Disclaimer: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events, and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner.
DAY TWENTY-NINE
RYKKI
PULOS puti ang paligid nang magmulat ako ng mga mata. Masyadong maliwanag ang paligid pero alam kong wala ako sa apat na sulok ng puting kwarto na 'yon. Magaan ang pakiramdam na bumangon ako at ikinagulat na wala ang pamilyar na sakit sa ulo ko at buong katawan.
Napahawak ako sa tiyan at nilukob ng kaba ang puso ko nang wala na ang umbok doon.
Where's my baby?
"Mommy!"
Napalingon ako nang marinig ang maliit na boses na iyon. Nakangiting naglalakad papalapit sa akin ang batang puting-puti ang kasuotan. Tila may humaplos sa puso ko nang yakapin niya ako. Umangat ang kamay ko at hinaplos ang buhok niya.
"Do you remember me, Mommy?" labas ang biloy sa pisnging sinapo niya ang mukha ko.
He reminds me of my husband, Seth Eros.
"A-Austin?"
Bumungisngis siya at pumalakpak. "Kuya Uriel, sabi sa 'yo makikilala ako ni Mommy 'eh!"
Ikinagulat ko ang biglang pagsulpot ng isang lalaki sa tabi niya na malawak din ang pagkakangiti sa akin.
"Hi, Rykki!" kaway niya sa akin matapos guluhin ang buhok ng batang nakayakap pa rin sa bewang ko.
"I-ikaw ba talaga si Austin?"
Tumango-tango siya. "One and only Austin ni Mommy Rykki at Daddy Seth, baby bro din ni Ate Sera!"
Lumuhod ako at ramdam ko ang pamamasa ng mga mata habang nakatitig sa maliit niyang mukha.
"I'm your angel Mommy."
Niyakap ko siya at tuluyan nang tumulo ang mga luha sa mata ko. Naguguluhan man sa nangyayari ay ramdam ko ang saya sa puso ko. Pero bakit pa ba ako naguguluhan gayong mukhang alam ko na ang dahilan ng mga nangyayari ngayon.
This is not a dream like what I always had.
What's happening right now means only one thing.
I'm dead.
"Hindi ka pa patay, Rykki."
Ikinagulat ko ang pagsasalita ng lalaki na mukhang narinig ang sinabi ko sa isip ko.
"What do you mean?"
"You're in between of life and death. Hindi ka pa rin bumibitaw Rykki, your body is still trying to fight."
Pumitik siya at napapikit ako sa sobrang liwanag na bumalot sa paligid namin. Pagdilat ng mga mata ko ay wala na sa paligid ko si Austin at tanging si Uriel na lang ang kasama ko. Itatanong ko pa lang sana sa kanya kung nasaan ang anak ko nang may ituro siya sa tabi ko. Pagbaling ay natutop ko ang bibig nang makita ang sarili ko sa kama. Maraming nakakabit sa katawan at halos hindi ko na makilala ang hitsura ko.
Lifeless.
Ayon ang nakikita ko sa harap. Napatingin ako sa pinto nang bumukas iyon at iluwa si Seth na malaki rin ang ibinagsak ng katawan. Sinalubong ko siya at tangkang yayakapin nang tumagos lang ako sa katawan niya.
"Seth!" sigaw ko sa kanya pero diretso ang tungo niya sa gilid ng kama.
"Hindi ka niya nakikita, Rykki."
BINABASA MO ANG
Her Last Days (COMPLETED)
Romance"Life asked death, why do people love me but hate you? Death responded, 'Because you are a beautiful lie, and I'm a painful truth.'" -Anonymous *** When Rykki Nuñez receives devastating news, she's forced to confront her estranged ex-husband, Seth E...