The next day, I woke up in the side of the hospital bed of Ly. Ang himbing ng tulog niya. Tinignan ko yung phone ko at napansin kong tinext na ako ng Tatay ni Ly na papunta na sila dito.
Tumungo ako sa banyo at naghugas ng mukha. Pagkatapos kong maghugas, para akong natawa mag-isa na parang baliw kase may naalala lang ako.
FLASHBACK
"Hello, gorgeous. Sinong date mo ba today?" Biro sa akin ni Ly dahil napansin niya akong nagmemakeup sa harapan ng salamin.
"Alam mo naman pong wala dito ang mga jowa natin char! ang feelingera ko walaman nga akong jowa eh. Sizzie kaya tayo nalang magdedate." Sagot ko sakanya at hinampas naman ako sa balikat.
"Aray ko naman! Kilig yarn?" Biro ko sakanya.
"Ano kayang masasabi ng jowa ko at manliligaw mo noh? Siguro sabi nila nangangliwa na tayo! HAHAHA!" Napatingin naman ako kase ibang klaseng biro yun ha. Minsan mo lang marinig si Ly na ganun magbiro.
"Grabe, Ly. Pero what if lang? What if tayo pala?" Napatigil siya at tinignan niya ako sa salamin.
"We never know. Kung wala lang akong jowa it's never too late to try. Kaya let the destiny lead the way." Inexpect ko na yun ang lalabas sa bibig niya. Kung hindi man nga siya taken, it's never too late. Pero ngayon, hindi pwede.
"Kung lolokohin ako ulit ni Kiefer, enough na yung chance na nabigay ko sakanya. Kaya kapag ginawa niya ulit, I should think of myself first. I would be selfish kung mangyayari ulit yon." I held her hand and looked at her.
"Take your time, Sizzie. Let your heart decide. Wag mong ipilit yung damdamin mo. Kaya ka nga nandito para makapag-reflect diba? Don't rush yourself. I'll be always here." I said to her.
After that talk, hinanda na namin yung double date ni Eian and Alexa pati na rin si Jordan and Madam Inutz.
"Kaya pala kayo nag-ayos ng date, kase kayo rin pala ang magdedate sa loob? Hay nako, ang mag-Sizzie talaga. Nangangamoy fish kayo!" Sabi ni Mama Brends sa amin.
"Akala niyo diko nahahalata ha? Bakla ako, di ako bulag. Naamoy ko yung sangsang ng kabaklaan sa inyo. Magkaibigan lang ba talaga kayo?" Tanong niya na alam ko naman na pabiro.
"Bored ka na ba Mama Brends?" Tanong ni Ly sakanya habang kumakain kami.
"Di ako bored. I'm just stating my observations! That's all!" With english accent ang bakla. HAHAHA!
"There's nothing between us, Mama Brends. Chill ka lang." Sabi ko sakanya sabay tingin kay Ly.
"Huwag kakalimutan, si Ly ay may Kiefer na, Samantha. Alam kong may manliligaw ka pero you are free. But that bird?" Sabay turo kay Ly.
"Will never be a bird again!" Dugtong niya sabay tawa naming lahat.
"Pero matanong ko ha. Diretsahang tanong toh." Sabay upo ni Mama Brends sa pagitan namin.
Parang alam ko na nga anung tatanungin neto eh...di ako handa actually...
"What if Alyssa is single? Sa tingin mo magkakagusto ka sakanya?" Sabi ko na eh. Natawa nalang si Ly kaya pinilit ko nalang sarili ko na tumawa din kahit yung sasabihin ko bukal sa loob ko.
"Yeah of course! Why not? Jowa mo Phenom oh, aarte ka pa ba?" Sagot ko sabay tingin sa akin ni Ly.
"Oh ikaw Ly? If single ka magkakagusto ka ba kay Samantha?" Tanong ni Mama Brends.
"Oo naman noh. Madaming magkakandarapa mapasagot lang ang beauty queen na si Samantha Bernardo. Syempre babakurin ko na siya if magkakagusto ako sakanya."
Himlay...
