nakilala kita Sam." She held my hand and kissed it.

"Sorry, Ly for making you feel loved kase baka ako ang dahilan bakit hindi mo na mahal si Kiefer." Ayoko na ako ang dahilan bakit wala na siyang nararamdaman kay Kiefer.

"No...matagal na Sam. Matagal ko ng hinahanap yung sagot kung mahal ko pa ba siya. Wala na talaga kahit nung nasa labas ako. Oo, masaya kami pero hindi ko parin maiwasang isipin na may babae paren siya. Kung hindi ko maririnig kay Thirdy maririnig ko naman sa parents niya mismo. He's a playboy Sam. I don't deserve him. Kung nabalitaan mo, nagleak yung video niya na may ano."

Napatakip ako ng bibig sa nabalitaan ko. Hindi ko alam na nangyari iyon.

"Ang lakas mo naman na babae Ly. Bakit antagal mong nagpaparaya sakanya? Eh niloloko ka na pala eh. Sana nung nandoon ka sa labas natapos mo na. Hindi yung ganito, naguguluhan ka lang nyan eh." Sabi ko naman.

"I just needed time." She said while resting her head sa sofa.

"SAMANTHA AND ALYSSA PUMUNTA KAYO SA CONFESSION ROOM!" Nagulat kami dahil tumingin lahat ng housemates sa amin.

Hala...

Tumayo kami at pumunta na sa confession room. Umupo kami at hinintay ang boses ni Kuya.

"Bakit naka-off ang mga microphone niyo?" Tanong ni Kuya.

"Kuya sorry po." Sabi ko naman.

"Kuya di lang po namin kayang ipublicize yung pinaguusapan namin kase kung mapapanood ng tao yun sa TV malalaman ni Kiefer yung sikreto ko."

"Anung sikreto yun, Alyssa?" Tanong ni kuya.

"Kuya hindi ko na po kase siya mahal. Matagal ko ng pinagiisipan ito pero diko lang po talaga kayang iparinig sakanya na diko na siya mahal." Umamin naman si Alyssa. Kaya ko mahal ang babae na toh, totoo sa sarili.

"Naiintindihan kita Alyssa. Pero may karampatang parusa ang ginawa niyo ni Sam." Sabi naman niya.

Tatanggapin ko naman lahat ng parusa basta't kasama ko si Ly...

"Dahil sa ginawa niyo, madadamay ang mga housemates.

"Opo kuya." Sabi naman ni Alyssa. Sa ganito palang nagpapasorry na ako sa mga kasama namin na madadamay.

"Kayo ay mahihiwalay sa dalawang grupo. Alyssa, Sam kayo ay hindi pwedeng magsama. Bawal makipagusap sa hindi ka grupo. Lumabas muna kayo sa confession room para maipahatid ko rin sa mga housemates." Kaya lumabas na kami ni Ly sa confession room at sinalubong nila kami.

"Anong nangyare?" Tanong sa amin ni Madam Inutz.

"Sorry na sa lahat ng madadamay..." Sabay upo ko sa sofa at niyoko ang ulo ko.

"Housemates."

"Sa puntong ito hindi na maaring tumawid ang bawat grupo sa magkabilang area. Team ni Sam maari na kayong magpaalam."

"Alyssaaaaa!!!" Yakap ko sakanya at sabay kaming humagulgol.

"Magkikita pa naman tayo, Sizzie. Nasa iisang bahay lang tayo. Tiis lang. Patience..." Hindi ko inaasahang hinalikan ako ni Ly sa forehead ko.

"Everything's gonna be alright, okay? I love you, Sizzie." Sabay yakap ng mahigpit ulit sakanya.

"I will miss you, Ly..." hindi na namin pinatagal ang pag-papaalam dahil inalalayan na ako ng iba papuntang kabilang area.

"Ngayon na nakiwalay na kayo sa isa't isa may ilalagay na akong mga harang. Bilang palatandaan kung hanggang saan lang kayo. Ang tanging pwede lang daanan ay yung area sa harapan ng kitchen counter at yon ang tuwing gagamit kayo ng toilet o ng bathroom at kung ipapatawag ko kayo sa confession room. Pero bukod doon bawal manatili ang mga housemates sa nabanggit kong lugar. Hindi rin pwedeng daanan ang hallway sa may glassdoor. So ang tanging niyong lagusan ay ang kanya-kanya niyong kwarto. Malinaw ba ito housemates?"

"Opo kuya!" Sabay-sabay naming pag sang-ayon.

●●●

ALYSSA'S POV

This is all my fault and lahat madadamay dahil sa isang violation ko. I should be ashamed for myself...

"At sa puntong den na ito, hindi na rin maari na makapag-usap ang bawat grupo. Sa isa't isa..."

Jordan tapped my back saying it's all gonna be alright...

"Ipinagbabawal ko rin ang kahit na anumang komunikasyon sa bawat grupo. Naiintindihan?"

"Yes kuya!" Sagot nila. Habang ako naman ay nakayuko at iniisip na kung makakayanan ko ba ang parusa na ito.

"Ang bawat paglabag sa mga patakarang binigay ko ay makaka-epekto ito sa inyong task. Hanggang dito nalang housemates..."

Hayyy kaya ko ba ito? Walang Samantha Bernardo sa tabi ko parang sinampal ako ng sampung beses...parang imposibleng makayanan ko ito. Sa lambing naman ng babaeng iyon, paano ko ba matitiis na wala siya?

FAST FORWARD

Our team won against the team of Samantha that's why Kuya gave us rewards and I picked the pen and paper why? I like to journal everything. Para dina ren ako ma-bored.

And sa pagtatapos ng game na iyon finally, magkikita na kami ni Sam...

END OF THE FLASHBACK

SAY HELLO TO THE GIRL YOU CAN'T LET GO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon