Secrets

639 19 6
                                    

Claire


"Claire, mabuti't dumating ka na." 

Nakangiting bati sa kanya ni Nanay Beatrice. Nang makapasok ay iginala nya ang tingin sa kabuuan ng bahay. Malawak at maaliwalas pa rin kagaya ng huli nyang punta dito. Every corner has a trace of luxury from mats to furniture.

Well why the heck not? The house belongs to the Mighty Marco!

Naalala nya pa nung unang beses nya itong makita. She was very excited and nervous at the same time. Walang kaalam alam ang Nanay nya na pumunta sya ng California para makita sa unang pagkakataon ang Amang hindi nya nakagisnan. She was able to locate him based from her Mother's vague info and re-search.

She went to see him unannounced. But going there was terrible mistake. Mighty Marco did not recognize her as his child. Natatandaan pa nya kung paano sya nito pinagtabuyan palabas ng mansyon nito sa Calabasas. She knew it was her fault, It was an impulsive decision but she didn't expect an ugly outcome from her eagerness to know and see her own Father. Sa sobrang sama ng loob, she ended up going to a bar and drank herself to madness. That's where she met Thomas.

A year after meeting Mighty Marco bigla na lang syang isinama ng kanyang Mama isang araw sa isang Mansyon. Dun nya nalaman na ang mansyon ay pag-aari ng kanyang Papa na nagpasyang mamalagi at manirahan na sa Pilipinas kasama ang asawa nito. She wasn't very pleased to see him. 

Humingi ito ng sorry sa kanya for how he treated her back in California. Napatunayan na raw nitong totoo silang mag ama and he's asking for another chance. Pero sya naman ang tumalikod sa kanyang Papa. Hindi pa sya handa noon. Masyado pang masakit sa kanya ang nangyari. 

Naputol ang pagmumuni muni nya nang magsalita si Nanay Beatrice. 

"Kanina ka pa hinihintay ni Sir Marco eh. Nagpahanda rin sya ng mga paborito mong pagkain." 

Hindi na sya nagtakang alam ni Marco ang paborito nyang mga pagkain, malamang ay sinabi ito ng Mama nya, pero ang ipinagtataka nya ay kung bakit ito nagpahanda ng pagkain para sa kanya eh wala naman syang balak magtagal sa bahay na yun.Pinagbigyan nya lang ang gusto ng Mama dahil kundisyon yun sa pagpayag nitong makilala si Thomas. 

She had to do it para hindi na nangungulit si Thomas na atat makilala ang kanyang Mama. At para hindi na rin nito isipin na may tinatago sya. Hindi pa talaga sya handang ipakilala si Nicolai.

Hindi sya nagsalita at sinundan na lang si Nanay Beatrice hanggang sa huminto sila sa tapat ng isang pinto. Alam nyang yun ang study room or office ni Marco.

Kumatok ang matanda at binuksan ang pinto para ipaalam sa nasa loob na naroon na sya.

"Send her in. Thank you Beatrice." Dinig nyang tinig ng matandang lalaki sa loob ng kwartong yun.

Bumaling sa kanya si Nanay Beatrice at pinisil sya sa magkabilang balikat. 

"Sana ay magkaayos na kayong mag-ama." 

Mapakla syang ngumiti sa matanda bago sya nito iniwan.

Nang pumasok sya ay nakatayo na si Marco at maaliwalas ang mukhang humakbang palapit sa kanya. 

"Claire, my daughter!" Bulalas nito bago sya niyakap ng mahigpit. Hindi nya napaghandaan ang yakap na yun. Ang nasa isip nya ay pormal lamang silang mag uusap tungkol sa kung ano mang dahilan ng pagpapapunta nito sa kanya dito. 

Kahit medyo naiilang ay nakaramdam  pa rin sya ng saya sa puso. Sa loob kasi ng tatlong taon ay hindi nya napatawad ang Ama dahil ipinagtabuyan sya nito noon at itinatwang anak. Tapos ngayon ay maririnig nya itong tawagin syang anak.

Hindi nya napigilang maluha at namalayan na lang nyang gumanti sya ng yakap sa kanyang Papa.

"Thank you Claire. This visit means so much to me."

Nang maghiwalay sila ay pareho pa silang natawa dahil pareho silang nagpunas ng mga luha sa pisngi. That's it. Ganun lang, naghilom na lahat. She's healed. She doesn't feel the pain anymore. Ayaw na nyang pag usapan pa, ayaw na nyang makarinig ng sorry dahil alam naman nyang labis na itong nagsisisi. Ang importante sa kanya ngayon ay napatawad na nya ang Ama at ngayon ay meron na silang pagkakataon para maging isang pamilya.

Akbay pa rin sya ng Ama nang bumaling sila sa may edad ng lalaki na nakaupo sa harap ng lamesa ni Marco. Saka lang nya napansin na may bisita pala ang kanyang Papa.

"David, this is the happiest day of my life." Wika ng kanyang Papa sa bisita.

