DAY TWENTY-EIGHT
SETH
"WALA ka na ba talagang plano na umuwi dito sa Pilipinas Seth Eros? Your father is too old to handle our businesses!"
Hinilot ko ang gilid ng noo ko napaupo at pagod na napasandal sa malamig na pader. "Ma, please if you're just going to call for this—"
"Inuubos mo ang pera mo sa pagpapagamot sa babaeng 'yan! You think I didn't know that you're selling your properties here just to sustain her medical needs! Nagkausap din kami ni Tito Jose mo and he said na nag-aapply ka for a bank loan. What about my apo? Paano na ang pag-aaral niya? Seth Eros wake up! Ilang buwan na ba kayo diyan?! May nangyayari ba? She's getting worse hindi ba—"
"Shut up Ma! Shut up!" malakas kong sigaw hindi na napigilan ang sarili. Malalim akong bumuntonghininga at pinalis ang luhang kumawala sa mga mata ko.
"I'm h-having a hard time right now Ma, and I'm not asking you to sympathize with what's happening in my family. M-my wife is giving her best to fight for our baby. Kahit hirap na hirap na siya hindi siya sumusuko mabuhay lang ang a-anak namin. Iyong batang dinadala niya ay anak ko, kapatid ni Sera, apo nyo. If dad is in the same situation would you give him up? H-hindi naman 'di ba? Because you love him...katulad nang pagmamahal na meron ako sa asawa ko. Kaya hinding-hindi ako susuko dahil naniniwala akong kaya namin 'to. Kakayanin ng asawa at anak kong malagpasan ang pagsubok na 'to. If you can't support us, can you please stop saying negative things about my decision to fight for my wife? I'm begging you ma, stop calling me kung ito rin lang ang pag-uusapan natin. U-uuwi ako sa oras na magaling na ang asawa ko."
Hindi ko na pinakinggan pa ang anumang sasabihin ng ina ko at pinatay ko na ang cellphone ko. Mariin kong naipikit ang mga mata ko pero napadilat nang marinig ang paghikbi mula sa likod ko. Pagbaling ko ay napatayo ako nang makitang umiiyak ang anak kong si Serafina.
"What's wrong Sera?"
"Daddy!" sigaw niya at mahigpit akong niyakap.
May lumukob na kaba sa puso ko sa pagtangis niya.
"What's wrong?"
"Mommy asked me who am I. Again! When I answered her kung s-sino ko nagalit siya when I told her I'm her daughter. She asked me to leave, she's angry at me!"
"Sera, that's not Mommy who's talking, it's her tumor okay?"
Sinapo ko ang mukha ng anak ko at pinunasan ang mga luha niya. It's been two months since Rykki started her chemotherapy. Ayon sa doktor ay kinakaya ni Rykki ang gamot at napipigilan ang pagkalat at paglaki ng tumor ng asawa ko ngunit naaapektuhan ang pag-uugali niya. Madalas ay hindi namin siya makausap at ang pinakamasakit sa lahat ay nakakalimutan niya na kami.
"Let me buy you some snacks downstairs."
"Dad, is it worth it?" napatingin ako kay Sera sa naging tanong niya habang naglalakad kami pabalik sa kwarto ng ina niya.
"What?"
"M-my baby sibling, is he worth it? If mom did not insist na ipagpatuloy ang pagbubuntis sa kanya, do you think mas okay siya ngayon? Mas mataas kaya iyong chances that she'll survive?"
Natigilan ako sa naging tanong niya at huminto sa paglalakad para iharap siya sa akin.
"Ano ba namang klaseng tanong 'yan, anak. Of course, worthy ang baby sibling mo saka don't worry your mom would survive—"
"Stop saying that Dad when you're not even sure about it! Mommy, we're losing her! You know what I'm thinking? Na baka pinipilit niya lang lumaban but once she gives birth, she'll leave us," umiiyak na saad ni Sera na tinalikuran ako at tumatakbong umalis.
"Serafina—"
"Seth! I'll talk to her. Ako nang bahala," ani boses sa likod ko na ikinagulat ko.
"Hiro? Kailan ka dumating?"
"Ngayon lang, dito na ako dumiretso. Let's talk later," aniya at hinabol ang anak ko.
Pagpasok ko sa kwarto ni Rykki ay mahimbing siyang natutulog. Lumapit ako at hinaplos ang humpak niyang pisngi.
"S-seth..."
Gumuhit ang ngiti sa labi ko nang marinig ang pagtawag niya sa pangalan ko. Masaya akong naaalala niya ako.
"Hey my lovely wife, what do you want—"
"Ahhhhhhh!"
Nanlaki ang mga mata ko sa biglaan niyang pagsigaw. Agad kong pinindot ang button sa taas ng kama niya habang pilit siyang hinahawakan dahil tila hindi niya na makontrol ang katawan niya.
That's when I realized that my wife is having a seizure.
"You need to leave this room, Sir."
"No, I'm staying with my wife—"
"We need to treat her. You're not allowed here."
Ayaw ko man ay magkatulong akong binitbit palabas ng kwarto ng nurse at sinaraduhan ng pinto. Ramdam ko ang papalakas na tibok ng puso ko sa maaaring mangyari kay Rykki.
You can do this Rykki...
Nakayuko kong hinintay ang paglabas ng mga doktor niya at agad akong tumayo nang marinig ang pagtawag sa akin ni Doctor Mike.
"Is m-my wife okay?"
"She's in labor."
Kumunot ang noo ko sa sinabi ng doktor. "What do you mean by that, Doc? She's only twenty-five weeks."
"Yes, but we really expect this given her situation. But I need you to be ready."
"W-why?"
"Your wife is in a comatose state, Mr. Vallejo. She might not make it."
T B C
BINABASA MO ANG
Her Last Days (COMPLETED)
Romans"Life asked death, why do people love me but hate you? Death responded, 'Because you are a beautiful lie, and I'm a painful truth.'" -Anonymous *** When Rykki Nuñez receives devastating news, she's forced to confront her estranged ex-husband, Seth E...