Claire
Kanina pa sya hindi mapakali. Kanina pa din sya kinakabahan. Wala syang tulog dahil sa kakaisip kung sisiputin ba nya sa dinner date ang ungas na doktor na yun. Nag text ito kagabi ng lugar at oras kung saan sila magkikita. Nag pumilit pa nga itong sunduin na lang sya pero todo ang tanggi nya. Hindi sya ready na makita nito si Nicolai.
She also figured that the unknown number who called her days ago belongs to the hot doctor. Hindi nya napigilang kiligin sa part na yun dahil talagang hinagilap pa nito ang kanyang phone number.
Ngayon nga ay kakatapos lang nilang kumain ni Nicolai. Habang naghuhugas ng pinagkainan nilang mag ina ay nasa isip nya si Dr. Grimaldi. Alas 6 ang usapan nilang magkikita sa Elie's, isang oras na ang lumipas. Yes, napag desisyunan nyang hindi na nga ito siputin to avoid complications. To avoid misunderstandings. Kahit ganuna na ang naging desisyon nya ay hindi pa rin nya maiwasang mangamba. Naiimagine na kasi nya ang galit na galit na mukha ng doktor nang mga oras na yun dahil sa hindi nya pagpunta.
Mukha pa naman itong hindi sanay na iniinjan ng ka-date.
But come to think of it? Bakit ako ang pinepeste nya? Madami namang ibang babae dyan na pwede nyang pag tuunan ng pansin. Dahil ba sa nangyari sa amin noon? Pero sa tipo naman ng lalaking yun, for sure madami na itong naikamang babae so why is that doctor pestering her?
Dahil kay Nicolai? Impossible. Hindi nga alam sa Margaret na may anak sya eh. Hindi naman sa tinatago nya pero hindi lang sya nagkukwento.
Nang matapos sa kanyang ginagawa ay nilapitan nya ang anak na nanonood ng tv sa sala. tinabihan nya ito at niyakap.
"One more hour then I'll tuck you to bed okay?" Malambing nyang bulong dito.
"Yes Mommy." Answered her boy then kissed her.
Nakinood rin sya ng TV habang akbay ang anak pero ang isip ay tumtakbo pa din sa gwapong doktor na tatay ng kanyang anak. Lihim syang natawa.
"Ano kayang magiging magiging reaction nya pag nalaman nyang may anak sya sakin?" Tahimik na tanong ng isip nya.
"Hmn...baka pag nalaman nyang may anak ako eh tantanan nya na ako. Mukha pa naman syang allergic sa mga babaeng may sabit. "
Pero hindi. Wala syang balak na ipagkita ang mag ama. Unang una baka hindi ito maniwala sa kanya. Kakayanin nya ang rejection pero hindi ang sakit na mararamdaman ng anak nya kung sakaling hindi ito kilalanin ni Thomas.
She'd been there. Hindi pa rin kasi nya makalimutan ang sakit na naramdaman nung itanggi sya ni Marco. Ang kanyang ama. And Thomas...he has the potential to hurt me and my son. Kaya siguro tama lang ang ginawa nyang hindi pag sipot sa dinner date nila. Maybe he'll get the picture that she's not interested with whatever games he's trying to play.
Ipinilig nya ang ulo at itinuon na lang ang atensyon sa pinapanood ng anak. Nang makitang bumabagsak na ang ulo ni Nicolai dahil sa antok ay binuhat na nya ito at dinala sa kwarto. Nang maiayos ito sa pagkakahiga at mahimbing nang natutulog ay saka pa lang sya tumayo para maligo.
Hindi pa sya nakakapasok ng tuluyan sa banyo nang makarinig sya ng mga katok sa pinto. Kunot noo syang naglakad palapit dito. It's almost 8pm, sino naman kayang bibisita sa kanila?
"Sino yan?" Tawag nya dito. Silang dalawa lang ni Nicolai, wala ang kanyang Mama dahil nag sleep over sa kumare nito kaya hindi sya pwedeng magpapasok ng ibang tao. Nang walang marinig na sagot ay binuksan nya ng maliit ang pinto enough for her to see who could their visitor be. Hindi naman sya nag aalala dahil naka chain lock pa rin naman ang pinto.
May matangkad na lalaking nakatayo sa harap ng pinto nya at kahit nakatalikod ito ay alam na nya kung sino yun. Para syang binuhusan ng nagyeyelong tubig nang humarap ito showing his dark face. Salubong na salubong ang makakapal nitong kilay habang matiim na nakatingin sa kanya.
"Let me in." Madiin nitong sabi.
Napailing sya. "What do you want Dr. Grimaldi?"
Humakbang itong palapit sa pinto kaya napalunok sya nang tuluyang masilayan ang napakagwapo nitong mukha. Oo, kahit galit ito ay napakgwapo pa din.
"You don't want me breaking this door Claire so you better let me in."
"Jesus!" Tanging naibulalas na lang nya habang tuluyang tinatanggal ang chain lock. Nag tuluyang mabuksan ang pinto ay walang pasabi itong pumasok sa loob .Ito pa ang naglock ng pinto pagkatapos ay naglakad palapit sa kanya. He towered him with his overwhelming height kaya nag iwas sya ng tingin. Hindi nya kayang lumaban ng titigan dito.

BINABASA MO ANG
Claire's "O"
RomantizmI never thought that lusting over someone you despise is possible. I can't stand the likes of her but my body wants her. Her kissable lips, her luscious body, her taste, they all consumed me and it sparks to an overwhelming desire. How can I get her...