Her "Someone"

701 18 4
                                    

Claire


"Mommy Look!"

Mula sa kanyang binabasa ay umangat ang tingin nya at nilingon ang anak. Nakatayo ito sa harap ng TV at may itinuturo sa kanya. Dahil hindi masyadong maaninagan ang tinuturo nito ay binalingan nya ang kanyang inang nakaupo naman sa sofa.

"Ano daw yun?"

"Tinuturo nya yung life size toy car. Mukhang magpapabili." Nakangising sagot naman ng kanyang Mama.

Nakangiting binalikan nya ng tingin ang anak. Tumayo sya at lumapit dito tapos ay pinaliguan ito ng halik sa buong mukha.

"Ang dami mo ng toys nung Christmas Baby ah?"

"Mommy, car...please?" 

Napabuntong hininga na lang sya. Makakatanggi ba sya ngayong nagpa-puppy eyes na ito, magkalapat pa ang dalawang palad na parang nagdadasal.

Mana sa Ama! Parehong hindi nya matanggihan. Anong bang power meron sa dalawang to?

Gigil nya itong muling pinaliguan ng kisses. 

"Mommy!" Ungot nito na pilit iniiwas ang mukha sa kanya.

"What? You want that car right? Eh di madaming madaming kisses muna for Mommy."

"Mommy mga 10 na lang..."

"Hmn.. sige na nga." Niyakap nya ang anak. "Alright, Mommy will get that car for you because you've been a good boy."

"Yehey!" Nagtatalon sa tuwa ang anak at mahigpit syang niyakap.

Triple naman ang nararamdaman nyang saya nang makita ang tuwa sa mukha ng anak. 

Priceless! 

Nakangiti syang tumayo at si Nicolai naman ay bumalik sa pagkakaupo sa sofa katabi ng kanyang Mama.

Bumalik sya sa kusina at muling kinuha ang librong binabasa. Doon ang pwesto nya kapag gusto nya ng "me" time. Ayaw nya sa kwarto dahil gusto nyang nakikita pa din at nababantayan ang anak.

Isa pa, mas lalo lang nyang naaalala si Thomas sa kanyang kwarto. She could never look at her bed the same way ever again. Nabinyagan na kasi nila ito eh before he went MIA on her. Nang maalala ang nangyari sa kanila ni Thomas sa kanyang kwarto ay lalo syang nainis sa sarili. Masyado syang naging marupok at hindi man lang sya nakaramdam ng takot na nasa kabilang kwarto lang ang kanilang anak. Paano kung nagising si Nicolai nang gabing yun? Paano nya ipapaliwanag sa mag ama ang ugnayan nilang dalawa? 

Ipinilig nya ang ulo at muling itinuon ang atensyon sa binabasa.

Mamayang hapon na lang sya aalis para pumunta sa Mall para mawala ang stress at inis nya...At para mabili na rin yung laruang gusto ni Nicolai. Nagsimula syang magbasang muli, pero bigla na lang kumudlit sa isip nya ang gwapong mukha ni Thomas. 

Ano na bang nangyari sa hinayupak na yun? Halos isang buwan na rin mula nung huli silang magkita at magkausap at mag...? Sa Examination Room pa yun ng Margaret. Hindi man lang ito nagtext, o tumawag?

Bigla nyang sinaway ang sarili. Bakit ka naman nag eexpect na itetext o tatawagan ka nya? Jowa ka Teh? Umayos sya ng pagkakaupo, yung upong hindi makikita ng Nanay nya ang nakasimangot nyang mukha. Ambilis kasi ng radar nitong Mama nya pagdating sa kanya eh. 

It's been almost a month. She remembered him asking for her to break up with her "someone" so she can be with him. So she can be "his" ? 

And she said NO.

Bumalik sa alaala nya kung paanong lumungkot ang mga mata nito sa kanyang isinagot. She could still remember how his jaw clenched and stormed out of that exam room without a word.

Alam nyang nagalit ito dahil sa pagtanggi nya. 

Estupido. Syempre she would never break up with her "someone" dahil si Nicolai ang buhay nya. 

Eh stupid ka rin Te! Pangaral naman ng kabilang side ng kanyang utak.

Ano bang malay ni Thomas na may anak kayo?

Oo nga...

Malamang nagalit ito dahil sa akalang ang hindi nya mahiwalayan ay isang boyfriend. Tapos hindi na agad ito nagparamdam ng halos isang buwan? Did he give up just like that? 

Eh what do you expect, eh sabi mo you can't kasi you love your someone? Anong laban nya dun kung iniisip nyang mahal mo yung someone na yun?

Bigla nyang hinawakan ang kanyang dibdib. Hala bakit ba hopyang hopya ako sa lalaking yun? Paano ba naman, pagkatapos akong pakiligin, pagkatapos akong kainin, pagkatapos kong isuko na naman si Bataan sa kanya, bigla na lang mawawala? Bigla nalang walang paramdam? So hindi sincere yung mga sinabi nyang he wants me to be "his". Piping maktol ng kanyang isip. 

"His" ano? His fuck buddy? His bed warmer? Kasi wala naman itong sinabing he likes her. Puro fuck at make love ang sinasabi nito sa kanya. At may pa- forever pa itong nalalaman.

Bwiset!

Bigla syang na-stress. Bigla syang nakadama ng konting lungkot. Sa kabila ng inis nya sa hinayupak na Doktor na yun, aaminin nyang namimiss nya ito. Walang mintis na lagi nya itong iniisip kahit na gaano sya ka-busy sa Ospital. Namimiss din nyang.... ilang beses ba syang nag "KFC" dahil namimiss nya at napapanaginipan ang pag angkin nito sa kanya?

Bwiset! Bago pa tuluyang maglakbay ang daliri nya at humawak sa hindi pwede ay mabilis syang tumayo. Ngayon na nga lang sya aalis. Bibilhin na nya ang laruan ni Nicolai!


*****
Thomas


Claire's "O"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon