Day 24

1.9K 54 1
                                    

Day 24

"Are you sure about this decision of yours, son?"

Mula sa pag-aayos ng mga gamit ko ay sinulyapan ko siya. Kakatapos lang ng board meeting at iniisip man ng lahat na tinatakasan ko ang obligasyon ko sa kompanya ay wala na akong pakialam pa.

Ang tanging mahalaga sa akin ngayon ay ang pamilya ko. This time I'm choosing them over anything else. Hindi ko na hahayaang maulit pa ang kasalanan at mga pagkakamali ko noon. I failed them before. I even lost a son without knowing his existence.

Hininto ko ang ginagawa ko at nagtungo sa kinaroroonan ng ama ko.

"Dad, I'm sorry," saad ko na paraan ko para sabihin sa kanyang wala nang makakapagpabago pa ng mga desisyon ko ngayon.

Ngumiti siya at tinapik ang balikat ko. "You don't have to, Seth. Ako nang bahala sa lahat."

Pinakatitigan ko ang ama ko. Ang totoo'y naninibago ako sa kanya. Tanda ko pa ang mga pagtutol niya sa mga desisyon ko noon. Ang disgusto niya sa mga ginagawa ko. But after Rykki and I separate ways, he started acting different. Naisip kong nasiyahan lang siya siguro dahil sa wakas ay hiniwalayan ko ang babaeng hindi nila nagustuhan para sa akin.

Wala na siyang naging imik sa mga desisyon ko. Hindi niya na ipinipilit sa akin ang mga bagay na hindi ko gusto. Unlike Mommy, hindi niya ako pinilit na ipagpatuloy ang pakikipagrelasyon kay Divine. He's just quiet.

"Dad...why did you change?" Hindi ko na napigilang itanong. "You dislike Rykki, right?"

Nilingon niya ako at umiling nang mapait. "I was, son. I dislike her dahil nakita kong kaya mong bitiwan ang lahat para sa kanya. You were so madly in love with her na nagawa mong suwayin ang gusto namin ng Mommy mo. You married her kahit na wala ka pang nararating, Seth. I dislike her for that...but when she left you, it's like we lost you. Hindi ko na halos matandaan kung kailan ko huling nakitang umiyak ka. But when she left you at ng opisyal nang magtapos ang relasyon ninyo. You cried. Did you remember how you blame us for your failed relationship? Nagalit ka sa amin ni Mommy mo, crying you beg us to let you be. So, I did."

Napipilan ako dahil hindi ko iyon matandaan. "I-I'm sorry, Dad."

Inakbayan niya ako at inilingan. "I should be sorry, kami ng Mommy mo. Don't worry about her, matatanggap niya rin ang lahat. Just do what you want, Seth. I hope Rykki will be fine at maging ang ipinagbubuntis niya."

"We're getting married again, Dad."

Saglit lang siyang nagulat pero tumango rin. "When?"

"Bago kami umalis..."

Ngumiti siya. "I'll be there, then. I hope Rykki won't mind, though."

"She'll be happy for sure."

Gumaan kahit paano ang pakiramdam ko matapos kong makausap ang ama ko. Bago ako magtungo sa condo unit kung nasaan sila Rykki at Hiro ay dumaan ako sa flower shop at binili ang paboritong bulaklak ni Rykki.

Blue roses.

Wala pa ring alam ang anak namin sa pag-alis na gagawin ko. Ang totoo ay hindi ko alam kung isasama pa ba namin siya gayong malapit na ang pagtatapos ng pag-aaral niya. Pero nasisiguro ko ring hindi niya magagawang magpaiwan.

"Where's Rykki?"

Bungad ko kay Hiro nang pagbuksan niya ako ng pinto. Kita ko ang pamumugto ng mga mata ng kaibigan niya kaya nasisiguro kong nasabi na sa kanya ni Rykki ang lahat.

Hindi siya nagsalita at itinuro lang ang pinto na kinaroroonan ni Rykki. Tipid akong ngumiti at nagpasalamat sa kanya.

Napangiti ako nang maabutan si Rykki na mahimbing na natutulog pero naglaho iyon nang makita ang mahigpit niyang yakap na puting dress. Pinakatitigan ko iyon at napagtantong ayon ang suot niya ng araw na ikasal kami.

Kung ganoon ay ayon pala ang sinadya niya rito. Napangiti ako't hinaplos ang buhok niya sunod ang pisngi niya. Kumibot ang mga mata niya at unti-unting idinilat ang mga mata.

"You're awake, are you hungry–"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang makita ang kaguluhan at takot sa mga mata niya. Muli ko sanang hahawakan ang pisngi niya nang bumangon siya't lumayo sa akin.

"Rykki..."

"Who are you?"

Nagulat at tila may punyal na may tumusok sa puso ko sa tanong niya. Napailing ako at minasdan siya. Lumilinga-linga siya sa paligid na tila gulong-gulo sa lugar na kinaroroonan niya.

"A-asan ako?"

Napunta ang kamay niya sa ulo niya at kumabog ang puso ko nang bigla siyang malakas na sumigaw.

"Ry–"

Hinawakan ko ang kamay niya pero tinulak niya lang ako. Kitang-kita ko ang paglandas ng luha sa magkabilang pisngi niya. Humiga siya at umiiyak na hinampas-hampas ang ulo niya.

"What's happening here?"

Mula sa pagkakaestatwa sa nangyayari ay agad kong binuhat si Rykki na patuloy sa pag-iyak.

"M-masakit!" sigaw niya pero nagpumiglas sa pagkakarga ko sa kanya. "B-bitiwan mo ko! Hindi kita kilala–"

Hindi niya na natapos ang sasabihin niya nang muli siyang mariin na pumikit kapit ang ulo niya. Kitang-kita ang paghihirap sa mukha niya.

"Let's bring her to the hospital," halos lakad-takbo ang ginawa ko makarating lang kami sa parking lot. Si Rykki ay patuloy sa pag-iyak pero nang unti-unting mawala ang hikbi sa kanya ay nilukob ng kaba ang puso ko.

Saktong paghinto namin sa tapat ng kotse ko ay ang pagtingin ko kay Rykki na nawalan na nang malay.

"O-oh my gosh!"

Hiro shouted and point towards Rykki's lower body. There's a stain in her white pants.

She's bleeding.

"I'll drive, hold her!"

Inilagay ko si Rykki sa backseat at inalalayan naman siya ni Hiro. Pinakalma ko ang sarili ko at mabilis na pinatakbo ang kotse ko.

"Who are you?"

Damn it. No. Don't do this to me, Rykki.

Please, don't forget me.

Nang makarating sa hospital ay agad nilang inasikaso si Rykki. Ipagpilitan ko man ay pinalabas kami sa emergency room ni Hiro. Nanghihinang napaupo ako sa lapag. Yumuko ako at walang pakialam sa makakakitang pinakawalan ko ang mga luha ko. Nanginginig ang mga kamay ko habang inaalala ang nangyari kanina.

"Seth..." tapik sa balikat ni Hiro sa akin.

"She asked me who am I...she forgot about me."

"I-it's temporary. Nasabi naman ng doktor 'yan na baka pati ang mga alaala ni Rykki ay maapektuhan dahil sa kondisyon niya."

"She might lose our baby. She'll get hurt."

Hindi ko alam kung bakit ko sinasabi 'to kay Hiro. We're not close pero sa mga oras na 'to alam kong siya lang makakaintindi ng takot at sakit na nararamdaman ko.

"T-this is all my fault. Damn, I put her again in this kind of situation. "

Hindi na nagsalita si Hiro at tinapik-tapik ang balikat ko.

Ang takot sa puso ko ay hindi na mawala-wala habang hinihintay ang paglabas ng doktor ni Rykki.

Please, save her...I'm begging.

TBC

Her Last Days (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon