Nakaiiyak sa tuwing naiisip kita
At kung paano nabulag ang aking mga mata
Sa mga matatamis mong salita
Na puro kabalbalan lamang palaGustong maramdaman ang galak para sa'yo
Ngunit laging bumabagabag sa isip ko
Yung sakit na sa akin ay naidulot niyo
Habang nagsasaya kayo.Hindi makatulog sa gabi
Mugto ang mata, burado ang ngiti
Puno ng pagaatubili
Gagambalain ka pa ba o hindi?Alam ko naman ang tama
Hindi ko lang matanggap ang tadhana
Ang katotohanan na 'di tayo para sa isa't isa
Dahil ika'y para sa kaniya.Kung pwede lang ibalik ang dating samahan
Nais kong bumalik sa nakaraan
Baka sakaling mahadlangan
At hindi matuloy ang 'yong paglisan.Paglisan sa mundo kong ikaw ang nagtina
Sapagkat labis na minahal kita
Ngunit Iniwan mo akong nanghihina
At sabik sa pagmamahal na iyong ipinakita.Ako'y sobrang durog na durog
Dahil sa 'yong paglisan aking irog
Iniisip ko kung kailan kaya mauuntog
Itong puso kong sayo nahulogMahal kita ngunit masaya ka na sa bago mo
Kaya dapat na siguro akong huminto
At makuntento sa pagtanaw mula sa malayo
Habang tahimik na lumuluha nang patago.11/14/21 4:46 am
YOU ARE READING
Crowns of Laurel
PoetryA compilation of all my poems and written monologues. 𝐏𝐥𝐚𝐠𝐢𝐚𝐫𝐢𝐬𝐦 𝐢𝐬 𝐚 𝐜𝐫𝐢𝐦𝐞.