"Ay bongga! Mga bakla nga kayo!" Sabay tawa ni Mama Brends. Natawa nalang din kami ni Sizzie. Ewan ko ba kung seryoso ba sagot niya or bola lang. Pero ang akin lang...I'll take that as a yes for me...
END OF FLASHBACK
"Sizzie?" Nagulat ako dahil naka-upo na pala si Ly sa bed.
"Good morning, Sizzie." Sabay yakap sakanya.
"Gusto mo bang mag-hilamos?" Tanong ko sakanya.
"Nakakahiya naman, Sizzie. Hindi naman kita nurse eh." Sabay kamot niya sa batok.
"Anu ba, Sizzie ngayon ka pa mahihiya? Ako na." Sabi ko.
Kinuha ko yung batsa sa banyo at nilagyan ko yon ng hot water sa thermos na meron sila. Nilagyan ko nalang ng konting alcohol para malinisan na rin si Sizzie.
Tinanggal ko yung pagkatali ng hospital gown niya kaya nakasports-bra nalang siya at underwear.
Pinahid ko na yung towel sa katawan niya. Naramdaman ko namang nanginig siya ng konti.
"Okay ka lang?" Tanong ko.
"Nahihiya ako, Sizzie." Nakita ko nanaman yung ngiti niya noong ayaw niyang ipa-masahe yung paa niyang nangawit sa weekly task nila ni Madam Inutz na naka-saklay.
Pinunasan ko na ang mga binti niya hanggang likod. Kaso natatakpan ng sports bra niya yung iba pang area ng katawa niya.
"Kailangan ko bang tanggalin, bra ko?" Mahina na tanong niya.
"Ikaw bahala." Pagka-sagot ko tinanggal nalang niya bigla.
Sooo...yeah I saw her chest...
Nilublob ko ulit yung bimpo sa hot water at pinahid ko na sa katawan niya.
Actually? Ang intense netong ginagawa ko kase ngayon ko lang siyang nakitang ganito. Siya palang kase yung nakakakita sa akin na nakahubad...
"Samantha..." Bigla niya akong pinatigil sa ginagawa ko dahil hinawakan niya ang braso ko.
"Thank you, for taking care of me. I know na busy kang tao pero here you are."
Yung tingin niya parang nanghihila. Parang magnet na diko maiwasan...
"Kapag kaya ko na, ako naman ang babawi sayo, Samantha. I owe you a lot." Binitawan niya na ang hawak sa braso ko kaya nakagalaw na ako.
"Walang anuman, Sizzie." Tumayo nalang ako ang binalik na ang batsa sa banyo.
"I'll help you to get dressed. Pupunta na dito yung family mo. Pagkarating na dito, uuwi na ako." Sabi ko sakanya na nakangiti.
"Okay, you should rest na din. Baka nag-alala na mama mo doon." She said.
"As long as my Mom knows where I am, hindi yun mag-alala. Kase alam niyang nasa mabuti akong kamay." Sabi ko sakanya habang nasa banyo ako.
Binalikan ko siya at tinulungang magbihis. Ang hirap bihisan talaga ang matangkad, char. Mahal ko naman toh kaya balewala ito...
Lumipas ang oras at nakapunta na rin ang pamilya ni Ly kaya oras ko na para umalis doon.
"I'll visit you when I'm free, Sizzie. Bond muna with your fam. I'm sure they are worried about you."
"Thank you ulit, Sizzie. I'll miss you." Niyakap namin ang isa't isa ng mahigpit.
Pero bago ako maka-alis sa kwarto hinawakan ako ni Tito Ruel sa balikat.
"Iha, salamat. Magkape tayo minsan na tayong dalawa lang kapag libre ka na." Sabi niya sa akin na nakangiti.
"Opo Tito. Wala pong problema."
Pagkatapos ng paguusap na yon. Umalis na ako at nagdrive na pa-uwi.
Another day without her is so hard...
BINABASA MO ANG
SAY HELLO TO THE GIRL YOU CAN'T LET GO
FanfictionAfter I escape the real world, I found the real love inside the house of Kuya. But after I went outside, reality slapped me once more. -Aly "Sizzie" Valdez