DAY 3
Napangiti ako nang magising at mabungaran ang nakasiksik na si Sera sa akin. It's the best feeling for me, waking up beside my daughter. Bumangon ako dahil ipagluluto ko pa siya ng agahan niya.
Tumayo ako at kinuha ang bag ko. Pagkuha ko ng cellphone ko ay bumungad sa akin ang maraming texts at missed calls galing sa isang tao.
Hiro calling...
Kunot ang noong sinagot ko iyon pero bago iyon ay kinuha ko muna ang gamot na kailangan kong inumin. Bagama't wala na akong balak magpa-treatment, humingi pa din ako ng mga gamot na hindi makakapagpabilis nang paglala ng lagay ko. I still want to stay longer for the sake of being with Sera.
"Good morning Hiro. Ano namang kailangan mo sa kagandahan ko at—"
"Where are you?!"
"I'm with my daughter. Hindi na ko nakapagpaalam sa 'yo but I'll stay here in the meantime..."
"Hindi ka dapat nandiyan ngayon!"
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Napatigil ako sa paglalakad. Kinabahan din ako sa timbre ng boses niya na tila anumang oras ay iiyak siya. Posible kayang?
"Nasaan dapat ako kung ganon, Hiro?" mahina ang boses kong saad.
"I-in the hospital..." pagkatapos niyang sabihin 'yon ay narinig ko ang paghikbi niya.
Napapikit ako at huminga nang malalim. "Paano mong nalaman?"
"Importante pa ba yon?! The important thing to do is to treat you... Let's go to the hospital Ry!"
Umiling ako kahit hindi niya ako nakikita. "I can't Hiro. I don't want it. Hindi iyon ang priority ko ngayon."
"Are you insane?! You're dying Rykki and you're saying that it's not your priority?!"
"Please Hiro. Hayaan mo na lang ako. K-Kaya ko to."
Nakikinita ko na ang marahas niyang pag-iling. "Susunduin kita diyan. Mag-uusap tayo!"
"Hiro please—" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang maramdaman na may nakatitig sa akin. Larawan ang pagkadisgusto sa mukha ni Seth na hindi ko maintindihan kung bakit.
Problema niya?
Binaba ko ang cellphone ko at lalapit na sana kay Seth para magpasalamat kahit na napilitan lang naman siya na pumayag sa gusto ko dahil sa anak namin. Pero mabilis siyang tumalikod.
"Ayusin ninyo iyang problema ninyo ng boyfriend mo nang hindi mo na kailangan ipagsiksikan ang sarili mo rito sa pamamahay ko," aniya na siyang nakapagpatigalgal sa akin.
Boyfriend ko???
Si Hiro???
Kailan pa? Bakit hindi ako na-inform?
Napailing ako at imbes na ipagluto si Sera ay napagpasyahan ko na lang iayos ang mga gamit ng anak ko. Nasabi ko nga pala kay Seth na hindi niya ako makikita sa buong durasyon ng pananatili ko. Maigi na rin iyon, kaysa naman mag-away pa kami sa harap ni Sera.
"Mommy hindi ka ba sasabay sa akin mag-breakfast?" nakangusong tanong ni Sera matapos kong sabihin dito na mauna na siya bumaba.
"Sera, inaantok pa kasi si Mommy at busog pa ako—"
"Sinasabi mo lang iyan, ayaw mo lang makasabay si Daddy sa breakfast eh."
Napangiti ako nang alanganin. Bakit ba ang lakas ng pakiramdam nitong bata na 'to? Napakamot ako sa batok ko at hindi malaman ang sasabihin kay Sera.
"How about this? Ako ang susundo mamaya sa 'yo and then kakain tayo sa labas?"
Ngumiti ito. "Really Mommy?"
"Yes, sweetie. Promise."
"Wala ka bang pasok sa office?"
Umiling ako. "Naka leave si Mommy in the meantime."
"That's great Mommy!" Napangiti ako pero agad naglaho yon nang maalala ang pagsigaw niya kagabi kay Seth.
"Sera...I hope na hindi mo na uulitin na sigawan ang Daddy mo. That's bad."
Tumango siya. "I promise Mommy, hindi na po mauulit."
"Sera bilisan mo daw at male-late na kayo ng Daddy mo."
"Bye Mommy! I love you!" nagmamadaling saad niya sabay halik sa pisngi ko matapos marinig ang sigaw ng Yaya niya mula sa labas ng pinto.
I will always be thankful na hindi kailanman nagtanim ng galit para sa akin si Sera. Bagama't dalawang beses sa isang linggo ko lang siya nakakasama hindi iyon naging hadlang para hindi lumayo ang loob niya sa akin.
Napahawak ako sa tiyan ko nang kumalam ito. Napapalatak ako hindi nga pala ako sanay nang hindi kumakain nang maaga.
Tiis-tiis lang Rykki, kalaunan naman ay mawawalan ka na din ng gana sa pagkain...
Napahiga ako sa kama ni Sera at hindi maiwasang isipin si Hiro. Paano ba niya nalaman ang kondisyon ko?
Si Hiro ay nakilala ko limang taon ang nakakaraan nang muntikan niya akong mabangga ng kotse. Isa siyang tila anghel na inihulog sa akin ng langit sa panahong hirap na hirap ako. Binigyan niya ako ng trabaho, tirahan at isang pamilya. Ulilang lubos na ako at walang malalapitan nang tuluyang kaming maghiwalay ni Seth. Wala akong malalapitan noon pero si Hiro na hindi naman ako kilala ay tinulungan ako. Napakalaki ng utang na loob ko sa kanya kaya simula noon pinangako ko sa sarili ko na gagawin ko lahat ng hilingin niya sa akin. Pero mukhang hindi sa mga oras na ito...
Muling pumasok sa isip ko ang pagkakaalam ni Seth sa relasyon namin ni Hiro. Iniisip niya na boyfriend ko si Hiro. At dahil magkasama kami sa iisang bahay ni Hiro, live in partner tiyak ang nasa isip ng malisyoso kong ex-husband.
Natawa ako sa kitid ng isip ni Seth. Lalo pa at imposibleng maging kami ni Hiro. Napakaimposible.
Sumakit ang ulo ko at doon ko lang naalala na kailangan kong uminom ng gamot. Kakainom ko lang nito nang marahas na bumukas ang pinto. Sa gulat ko ay nabitawan ko ang botelya ng gamot.
Pinulot ko ito, pagkaangat ng ulo ko ay bumungad sa akin si Seth na masama ang titig sa hawak ko. Ano na namang problema ng taong 'to?
"Bakit Seth?"
"Mukhang ready na ready ka na. Nandiyan na ang hinihintay mo but this will be the last time na hahayaan ko na tumapak ang paa ng lalaki mo rito. Kung magkikita—"
"Ano bang sinasabi mo?!"
Tumaas ang kilay niya. "Your boyfriend is downstairs looking for you!"
Nanlaki ang mga mata ko at dali-daling tumayo. Walang lingon-likod na nilagpasan ko si Seth.
Pagkababa ko ay nakita ko si Hiro na kausap si Sera.
"Hiro!"
Bago pa ako tuluyang makalapit sa kanila ay nayakap na ako ni Hiro.
"Oh God Rykki! Alam mo ba kung gaano ko nag-aalala sa 'yo ngayon?!" bulong niya sa akin.
Suminghot-singhot ito na siyang ikinalaki ng mata ko. "Bakla ka huwag kang iiyak. Magtataka si Sera."
"Mukhang masyado kang namiss ni Tito Hiro, Mommy," Humahagikgik na saad ni Sera.
May narinig kaming pagtikhim kaya mabilis akong kumalas sa pagkakayakap ni Hiro. Paglingon ko ay nakita ko si Seth na mukhang galit na naman sa mundo.
"Sera, kumain na tayo baka malate ka pa sa school," aniya at walang-lingon likod na dumiretso sa dining area.
"Tito Hiro, you want to eat with us?"
Umiling si Hiro. "No Aki, kumain na ako. Mag-uusap lang kami ni Mommy mo."
Tumingin sa akin si Hiro at hindi ko maiwasang kabahan.
Mahaba-habang usapan ito, Rykki.
TBC
BINABASA MO ANG
Her Last Days (COMPLETED)
Romance"Life asked death, why do people love me but hate you? Death responded, 'Because you are a beautiful lie, and I'm a painful truth.'" -Anonymous *** When Rykki Nuñez receives devastating news, she's forced to confront her estranged ex-husband, Seth E...