Gertrude

512 18 5
                                    

Thomas

He pulled over and parked his car a few distance when he saw Claire's car approaching. Mahigpit syang napahawak sa manibela nang makitang huminto at pumarada sa tapat ang kotse ni Claire. Kailangan nyang kalmahin ang sarili dahil ayaw nyang masigawan ang nobya. Ayaw nyang mag away sila at ayaw na ayaw nyang nagagalit sa kanya si Claire.

But he can't help it!

Naroon sya at naka park sa may di kalayuan pero tanaw na tanaw nya ang nobya mula sa kanyang kinauupuan. That car... Mapait syang napangiti. Seeing that car just aggravated his emotion. Kahit nga ang kotseng yun ay hindi nya itinanong sa nobya. Hinintay nyang kusa itong magsabi sa kanya kung binili ba o binigay ang kotseng yun.Hindi mahirap si Claire pero alam nyang hindi nito kayang bumili ng ganun ka mahal na sasakyan. At base na rin sa pagkakakilala nya dito ay hindi ito mahilig sa mga materyal na bagay. Her simplicty and humility were two of the reasons why he fell for her. 

Nagdilim ang mukha nya nang makita ang isang lalaking bumaba sa isa pang pumaradang sasakyan sa likuran ng kay Claire. The man was tall, big built with grey hair. Kahit hindi nya masyadong tanaw ang itsura ng lalaki ay alam nyang mayaman ito base sa pananamit at sa kotseng ipinarada sa tapat ng apartment ni Claire. The man seemed familiar pero hindi nya matandaan kung saan nya ito nakita.

Nakita nyang nag ngitian ang dalawa at nanlaki ang mga mata nya dahil nang tuluyang makalapit ang lalaki ay kumapit sa braso nito ang kanyang nobya. 

He felt a pang of pain right at that instant. Nilukob ng selos at galit ang puso nya at hindi sya makapaniwala sa nakikita.

Is she cheating on me?

Is that her lover?

His fist clenched as he murderously stared at them. He felt dumb and betrayed. Para syang pinapatay nang makitang masayang nagkukwentuhan ang dalawa habang papasok sa apartment ni Claire. 

What the fuck?!

That man can freely enter her home samantalang sya ay iniiwas syang makalapit doon? Who is that fucking son of a bitch? Sya ba si Nicolai? Sa kanya ba galing ang kotseng minamaneho nito? Yun ba ang tinatago sa kanya ni Claire?

Halos parang sasabog ang kanyang dibdib dahil sa matinding selos. Para syang maiiyak at naghihimagsik ang kalooban nya.

Fuck this!

Is he going to be like his Dad? Nagkamali ba sya ng babaeng minahal? Kagaya rin ba ito ng babaeng sumira sa buhay ng kanyang Ama? Mas mayaman ba ito? 

Naisip nyang bumaba at puntahan si Claire sa apartment pero hindi nya itinuloy. He got scared of what he might see. Baka hindi nya kayanin kapag nakita nya si Claire sa kandungan ng ibang lalaki. Baka makapatay sya. 

He left with a heavy heart and rage. 

Hindi matatanggap ng isip at puso nya na nagawa syang lokohin ng nobya. Mas mabuti pang umuwi sya at baka nga hindi nya makontrol ang sarili at mapatay nya ang dalawa. 

Alak. Yun ang kailangan nya... 

Puttana!


*****
Claire

Excited na ninenerbyos sya habang lulan ng elevator paakyat sa penthouse ni Thomas. Kahapon nya pa ito gustong makausap pero naging busy sila ng kanyang Papa. Opisyal na kasi syang ipinakilala sa mga board or members at staff ng isa sa kumpanya nito kaya halos maggagabi na rin nang matapos sila nina Attorney Miller. Sinubukan nyang tawagan si Thomas nang makauwi sya sa bahay pero hindi ito sumasagot. Pinili na lang nyang wag itong istorbohin dahil kikitain naman nya ito kinabukasan.

Humugot sya ng malalim na buntong hininga at abot abot ang kanyang kaba. She was silently praying that everything goes well today.