"Yes I can see that." Masayang sagot naman ng lalaki at magiliw na ngumiti sa kanya.

"Claire, this is a good friend of mine, Attorney David Miller. David, this is my daughter, Claire Rios."

Tumayo ang matanda at nakipagkamay sa kanya na kanya rin namang tinanggap. 

"It's nice to finally meet you Claire. And I'm very happy to see you reconcile with your Father."

"Nice to meet you too Attorney. Miller."

Nang bumaling sya sa Ama ay binigyan nya ito ng nagtatanong na tingin.

"Oh yes, have a seat Claire." Nakakaunawa namang sabi ni Marco at itinuro sa kanya ang bakanteng upuan katapat ng upuan ni Attorney Miller.

"Damn I don't want to ruin our moment, I mean. I'm very happy you've forgiven me."

Ngumiti lang sya sa Ama at nagpatuloy ito sa pagsasalita.

"Claire, you know you're my only child which means you're my sole heiress. And as early as now, I want to set things right."

Mukhang nahuhulaan na nya kung saan patungo ang sinasabi nito pero hinayaan lang nya itong magsalita.

"At this point, I am finalizing my will and that's why Attorney Miller is here. How do you feel about changing your last name to Severide?"

Hindi sya agad nakasagot. Handa na ba sya sa responsibilidad na yun?

"Does Mama know about this?"

"Yes, she does and she's fine with it."

"What about your wife?"

Hindi nakaligtas sa kanya ang makahulugang tingin ng Ama sa kaibigang abogado. Nang muli itong bumaling sa kanya ay nagpakawala ito ng malalim na hininga.

"She's not getting a cent from me Claire."

"What? Why?"

"I filed a divorce. It's being processed as we speak."

May lungkot sa mukha ng kanyang Papa at nakaramdam sya ng awa dito. 

"I'm sorry to hear that."

"Everything I own, everything I have will be passed on to you and your son, Nicolai who I am dying to meet by the way. "

Napangiti sya sa tinuran ng Ama. "I'll set a date then." Sagot nya.

Marami pa silang mga napag usapan tungkol sa legalidad at tungkol sa mga magiging responsibilidad nya bilang nag iisang tagapagmana ni Marco Severide. Hindi madali para sa kanya ang magdesisyon dahil mahal nya ang kanyang trabaho bilang Nurse sa Margaret pero nanghihinayangh naman sya kung mapupunta lang sa kung saan at kung kanino ang mga pinaghirapan ng kanyang Papa. Isa pa ay iniisip nya si Nicolai. Mas magiging maganda ang kinabukasan ng kanyang anak. 

Nang matapos ang lunch ay nauna nang umalis si Attoney Miller. Nagpaiwan sya dahil hiniling ng Papa nyang makapag kwentuhan pa silang mag ama.

"Where is Nicolai's Father?"

Umpisang tanong sa kanya ng Papa. Sa lanai sila nagpasyang mag usap at doon sila dinalhan ng desert ni Nanay Beatrice.

"Not in the picture." Napalunok sya. Ayaw nyang magkwento tungkol sa personal nyang buhay kaya minabuti nyang ganun na lang ka-vague ang isagot dito.

"Does he know about his child."

"No. I- I don't where to find him."

Lumungkot ang mukha ni Marco at masuyong tumingin sa kanya. 

"I hope his Father is not an Ass like me."

"Dad."

"You make me very happy when you call me Dad. Thank you again Claire for giving me another chance. "

Ngumiti lang sya bago uminom ng juice na hinanda ni Nanay Beatrice.

"If you don't mind me asking...what happened to you and...your wife?" Curious nyang tanong. Kanina pa sya inaatake ng pagka Marites pero nagpipigil lang sya dahil nahiya sya kay Attorney Miller.

"Well...it didn't work out."

"But you were married for 20 years?"

"20 miserable years, yes. All along, I knew he married me for money. I gave her everything. "

Matagal nasundan ang mga sinabi ng kanyang Papa. She saw his eyes misty, like he's about to cry at para namang pinipiga ang puso nya.

Marami pa syang nalaman tungkol sa asawa ng kanyang Papa at hindi nya mapigilang makaramdamn ng poot para sa walang kwentang babaeng yun. She damn well deserved to be dumped and be put back to where she belonged. 

Sa basura! Yes, i will make sure na walang makukuhang kahit isang sentimo ang babaeng yun sa yaman ng kanyang Papa. Not when Claire Rios - Severide is standing on her fucking way!



*****

Thomas


Pagka park ng kotse ay agad na bumaba sya mula sa driver's seat at mabilis na naglakad palapit sa apartment ni Claire. Bukas pa ang usapan nilang magkikita dahil ipakikilala na sya ng nobya sa Mama nito pero kaninag umaga pa nito hindi sinasagot ang tawag at text nya kaya nagpasya syang puntahan ito sa bahay.

