Nakatingala sa ganda ng tala
pilit na isinasawalang bahala
ang pagkislap ng mga mata
sa tuwing ika'y nakikitaMinsan ay nauuwi sa tula
ang damdaming aking dala
kahit na alam kong walang mapapala,
kahit alam kong sa wala ito mapupuntaHumihiling kay bathala
sa kalangitan, siya'y inaabala
baka sakaling mawala
o damdamin natin ay magtugmaDi ko malaman ang nadarama
Puso ko'y tila isang granada
Sumabog nang ika'y nakilala
Kaya ngayo'y lubhang nangangambaTila isa nangangatog na daga
naghihintay sa sagot mong tataga
sa puso kong sayo napunta,
sa galak na sayo ko nakuhaAlam kong sa alak ay hindi sasaya
Wala namang balak na tumaya
ngunit gustong makalimot nang di madama
ang sakit ng sitwasyon nating dalawaKailan kaya ito madadala?
mahahampas ng reyalidad itong makata?
na tumutula habang sinasalat ang luha
pilit na itinatago ang lahat ng nadaramaHuwag mag-alala
ako'y titigil na
kalat ko'y lilinisin ko na
damdamin ko'y sana mawala na.
YOU ARE READING
Crowns of Laurel
PoesíaA compilation of all my poems and written monologues. 𝐏𝐥𝐚𝐠𝐢𝐚𝐫𝐢𝐬𝐦 𝐢𝐬 𝐚 𝐜𝐫𝐢𝐦𝐞.