Claire Rios
Paglabas nya ng kwarto ng isang pasyente ay diretso syang naglakad patungo sa Nurse's Station. Halos kakatapos pa lang nyang makumpleto ang chart nang lapitan sya ni Daphney.
"Sasama ka ba sa year-end party?" Tanong nito. Napaisip sya. That's four days from now. Gusto nyang sumama pero parang hindi rin nya feel.
"Parang hindi eh..."
Kinalabit ni Daphney ang tagiliran nito kaya napapiksi sya habang tumatawa.
"Sumama ka na. sayang naman yung leave mo eh."
Yeah, isa sya sa mapalad na mabigyan ng year end leave para maka-attend ng party. Kaya lang ay dahil wala naman syang isusuot at ayaw nyang gumastos ay nagdadalawang isip syang pumunta.
"Pinag iisipan ko pa."
"Pag di ka sumama eh di mag isa ka lang dito kasama si Ma'am Terry. Uutus utusan ka lang nun sige ka." Si Ma'am Terry ang head nurse nila.
Natawa sya at napailing. "Okay lang, konti lang naman ang pasyente dito eh."
"Ikaw talaga, sumama ka na. Let's all have fun."
Konti na lang at mapapa-oo na sya nang mapatigil sila sa pag uusap dahil lumapit sa Nurse Station si Norma, ang Chief Nurse nila. Pareho silang nakadama ng kaba lalo na nang makitang sa kanya nakatuon ang tingin nito.
"Claire, pull out ka muna. You'll be assigned to VIP. "
Nanlaki ang mga mata nya at nagkatinginan sila ni Daphney.
"Bakit po ako?" Norma gave her a flat look.
Wrong question Claire.
"The patient requested for tenured nurse at ikaw ang pinakamatagal dito. Ilang beses ka na ring na-assign sa VIP kaya anong problema?"
Oo nga at ilang beses na syang na-assign sa VIP, ang ward ng mga maharlika. Hindi nga pala ward ang tawag nila doon kundi suite. Lakas maka hotel. At sa ilang beses nyang na-assign sa VIP ay ilang beses din ang naging hindi magandang karanasan nya sa mga pasyente doon. Kung hindi politkong manyak ay aristokratang matapobre ang nakakasalamuha nya.
Nang hindi sya sumagot ay muli itong nagsalita.
"Umakyat ka na doon. Dr. Lassiter is already expecting you."
"Po?" Ang bago nilang CEO ang tinutukoy ni Norma.
"Ano bang nangyayari sayo Claire? Nabibingi ka na ba? Do I really have to repeat myself?"
Napalunok sya sa nakitang pagkainis sa mukha ng Chief Nurse. "Sige po aakyat na ako."
Pagkasabi nya nun ay tinalikuran na rin sila ni Norma. Napabuntong hininga syang lumingon kay Daphney.
"Mukhang magiging busy ako ah. At ang CEO pa ang makakasama ko." Sabi nya.
"Mabait naman si Dr. Lassiter. Kaya mo yan Girl."
Matapos nilang mag usap ni Daphney ay dali dali syang naglakad patungo sa elevetor. When she finally reached the VIP floor ay mabilis din syang naglakad patungo sa Nurse Station kung saan natatanaw na nya ang gwapo nilang CEO na kausap ang head nurse na si Marga.
Narinig marahil ng mga ito ang kanyang footsteps dahil pareho silang lumingon sa kanya habang papalapit ng station.
"Good morning Dr. Lassiter, Mam Marga." Bati nya. Bahagya syang napatitig sa mukha ng Boss nila. He's so handsome no doubt pero walang effect sa kanya. Ganunpaman, he's still a good catch. Maswerte ang girlfriend nito kung meron man.
Parehong ngumiti ang mga ito sa kanya pero si DR. Lassiter ang humarap . "Hi Claire, you can call me Doc Ed."
"Ah, sorry po."
"No worries. Ikaw ang nirecomend ni Chief Norma and according to Marga here palaging maganda ang feedback sayo ng mga pasyenteng na-aadmit dito. "
"She's very professional at walang arte sa katawan. You know how difficult VIP patients are Doc Ed but she was able to handle them well." Back up sa kanya ni Marga.
"Well I'm glad to hear that. Isa lang naman ang naka-admit dito ngayon and he happens to be a good friend of mine. Marga, ikaw na ang bahala dito okay? Just call or page me if you need anything."
"Yes Doc Ed."
Pagkasabi nun ay tinalikuran na sila ni Doc Ed. Nang tingnan nya si Nurse Marga ay sakto namang inabot nito ang patient chart sa kanya.
"Thomas Alisander Grimaldi, 35, with complaints of fever, headache and malaise. Physical examination he's vitally stable, skin exam done and he presented with multiple purpura on his left shoulder and both arms. CBC showed drop in platelet count to 90,000..."
The head nurse continued discussing the patient's case hanggang sa gamot na ibibigay dito. She also found out na dalawa lang silang staff nurse na magpapalitan hanggang sa ma-discharge ang pasyente. Marga shared that the patient is Dr. Lassiter's colleague in Barcelona at halos parang bombang sumabog sa kanyang tenga ang kaalamang isa ito sa mga stock holders ng Margaret Hospital.
"Jesus Christ!" Bulong sana yun pero hindi yun nakaligtas sa pandinig ni Marga. Natawa itong napatingin sa kanya.
"It's alright. Mabait naman si Dr. Grimaldi. Very meticulous lang kaya ang gusto nya ay tenured nurse. "
Hindi naibsan nun ang kabang naramdaman nya. Naisip nyang mas nanaisin pa nya sigurong maging pasyente ang isang politko o isang primadonang artista kesa maging nurse ng isa sa mga Boss ng Ospital na isa pa man ding doktor. That's every nurse's nightmare!
"Claire, you can do it. " Muli nitong sabi bago pumasok sa station, naupo at humarap sa computer.
Sumunod din syang pumasok sa loob at hindi pa man nag iinit ang pwet nya sa upuan ay narinig nyang nag buzz ang kanilang pasyente.
"Nurse's station." Sagot nya.
"Need help here." Sagot ng baritonong boses ng lalaki. Foreign accent was evident when he spoke.
Grimaldi...Italian maybe?
"I'm coming Sir." Sagot nya bago nagpaalam kay Marga.
*****
Thomas Grimaldi
"What the fuck?"
Inis na bulong nya matapos marinig ang boses ng nurse. Ganun na ba talaga sya kahayok? Ganun na ba sya kamalisyoso na pati ang simpleng pagsagot ng isang nurse ng "I'm coming Sir" ay binibigyan nya ng maduming kahulugan? His cock reacted to that fucking answer God damn it!
The nurse's voice was familiar though. Sa hindi maipaliwanag na rason ay parang kumislot ang puso nya nang marinig ang boses nito. Where and when did he ever hear that voice?
Naputol ang pag iisip nya nang may marinig na pagkatok. Napatingin sya sa pinto nang bumukas yun para lang matulos sa kinauupuan nang mapagsino ang pumasok sa kanyang suite. Pinigilan nya ang sariling mapanganga. Napansin din nya ang pagkabigla ng babae nang mapagsino sya. For a moment, inakala nyang aatras ito at lalabas ng kwarto pero nagpatuloy ito sa paghakbang palapit sa kanya. Sinikap nyang pigilan ang samot saring emosyong lumulukob sa kanya. He showed a stoic face, trying not to show any recognition.
Napalunok sya at pinigil ang paghinga para pigilan ang panunuot ng mabango nitong amoy sa kanyang ilong. He did his very best to look intimidating at hindi magpaapekto nang tuluyan nang makalapit sa kanya ang babae at masilayan nya ang ganda nito.
"Good morning Dr. Grimaldi, I'm nurse Claire. What can I help you with?"
Matagal bago sya nakahanap ng salita. Iniangat nya ang kamay at tiningnan naman ito ng Nurse.
"I uh..." Umpisa nya at halos kutusan na nya ang sarili dahil sa kanyang pag utal. Why the fuck am I stuttering?
"Oh, you want that cannula fixed? You're getting reverse flow right there. " Sabi nito at humakbang paatras. Gusto nya itong pigilan. At yun nga ang kanyang ginawa.
"No, just...just check the tube."
May pag aalangan pero lumapit pa rin sa kanya ang babae. She did check the tube magmula sa central line hanggang sa IV bag. He can't stop looking at her and he knows she's aware of it.
Nagpigil sya ulit ng paghinga nang humarap ito sa kanya.
"It needs flushing and I don't have the equipment." Maya maya ay sabi nito.
They were staring at each other for seconds until he realize how stupid he look. Cazzo! Bakit ba sya nauutal sa harap ng babaeng ito!
He compose himself and flashed his intimidating look again.
"Why the hell didn't you bring it? How the fuck are you going to withdraw this blood from the tube without equipment? You sucking it?"
There you go, kaya mo yan! Huwag mong ipakitang naapektuhan ka sa presensya ng babaeng yan.
He heard her sigh before speaking. Halata sa mukha nitong nagtitimpi ng galit.
"I'm sorry Dr. Grimaldi. I didn't know you need help with the IV. You didn't mention - "
"So it's my fault now?" Putol nya sa sasabihin nito.
"Isn't it your job to know what your patients need based on their charts?"
"Nurse kami hindi manghuhula." He heard her whispered na kunwari ay ikinasimagot nya pero ang totooy gusto nyang matawa. He has to bite his inner lip to stop himself from grinning. Yes, he understand what she said.
"Say that again?"
"I said I'm sorry I didn't bring my equipment Dr. Grimaldi. I'll just have to grab them from the nurse's station and I promise I'll be very quick. " Then she flashed a sweet but forced smile. Alam nyang pilit ang ngiting yun pero naramdaman nyang tumambol ang kanyang puso.
Why the fuck am I having tachycardia?
Hindi na lang sya kumibo and she took his silence as a YES. Ilang saglit pa ay nawala na ito sa kanyang harapan at saka pa lang nag normal ang paghinga nya.
*****
Claire Rios
Nang makalabas ng kwarto ay nagpakawala sya ng marahas at mabigat na buntong hininga. Nanghihina syang napasandal sa pinto at napahawak pa sa dibdib sa pag aakalang makokontrol nun ang pagririgodon ng kanyang puso. She certainly did not expect crossing path with that Asshole again.
Oh Lord, binabawi na nya lahat ng sinabi nya kanina. Mas gugustuhin na nyang mag nurse ng sangkaterbang doctors kesa i-attend ang hinayupak na yun.
Halos takasan sya ng kaluluwa kanina nang pumasok sa kwarto at mapagsino ang pasyente. It's been three years yes but she can't be mistaken. Dr. Grimaldi was the mother fuckin' asshole who shooed her like a bitch. Oh and he's Nicolai's biological Father how about that?
On the other hand, she can't deny the fact that he is still drop-dead gorgeous even with a simple hospital gown. He's bulkier than she remember, longer hair, grew some stubbles. Three years added him maturity and oozing sex appeal.
Yes, sex appeal. Hindi sya ipokrita kaya hindi nya idedeny na malakas ang sex appeal ng lalaki. She can still feel the weight of his stares and she's affected by it. Parang nakakahigop ang paraan ng pagtitig nito sa kanya at kung marupok lang sya ay baka nahila na nya ang mukha ng lalaki at binigyan ng marubdob na halik.
Her down there started to moisture just by that fuckin' stare!
She pressed her thighs tight thinking it'll stop her walls from pulsing. Naiiling syang umayos ng tayo at naglakad pabalik ng Nurse Station habang pinapaypay ang sariling kamay sa mukha.
Nang makabalik ng station ay naroong muli si Dr. Lassiter kausap naman si Ethan from the Hematology Department.
"I see you've already met my good friend Claire?" Baling sa kanya ni Dr. Lassiter.
"Yes Doc. " Sagot nya bago pumasok sa station at kumuha ng mga kakailanganin para maayos ang IV ng pasyente. Nginitian at tinanguan naman nya si Ethan bilang pagbati. " Nagkaroon ng blood back flow sa IV tube kaya po pinapaayos nya."
Napailing si Dr. Lassiter. "He's very meticulous. Anyway sasamahan ka na namin bumalik sa suite nya. We need to extract blood from him for CBC. " Pagkasabi nun ay sabay na tinalikuran sya nina Dr. Lassiter at Ethan. Hindi kaagad sya sumunod sa mga ito. Ayaw nyang ihakbang ang mga paa. Ayaw nyang bumalik sa kwarto ng hinayupak na yun.
"Claire?" Tawag sa kanya ni Marga na kanyang nilingon.
"Don't make the patient wait."
Ano pa nga ba? Muli na naman syang napabuntong hininga at ipinilig ang ulo. Sige, titiisin na lang muna nya. She has to be professional and set her emotions aside dahil baka mameligro ang trabaho nya. She's dealing with high profiled people here at ayaw nyang mapahiya sina Chief Norma at Marga. Sila pa man din ang nag recommend sa kanya sa mga maharlikang doktor.
"Sorry po, papunta na." Anya bago naglakad patungo sa kwarto ng Gago.
BINABASA MO ANG
Claire's "O"
Любовные романыI never thought that lusting over someone you despise is possible. I can't stand the likes of her but my body wants her. Her kissable lips, her luscious body, her taste, they all consumed me and it sparks to an overwhelming desire. How can I get her...