Today is the day...Ngayon nya sasabihin kay Thomas ang tungkol kay Nicolai. Sa totoo lang, hindi nya alam kung paano sasabihin, kung paano mag uumpisa dahil inaatake sya ng anxiety . Iniisip kasi nya kung anong magiging reaction ni Thomas kapag nalaman nito ang tungkol kay Nicolai. Ayaw na nyang maranasan ang rejection lalo na kung ang irereject ay ang kanyang anak. It'll be thrice the heartbreak she felt nung hindi sya kinilala noon ng Papa nya. Nasabi na rin nya kay Nicolai na pupuntahan nya ang Daddy nito and boy, Nicolai was ecstatic! Kaya lihim syang nanalangin na sana ay maayos ang magiging usapan nila ng nobyo para kasama nya ito sa pag uwi sa kanila. 

Mas lalong nadagdagan ang nerbyos nya nang bumukas ang elevator. She took another deep breath before punching in the code for the door to open. Pagpasok nya sa loob ay nangunot ang noo nya nang  makitang may dalawang wine glass na nakapatong sa center table. Sa tabi naman nun ay isang sling bag na pambabae. Sinakmal sya ng kaba at parang napako sa kinatatayuan. Lumipat ang tingin nya sa tabi ng sofa at nakita ang nakalapag na pares ng silver stiletto. 

No!

Her eyes started to brim with tears. Para nang sinasakal ang kanyang puso sa nakita. Bigla nyang naimagine si Thomas na nakikipagtalik sa ibang babae at that groped her heart.

No, no, no Thomas! No! You can't do this to me... you love me!

Nanatili sya sa kinatatayuan hanggang sa naramdaman nya ang pagbagsak ng luha sa mga mata nya. Parang hinihiwa sa sakit ang puso nya, the pain was unbearable. Nagulat pa sya nang bumukas ang pinto ng kwarto ni Thomas at iniluwa doon ang isang matangkad at magandang babae. Inaayos nito ang blonde na buhok at ang nagusot na damit habang dahan dahang isinasardo ang pinto. Nagulat rin ito nang makita sya pero saglit lang.

Tapos ay nagblangko ang ekspresyon ng mukha nito at tinitigan sya mula ulo hanggang paa.

"You must be Claire?" Tanong nito with a heavy Italian accent.

Matagal bago sya nakapagsalita. They were eying each other for some seconds.

"A-And you are?" Nagawa nyang itanong yun sa kabila ng panginginig ng boses. 

The woman smirked bago nito dinampot ang stiletto at naupo sa sofa para maisuot ito sa paa. 

"The name is Gertrude. " Sagot nito nang hindi nakatingin sa kanya dahil isinusuot nito ang sapatos. Matiim lang syang nakatingin sa babae hanggang sa matapos ito sa ginagawa.

Nang umangat ang tingin nito sa kanya ay muli itong nagsalita. "Listen Cara, I don't want no drama. I just came here to give your man a well deserved service. He's been through a lot because of you. " 

"Service?" She's at rage. 

"He called and asked for my service Cara, like he always does. "

Always? Is she fucking Thomas while we're together? Thomas is fucking a harlot while fucking me?

She got up and took her purse from the table at muli syang pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Hmn.. that's strange. I thought Signore does not fuck Filipina that's why he always asked for me.  And here I am feeling special. "

Mas lalong nangunot ang noo nya sa sinabi ng babae. Mas lalo lang syang naguluhan.

She smirked again and dropped the bomb. 

"Signore despised Filipina my dear. His Father was killed by one. That's why I don't understand why he's fucking you."

Bago pa sya makapagsalitang muli ay naglakad na ito at tinalikuran sya. Wala syang nagawa kundi sundan na lang ito ng tingin hanggang makalabas ito ng condo ni Thomas. 

Napahawak sya sa kanyang dibdib na parang maiibsan nun ang sakit na nararamdaman. Tuluyan na syang napahagulgol. Kumuha sya ng lakas para ihakbang ang mga paa at puntahan si Thomas sa kwarto. Nang mabuksan ang pinto ay naroon sa kama ang lalaki, nakadapang natutulog. Magulo ang kama, sa gilid nun ay may mga empty bottles ng vodka. 

Tahimik syang humagulgol habang nakatingin sa lalaki. Nag flashback sa kanyang isip ang nagyari 3 years ago nung bigla na lang sya nitong ipagtabuyan pagkatapos nyang sabihin kung taga saan sya.

Now it makes sense!

He despised Filipina. 

His Father was killed by one.

Gertrude's words excruciatingly lingered.

Dyos ko! Did he toy on me?

Wala bang katotohanan lahat ng pinakita at pinaramdam nito sa kanya? He pursued him right?, He made her fall for him. Did he do all of that to avenge his Father? Para ano? Hindi naman sya ang pumatay sa Tatay nito!

She took one last and heavy sigh before closing the door. Pinahid nya ang luha sa kanyang mga pisngi pero nang maisip si Nicolai ay bigla na naman syang napahagulgol. She promised him she'll bring his Dad with her when she gets home. Ano na lang ang sasabihin nya sa anak nya? Her heart was breaking not only for herself but also for her son. 

Tulala sya ng ilang minuto. Hinayaan ang sariling umiyak. Nang medyo naging maayos ang pakiramdam ay inayos nya ang sarili. Masakit itong pinagdaanan nya but she has to move forward. Hindi sya dapat magpatalo sa emosyon dahil meron syang anak na nakadepende sa kanya. Ipapaliwanag na lang nya kay Nicolai na hindi dumating ang Daddy nito at kapag nasa tamang pag iisip na ito ay saka nya ipapaliwanag na hindi na kasali sa buhay nilang mag ina ang tatay nito. Nang tuluyan nang maayos ang sarili ay dali dali syang lumabas ng condo ni Thomas. 

Closing Thomas's door means closing her chapter with him.

Habang sakay ng elevator ay nakaramdam sya ng pagkahilo. Dala marahil ng sama ng loob, ng sobrang pag iyak at stressed kaya umiikot ang kanyang paningin. She needs to come home right away to cry her heart out. Kahit isang araw lang ay maibuhos nya lahat ng sakit sa kanyang puso. Kahit ngayong araw lang bago nya harapin ang bukas ng mas malakas at mas matapang.

It's definitely the end for them but it's the beginning for her. At gagamitin nya ang sakit sa puso para maging matapang at mag move on kasama ang kanyang anak. 

Nang makauwi sa bahay ay nakangiti syang sinalubong ng kanyang Mama. Pero nang makita ang itsura nya ay nabura ang ngiting yun at mahigpit syang niyakap. Muli syang napahagulgol sa mga bisig ng ina at muling inilabas lahat ng sakit. Oo nasasaktan sya para sa sarili nya pero triple ang sakit na nararamdaman nya para sa anak nya. Masakit sa kanya na hindi nito makikilala ang ama. Na hindi ito magkakaroon ng buong pamilya. 

"Claire, anak." Naluluha ring sambit ng Mama nya nang makapasok sila sa loob ng bahay. Between her tears and sobs, naikwento pa nya sa kanyang Mama ang nagyari.

"That son of a bitch! Mapapatay ko talaga ang lalaking yun, wag syang magpapakita sa akin!" Gigil na saad ng kanyang Mama.

"No Ma. He doesn't deserve it. Wag na tayong mag aksaya ng oras sa kanya."

Mula sa pagkabagsik ay lumambot muli ang mukha ng kanyang Mama at muli syang niyakap. "Baby I'm so sorry..."

Nanlalabo ang mga mata nya dahil sa hindi maampat na pagdaloy ng kanyang luha. At hindi nya alam kung dahil pa ba sa sama ng loob at sa sobrang pag iyak kaya sya nakaramdam muli ng pagkahilo.

"Ma..." Namamaos ang kanyang boses.

"Claire, namumutla ka...Anak?"

Gustuhin man nyang sagutin ang ina pero nanghihina na sya. Hindi nya nagawang maigalaw ang bibig dahil umikot lalo ang kanyang paningin. She tried reaching for her Mother's face but everything went black on her. Tuluyan na syang nawalan ng malay. 







Claire's "O"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon