Can you shave please?

729 27 8
                                    

Thomas


Whoever said that real men don't cry - it's baloney! Because here he is crying his heart out in-front of the woman he loves, begging for her to take him back. Begging for another chance. Buong buhay nya ay nakukuha nya ang lahat ng kanyang gusto. Hindi nya kinakailangang magmakaawa dahil nakukuha nya ang gusto ng walang kahirap hirap pero iba ngayon. He's begging like his life depends on Claire. 

Nang tanggalin nito ang pagkakayapos nya ay nawalan sya ng lakas. Nanlumo sya, parang nawalan na ng pag asa. Pasalampak syang napaupo sa sahig habang yumuyugyog ang balikat dahil sa pag iyak. He's in deep shit! Hindi nya magawang tumingin kay Claire dahil hindi nya kayang makita ang rejection sa mga mata nito. Nanatiling nakatingin lang sya sa dalawang paa ni Claire na nakatayo pa rin sa kanyang harapan. 

Yes, it's his fault. He was an ass. Walang ibang dapat sisishin kundi sya. Sinira nya ang lahat. Tama nga si Claire, kung sana lumapit na lang sya noong araw na yun. Kung sana nagtanong na lang sya kung sino ang kasama nito nang araw na yun, hindi na sana nauwi sa ganito ang lahat. 

Is it really too late? Wala na nga ba talagang chance?

No! Hindi yun matanggap ng isip nya. Mas lalong hindi yun matatanggap ng puso nya dahil si Claire lang ang dahilan ng pagtibok nun. Naalala nya ang ipinangako nya sa sarili. He promised himself that he will get Claire back. Na kahit ilang beses man sya nitong ipagtabuyan ay ipipilit nya pa rin ang sarili dito. Na gagawin nya ang lahat para mapatawad sya at muling mahalin ni Claire. 

He was about to stand up but stopped when he saw Claire squatted infront of him. Dinig na dinig nya ang tibok ng kanyang puso at lalo lang lumala nang magpantay ang mga mukha nila at muling magtama ang kanilang mga mata. Her eyes were watering. 

"Pwede ka ng tumayo. I think we're done talking." Sabi nito at tipid syang nginitian sa kabila ng paglalandas ng luha mula sa mga mata. Saglit syang natulala dahil sa ngiting yun. Nakasilip sya ng munting pag asa. Wala ng bakas ng galit pero blangko ang ekspresyon sa mukha nito. Nang tumayo itong muli ay sumunod naman sya at matamang nakatingin sa babae. He can't fathom any emotion on her face. Blangko lang itong nakatingin sa kanya habang nagpupunas ng luha.

No. Hindi sya papayag na matapos ng ganito ang pag uusap nila.

"Claire..."

"Thomas...I think napag usapan na natin ang mga dapat nating pag usapan." 

"B-But - "

"... and I'm tired. Bawal ako mapuyat. "

Napabuntong hininga na lang sya nang makita nyang hinaplos ni Claire ang wala pang umbok nitong puson. Yeah she's right. Hindi nga ito pwedeng mapuyat, much more ang ma-stress dahil sa pagbubuntis nito. She's carrying their child. Marami pang pagkakataon. Marami pang araw. Katulad nga nang sinabi nya kanina, he's willing to spend the rest of his life making amends with her beloved. 

Pinunasan nya ang nga luha sa kanyang pisngi at inayos ang gumulong buhok bago naglakad palapit kay Claire.

"I don't want to end our night like this..."

"Go home. I need to rest. You need to rest too. "

He sighed again. "Alright. Go rest mi cara. " He dared kissed her forehead and thanked all the Gods because she didn't push him back. Nakasalip sya ng konting pag asa. Bumaba naman ang halik nya sa puson nito.

"Good night little fella. I love you." Nang bumalik ang tingin nya kay Claire ay muli syang nagsalita.

"I'll come back tomorrow."

"You don't have to."

"But - "

"I'll be in Davao tomorrow for business conference."

"When do you get back?"

"It's none of your business."

He felt a sting in his heart again. Damn it fucking hurts! Sana namatay na lang sya kesa maramdaman ang pambabalewala sa kanya ni Claire.

"Right. "

"You know your way out."

He didn't want to leave but he has to. Claire needs to rest and he's not going to rush her. He'll respect the space she needs for now pero babalik sya. Babalik at babalik sya.

"Good night Babe. You know it's you. It's always been you."

Matapos sabihin yun ay bagsak ang balikat na umalis sya sa condo ng kanyang mag ina.



*****

Naalimpungatan sya dahil sa paulit ulit na ingay ng kanyang alarm clock. Nakadapa pa rin sya sa kama at nakapikit habang pilit na inaabot ang alarm clock na nasa bedside table. 

Who the fuck set the alarm? 

Nang mahawakan ang alam clock ay agad nya itong tinapon sa kung saan, kaagad naman itong tumigil sa pag iingay at sinubukan uling matulog pero hindi nagtagumpay dahil muli na namang pumasok sa isip nya ang magandang mukha ni Claire. Muli na namang pumasok sa isip nya ang naging usapan nila kagabi. 

Yamot syang bumangon pero muling napapikit at napasabunot sa kanyang buhok nang maramdaman ang kirot sa kanyang ulo. 

Damn this hangover!

Nang makauwi kasi sya sa kanyang condo mula sa condo ni Claire ay nilunod nya ang sarili sa alak. He was desperate dahil kung hindi sya iinom ay hindi sya makakatulog dahil sa kakaisip kay Claire. 

Nang umayos ang pakiramdam ay saka pa lang sya nagmulat ng mga mata at ganun na lang ang pagtataka nya nang makitang malinis at maayos ang kanyang kwarto. Wala na ang mga nakakalat nyang damit, ang mga nakakalat na bote ng alak na iniwan nya sa sahig kagabi. 

What the hell is this? May nakapasok sa condo nya?

Mabilis syang bumaba ng kama at lumabas ng kwarto. Pati ang kanyang sala ay malinis. Maayos ang pagkakalagay ng mga throw pillow sa kanyang sofa at nawala na rin ang mga wala nang laman na bote ng alak na nakakalat sa mga sulok at sahig. Dinampot nya ang cellphone na nakapatong sa center table at chineck ang oras. Damn it's still 8 o'clock in the morning. Hindi pa yun ang oras ng gising nya.!

Agad nyang tinawagan si Lestat. Si Lestat lang ang naiisip nyang pwedeng pumasok sa condo nya at iligpit ang mga kalat nya.

"What do you want Grimaldi?"

"Where you at?"

"I'm in Margaret with Daphney. It's her check-up. What's the fuss?"

"Did you happen to swing by my place and cleaned up my mess?"

"What are you talking about? My spare time is always spent with my pregnant wife you dimwit."

Naglakad sya patungo sa kusina habang nasa tenga pa rin ang cellphone. Sisimulan nya ang araw sa pag inom ng alak para makatulog syang muli. He opened the cup board where he stored the liquors he bought but his eyes widened in shock when he found the shelf empty.

"What the fuck!"

"Are you okay in there Bud?" Tanong ni Lestat mula sa kabilang linya.

"Yeah, I'm just..." Lumapit sya sa kanyang ref at binuksan yun at nagulat rin nang walang makitang kahit isang bote ng beer. 

"Fuck!"

"Are you in trouble Grimaldi?"

"No, no I don't think so. I'll just call you back." Pinatay nya ang tawag at naglakad palabas ng kusina pero nagulat sya nang may makasalubong na nakauniform na babaeng may hawak na garbage bag. Papasok ang babae sa kusina kaya pareho silang nagkagulatan.

"Who the fuck are you?!" Dumagundong ang boses nya sa kabuuan ng bahay kaya nakita nya ang pagrehistro ng takot sa mukha ng babae. 

"Ahm, Sir, house keeping."

"Housekeeping? I didn't ask for housekeeping!"

"Eh Sir..."

"Were you the one who took all my liquors?"

"Y-Yes Sir-"

"Who asked you to take them?" He was already spitting fire at the poor house keeper but he was to angry to care. 

"Y-Your wife Sir."

Mas lalong nagsalubong ang kanyang kilay sa narinig.

"My what?"

"Gladys?"

Natigilan sya nang marinig ang pamilyar na boses na yun. Bumilis ang pagtahip ng kanyang dibdib nang marinig ang tunog ng heels nito palapit sa kinaroroonan nila. Ilang sandali pa ay nasa harapan na nya si Claire na nag aalalang nakatunghay sa sinigawan nyang house keeper.

"Mam Claire, nagagalit po si Sir Thomas." Sumbong ng babae. Claire shot daggers at him but he didn't mind as his heart was beaming with joy. Hindi sya makapaniwala na nandito ngayon si Claire sa kanyang harapan. Like in the flesh!

"I'm sorry Gladys. It's okay. Ako nang bahala sa kanya."

"Sige po, aalis na po ako." Tumingin din si Gladys sa kanya at nagpaalam na bahagya lang nyang sinulyapan at tinanguan. 

"Ang aga aga iinom ka?" Tanong ni Claire nang makaalis ang housekeeper. Bakas ang inis sa mukha nito.

Is he dreaming? Dahil kung panaginip lang ang nangyayari ngayon ay wala na syang interes magising pa.

Naglakad ito palapit sa island counter at nilapag doon ang mga dalang pagkain. 

"At bakit ang aga aga naninigaw ka?"

"W-What are you doing here? I- I thought you're in Davao?"

"Conference was cancelled. " Sagot nito at biglang namewang nang muling magsalita.

"Since when did you become an alcoholic? Sa tingin mo magiging magandang halimbawa ka kay Nicolai? Doktor ka pa naman? What are you doing drinking yourself to death? Sa tingin mo talaga babalikan kita kapag nakita kitang ganyan ka miserable?"

Nanlaki ang mga mata nya sa narinig at kumibot ang kanyang puso. Hindi nya napigilan ang paglabas ng ngiti sa kanyang mga labi.

My God, aatakihin yata ako sa puso nito!

She's pissed but she looked adorable. Mas lalo lang itong gumanda sa kanyang paningin. And he still could not believe she's actually standing here in-front of her.

"I uhmn..." Wala syang makuhang salita. He's just mesmerized by her beauty. Hiyang kay Claire ang pagbubuntis.

"Yes? Are you about to say you're dumb?" Naiinis pa ring sita sa kanya ng babae.

"A-Am I dreaming?" Sa wakas ay naisatinig nya.

Hindi ito sumagot pero seryoso ang mukhang humakbang palapit sa kanya. Nanlaki muli ang mga mata nya nang hilain nito ang batok nya at binigyan sya ng magaan at mabilis na halik sa mga labi. 

"Does that still seem like a dream to you?" Matiim sya nitong tinitigan and when she was about to turn away, he immediately snaked his arms around her small waist and ravage her lips without further ado. 

Oh my God, how he missed her lips! How he missed her kisses. How he missed this woman! Dinig na dinig nya ang malakas na pagkabog ng dibdib nya pero mas nakafocus sya sa sarap ng mga labi ni Claire. Pinalalim pa nya ang halik na yun desperate to feel her tongue against his. Humigpit ang yakap ng isang braso nya sa bewang nito at ang isang kamay ay umangat sa batok nito para mas maging malalim pa ang halik na pinagsasaluhan nila. He was about to carry her to his room pero naramdaman nya ang pagtulak ni Claire sa kanya.

"Umn...Thomas...Thomas." She was trying to stop him. He tried to kiss her again pero iniwas nito ang mukha sa kanya.

"Stop, stop.." Sabi nito habang ang kamay nito ay nakaharang sa kanyang dibdib.

Nakaramdam na naman sya ng sakit. Is she rejecting him again? Nahimasmasan ba ito at narealize na mali ang paghalik nito sa kanya? Did she regret kissing him?

"Claire please..." His eyes started to water.

To his awe, Claire crinkled her nose and cupped his face, he almost stopped breathing.

"Maligo ka, mag tooth brush ka. Hindi ko gusto ang amoy mo."

Napanganga sya sa narinig. Kabaliktaran yun ng inaasahan nyang sasabihin ni Claire sa kanya kaya nakatulala lang sya sa babae.

"Hello? Do I need to English that?"

Gumalaw ang mga labi nya pero hindi sya nakahanap ng salita. He was just... happy! No happy is an understatement. He's elated!

"Go take a shower Dr. Grimaldi because you stink!" 

Natawa sya sa sinabi nito. Natatawa sya pero nangingilid naman ang mga luha nya sa mata. He's just overjoyed. Dahil sa sobrang saya ay muli nyang niyakap si Claire at inilubog ang mukha sa gilid ng leeg nito. Hindi talaga sya makapaniwala. Naramdaman nya ang pagyakap nito sa kanya, she was even caressing his back. Is this her way of telling him she's giving their relationship a chance? Is she taking him back? Dahil baka ikamatay nya kung hindi.

Naramdaman nya ang muling pagbitiw nito sa yakap nya. "Go and take a bath while I prep our breakfast."

"Will you stay? You won't run away?" Paniniguro nya.

"I won't. I want to eat breakfast with you so yes, I'll stay."

Halos malunod ang puso nya sa tuwa. He cupped her face again and gave her a light kiss. Nakakailanga hakbang pa lang sya nang matigilan dahil narinig nya ang pagtawag ni Claire sa kanya. Bigla syang nakaramdam ng kaba. 

God, please don't let her break my heart! Pipi nyang dasal bago nilingon ang babae.

"Can you shave please? I'm not really into bearded men."

Para syang nabunutan ng tinik sa lalamunan nang marinig ang sinabi ni Claire. Binigyan nya ito ng matamis na ngiti bago muling naglakad papasok sa kanyang kwarto. 

Claire's "O"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon