Isang agilang naliligaw,
pag-asa'y unti unting nagugunaw,
walang magawa kundi ang pumalahaw,
kasabay ng paglubog ng araw.Pakpak niya'y sira,
Hindi makalipad ng malaya,
naglalakad sa makitid na sanga,
takot at nagpipigil ng hininga.Mga matang nagmamatyag,
sa agilang nakahahabag,
nag-iintay na siya'y malaglag,
at unti-unting matibag.Walang hangad kundi ang sumaya,
ngunit dalamhati ang nakuha,
pait, sakit, at puros problema-
ito ba'y walang hanggang parusa?Ni isang himig ay walang maririnig,
Pagkat nakatago ang mga hikbi at tinig,
wala rin namang makadirinig,
sa agilang nangangailangan ng mga bisig.Gabi-gabing tinatanaw ang mga tala,
pinagmamasdan ang ganda ni Luna,
gamit ang matang puno ng luha,
nagtatanong, hanggang kailan magdurusa?Sa wakas, ang agila'y humakbang ulit,
ipinagaspas ang pakpak, sa ulap lumapit,
naramdaman ang kagalakang hindi pinilit,
at iyo'y sa himpapawid niya lang nakamit.
YOU ARE READING
Crowns of Laurel
PoetryA compilation of all my poems and written monologues. 𝐏𝐥𝐚𝐠𝐢𝐚𝐫𝐢𝐬𝐦 𝐢𝐬 𝐚 𝐜𝐫𝐢𝐦𝐞.