Kakatok pa lang sana sya nang makarinig ng ugong ng paparating na sakyan. Kumonot ang noo nya nang pumarada ito sa tapat ng apartment ni Claire. Ganun na lang ang pagkamangha nya nang makitang bumaba mula sa driver's seat ng sasakyang yun si Claire.

Hindi nya sigurado kung namalikmata lang ba sya pero nakita na naman nya ang pagka-panic sa mga mata nito bukod sa pagtataka. Habang naglalakad itong palapit sa kanya ay hindi nya inalis ang tingin sa sasakyang binabaan ng nobya.

Hindi sya pwedeng magkamali. It's a Buick Cascada. 

"Thomas!" 

Napabaling sya sa nobyang nakatayo na ngayon sa harapan nya.

"What are you doing here?"

"I umn...You didn't answer my call and  text messages."

"I was busy."

"Where were you? Why didn't you answer any of my calls or messages?"

"Thomas, I said I was busy."

"Busy with what?" Hindi na nya napigilang magtaas ng boses. Kaninang umaga pa sya naiirita nang hindi nga nito sagutin ang mga tawag nya. At ngayon ay sasagutin lang sya nito ng "busy"?

That's bullshit!

"Are you yelling at me?" Naiinis na rin na tanong sa kanya ng babae.

"Because you're giving me bullshit!"

"Right..." Bumuntong hininga si Claire at lumambot ang expression ng mukha. Apologetic itong tumingin sa kanya. "I'm sorry I didn't answer your calls or text messages. I met with someone this morning and we've discussed important things kaya hindi ko sinasagot yung tawag mo."

Salubong pa rin ang mga kilay nyang nakatingin sa nobya. Madilim ang mukha nya dahil mas lalong hindi nya nagustuhan ang sinagot nito. Who could be more important than him and what could be more important than letting him know of her whereabouts?

"Who did you meet with?" Mababa pero madiin nyang tanong.

"Thomas it's not what you think." Mabilis na sagot nito na nakuha ang ibig ipahiwatig ng itsura nya. His fist and jaws were clenched suppressing his anger. Hinawakan nito ang magkabila nyang balikat. "I just went to see a family member at nag usap kami tungkol sa mga legalities sa pamilya."  

Sa narinig ay saka pa lang sya kumalma. Ang layo na kasi ng narating ng utak nya. He was thinking of the worst at hindi nya alam kung kakayanin nya.

"I'm sorry." Yumakap ito sa kanya at nang maramdaman ang malambot nakatawan ng nobya ay para namang ice cream na natunaw ang galit nya. Ganun na ba sya karupok pagdating sa babaeng to? 

"It won't happen again, I promise." Masuyong dagdag pa nito.

Gumati sya ng mas mahigpit na yakap sa dalaga. He let go of shaky breath before kissing her forehead.

"God Claire, you'll be the death of me." Madamdamin nyang anas. 

"Grabe naman to. Wala namang nangyari sa akin oh."

"I don't like it when you're not with me."

"Masyado kang Clingy Dr. Grimaldi."

"Yes I am." He kissed the tip of her nose.

"Ok ka na? Bati na tayo?"

"I can't stay mad at you for too long. " 

He kissed her again, this time he claimed her lips and she responded with equal fervor. Naging blangko na naman lahat sa kanya at ang tanging nararamdaman lang nya ay ang sarap sa pakiramdam habang hinahalikan ang mga labi ng babaeng pinakamamahal. 

"Umn..." Ungol ni Claire na pilit kumakalas sa yakap nya dahil bigla nyang naalala kung nasaan sila.

"Now what?" Iritang reklamo nya.

"Thomas, nasa labas tayo oh. Maraming mga Marites na abangers dyan."

"What?" He definitely did not get what she said.

"I said I'm not making out with you right here where neighbors can see."

"Let's get inside then."

"Nah...Nandito ka na rin lang, bakit hindi na lang tayo mag date?"

"Wha-" 

"Halika na!" 

She grabbed his hand and pulled him off to to his car.

"But what about your Mom?" 

"She's not there. She's out with Nicolai."

"Nicolai?"

Bigla itong napahinto sa paglalakad kaya huminto rin ang paghila nito sa kanyang kamay. He felt her stiffened which made him confuse and concerned. Did he say something wrong? She mentioned a Nicolai and he just asked, he wants to know who Nicolai is.

"Babe?" Tawag nya dito. "What is it?"

Bahagya lang itong lumingon sa kanya bago sumagot. 

"Wala. Let's go and just take me out for a date, Boyfriend." 

He pressed his lips together firmly, He suddenly felt wrong. She seemed to be hiding something from him. 

Nicolai.

She stopped when he mentioned Nicolai. Hindi sya tanga para hindi mapansin how she dismissed his question - refusing to answer him. Bigla syang na-curious kung sino si Nicolai. Nagdududa pero walang kibo syang nagpahila sa nobya hanggang sa kanyang sasakyan.


Claire's "O"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon