Epilogue: Still want your revenge?

872 26 9
                                    

Claire



"I'm home!" Anunsyo nya sa mga taong naroon nang tuluyan syang makapasok sa mansyon ng kanyang Ama. Naabutan nya ang anak sa malawak na sala ng mansyon, naglalaro ito kasama ang kanyang Mama. Mula sa paglalaro ng lego ay umangat ang tingin ni Nicolai at umaliwalas ang mukha nang makita sya. Kaagad itong tumayo at patakbong lumapit sa kanya.

"Mommy! You're home!"

"Nicolai be careful!" Nabahalang saway naman ng kanyang Mama.

Kaagad nyang sinalubong ang yakap ng anak, hindi pa sya nakuntento ay kinarga nya ito at niyakap ng mahigpit. "I miss you so much Baby ko!" Malambing nyang sabi sa anak matapos nya itong paliguan ng kisses sa mukha.

"Miss you too Mommy. You have umn...ubong?" Cute nitong tanong sa kanya.

"Ofcourse you have pasalubong. Mommy will never forget."

"Hay naku Claire, ibaba mo na nga yang anak mo at baka kung mapano ka pa. "

Ganun na nga ang ginawa nya dahil nakaramdam sya ng pangangalay sa sa balakang.

"Aw..." Nakangiwing sambit nya habang minamasahe ang kanyang balakang. Nag aalalang lumapit sa kanya ang kanyang Mama.

"Masakit ba anak? Dadalhin ka na namin sa ospital."

"Ok lang po Ma."

"Are you sure? Pero - "

"I'm fine Ma..." Nakangiti nitong putol sa sasabihin ng Mama nya. Kung alam lang nito, hindi dahil sa bigat ni Nicolai kaya masakit ang katawan nya. Dahil yun sa walang kasawaang pag angkin sa kanya ni Thomas sa apat na araw na pamamalagi nya sa penthouse nito. 

"Good evening." 

Pareho silang lumingon sa pinaggalingan ng boses na yun. Mas lalong lumiwanag ang mukha ni Nicolai at muling tinakbo ang kinaroroonan ng Ama.

"Daddy!" Tumalon ito ng yakap kay Thomas na tuwang tuwa naman nitong sinalubong.

"Talagang dinala mo pa dito ha?" Nakairap na sabi ng Mama.

"Nakapag usap na po kami. Ok na po."

"Masyado kang marupok. Hindi mo man lang pinahirapan?"

"Ikaw ba pinahira-"

"Oo na oo na! Manang mana ka sakin, oo na."

Natawa nyang niyakap ang kanyang Mama at hinalikan sa pisngi. 

"Nagkapaliwanagan na kami Ma. Please give him another chance. Para sa akin at sa mga apo mo. Please?"

"May magagawa pa ba ako?"

"Thank you Ma."

Lumapit sa kanila si Thomas habang karga si Nicolai.

"Mrs. Rios..." Kinakabahang umpisa ni Thomas. "I came here with Claire so I can personally apologize to you. I'm very sorry for everything."

Humugot ng buntong hininga ang kanyang Mama bago nagsalita. 

"Just promise me you are not to hurt my daughter ever again." Masungit na tugon ni Tessa. 

Kagat nya ang pang ibabang labi para pigilan ang pag ngiti. Natatawa kasi sya dahil napilitan tuloy mag english ang kanyang Mama.

"I swear on my Father's grave Mrs. Rios. I will never hurt my family again."

"Good.., And when will you marry my daughter?"

"Tomorrow Mrs. Rios."

"Ano???"

Shock na tumingin sa kanya ang kanyang Mama. Nasa mga mata nito ang pagtatanong kung totoo ba ang sinasabi ni Thomas.

"Yes Ma. Bukas kami magpapakasal." Ipinakita nya ang daliring suot ang engagement ring na binili sa kanya ni Thomas. Sa apat na araw na pamamalagi nya sa bahay ni Thomas ay nakapagplano sila ng kasal katulong syempre sina Lestat at Daphney.

"Agad agad?"

"I wanted her to be my wife the soonest Mrs. Rios. I just couldn't wait anymore."

"At alam na ba ng Papa mo ito?"

"Uuuy, asawang asawa ang peg ah?" Tukso nya sa Mama nya na ikinairap nito.

"Hwag mokong ma-echos echos jan Claire at ikaw ang pinag uusapan dito. Alam na ba ito ng Papa mo?"

"Yes Mrs. Rios." Si Thomas ang sumagot para sa kanya. "We went to his office this morning."

Nakahinga ng maluwang ang kanyang Mama sa narinig. 

"Eh kung ganun naman pala eh di - "

Pareho silang napakunot ang noo nang makarinig sila ng ingay sa labas. 

"Ano yun?" Takang tanong ng Mama nya. 

Tinawag nya ang Yaya ni Nicolai para kunin muna nito ang bata bago sila lumabas para silipin ang nangyayari sa labas.

"You can't fucking do this to me Marco! I'm your wife!" 

Nakita nila ang isang galit na galit na babae na hinahablot ang braso ng kanyang Papa. Kadarating lang nito at kakapark lang ng kotse sa garahe.

"Get her out of here." Utos naman ng kanyang Papa sa gwardya na agad nitong sinunod.

"Don't you dare touch me! Marco, I am your wife! You can't just leave me like this!"

Nahawakan ang babae ng gwardya pero nakawala rin at mabilis na hinabol si Marco na nooy malapit na sa kinaroroonan nila. Nang tuluyan na nilang mapagsino ang babae ay agad syang lumingon kay Thomas. Madilim ang mukha nito habang nakatunghay sa babaeng nagwawala. Hinawakan nya ito sa kamay para mapakalma ito.

Nang mapatingin sa kanila si Cassandra ay mas lalo itong naningkit sa galit. Partikular itong nakatingin sa kanyang Mama.

"Is this the fucking reason why you divorced me? Because of this bitch?"

Nagpanting ang tenga nya sa narinig. 

"Get out of here Cassandra. You're not welcome here anymore."

"I am your wife! This is my house!"

"Leave Cassandra!"

"I'm not leaving without getting a dime from you! 20 years akong nagtiis sayo kaya kailangan mong pagbayaran yun! You're not going to leave me penniless Marco."

"What happen to the 2 million peso you stole from my Father? Naubos na?" Hindi nya natiis na tanong sa hitad na ito kaya nalipat sa kanya ang galit nitong tingin.

"Ang bilis naman? It's been what? 4 months? Naipatalo mo lahat sa sugal yun?"

"Shut up Bitch! I am not talking to you Bastarda!"

Bago pa sya makapag react ay humakbang nang palapit sa babae ang kanyang Mama at walang babala itong sinampal. Hindi pa ito nakuntento ay sinabunutan nito ang mahaba nitong buhok.

"Wag mong matawag tawag na bastarda ang anak ko hayup kang babae ka ha? Kung ako sayo, umalis ka na dito bago pa kita magulpi. Sayang naman lahat ng mga pinagawa mo sa katawan mo."

Itinulak ni Tessa si Cassandra na kamuntik nang sumubsob sa semento. Nang muli itong makatayo ay hindi na ito nagkaroon pa ng pagkakataong makaganti pa sa kanyang Mama, hindi na rin sila nagawa pang lapitan dahil dalawang gwardya na ang humawak sa magkabila nitong braso.

"Hayup ka! Hayop kayong lahat! Pagbabayaran nyo lahat ng ginawa nyo sa akin, mga walang hiya kayo!" Sigaw nito habang kinakaladkad ito ng mga gwardya palabas. Nang mawala ang babae sa kanilang bakuran ay saka pa lang sila nilingon ni Tessa na kaagad namang nilapitan ni Marco.

"Are you alright?" Tanong ng kanyang Papa.

"Ofcourse. I feel more than alright." Nakangiting tugon naman ng kanyang Mama.

Ilang sandali pang nagkatinginan ang mga magulang na para bang wala sila roon kaya bago pa nya makitang maghalikan ang dalawa sa harap nila ni Thomas ay kinuha na nya ang atensyon g dalawa.

"Umn, parents? Andito pa po kami oh, baka lang nakakalimutan nyo na?"

Natawa naman ang dalawa at niyakap sya. 

"You alright Thomas?" Tanong ni Marco matapos syang yakapin. 

"Yes Sir I believe so." 

"Let's get inside then so we can talk about your wedding tomorrow?"

Pareho silang tumango. Naunang pumasok ang mga magulang nya kaya hinila muna nya si Thomas para makapag usap sila saglit.

"Are you sure you're okay Babe?"

Matamis syang nginitian ng lalaki. There was an assurance from his smile na totoong okay lang ito.

"Do you still want to get your revenge?"

"Nah..." Umiling ito at hinalikan sya sa mga labi. "You're Mom already did it for me." 

Muli sya nitong hinalikan sa labi bago nakangiti at magkahawak kamay na pumasok sa loob ng bahay. 








Claire's "O"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon