Day 7

2.4K 71 9
                                    

DAY 7

I was left with nothing to do when Sera left. Hindi ko tuloy maiwasang ma-miss ang trabaho ko. I'm working as an editor in a publishing company. Hectic ang schedule pero masaya ako sa ginagawa ko. As if on cue, tumawag ang boss ko na si Ralph.

Nakangiti kong sinagot ang tawag, "Boss!"

He's my boss for three years pero matagal ko na siyang kaibigan dahil sa iisang ampunan lang kami lumaki.

"Hey Rykki, kumusta na?" kahit na hindi ko nakikita ay nakakasiguro akong malungkot ang mukha ng boss ko.

Of course, he knew my condition. Siya lang ang nakaalama ng kondisyon ko. He immediately approved my leave, though I think I need to resign from my job. It will be impossible na makakabalik pa ako sa trabaho.

"Ayos lang ako, boss. How about the company? Kumusta sila Cess? Did they close the deal with the Soriano brothers?"

"Everythings fine, Ry. Ikaw? Ayos ka lang ba talaga? Are you in the hospital?"

Umiling ako kahit hindi niya ako nakikita, "I'm not in the hospital, Ralph. I clearly told you na wala akong balak na sumailalim sa treatment."

"Yeah...hindi ka na ba talaga mapipilit? Hiro keeps on--"

"I knew it! Ikaw ang nagsabi kay Hiro!"

Matapos manahimik ay tumikhim ang nasa kabilang linya, "I think I need to go. I just called to make sure that you're fine. We'll be waiting for you."

"Ralph...Hindi ninyo na ako kailangang hintayin pa. Just wait for my resignation letter."

"Rykki! You don't have to do that--"

Umiling ako, "I have to. I got to go, next week I'll visit you! Bye boss!"

Huminga ako nang malalim nang maibaba ang cellphone. I'm feeling down. In just a snap, kailangan kong iwanan ang trabahong gusto ko.

Tumayo ako at kinuha ang purse ko.

I need some ice cream.

NAPANGITI ako nang makita ang pamilyar na ice cream parlor malapit sa dati kong school.

I suddenly crave for my favorite ube quezo. Pagpasok ko pa lang ay napunta na ang paningin ko sa matandang abala sa counter.

Hindi pa rin nagbabago si Aling Pacing, nakangiti pa rin nitong pinagsisilbihan ang mga bumibili.

Iginala ko ang paningin sa paligid. Natigil ang tingin ko sa lamesang nasa bandang dulo. Walang nakaokupa roon at habang nagtatagal ang paningin ko roon, hindi ko napigilan ang pag-agos ng alaala mula sa nakaraan.

It reminds me of that one summer day fifteen years ago...

Init na init akong pumasok sa ice cream parlor na nadaanan ko mula sa school. Masyadong tirik ang araw at nagkataong naiwan ko ang payong ko sa bahay-ampunan. Iginala ko ang paningin at napansing wala ng bakanteng lamesa.

Napailing ako. Bahala na nga. Ayoko namang lumabas na naman at maghanap ng shop na pagtatambayan. Dalawang oras pa ang vacant ko. At naririnig ko sa mga sosyalin kong kaklase na masarap daw ang ice cream dito. Tiningnan ko ang menu at nakahinga nang maluwag nang hindi naman pala kamahalan ang mga ice cream nila.

"Anong gusto mo, hija?"

Ngumiti ako sa medyo may edad ng babae, "Ube quezo po." ang tingin ay nasa estanteng kinalalagyan ng mga ice cream.

Wala pang ilang minuto ay naibigay na sa akin ang inorder ko. Nanlumo ako nang makitang hindi pa rin nababawasan ang tao sa loob.

"Doon ka lumapit kay Seth, mabait na bata 'yan tiyak ay papayag siyang maki-share ng table sa 'yo." nakangiting pag-imporma sa akin ni Aling Pacing na nalaman ko ang pangalan nang tawagin siya ng isa sa mga staff--at itinuro sa akin ang bandang dulo ng lamesa kung saan may lalaking nakaupo at busy sa pagbabasa ng libro.

Her Last Days (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon