Day 21

2.2K 61 7
                                    

DAY 21

RYKKI

"YOU mean we need to remove the b-baby?"

"Yes. I'm sorry Seth but we have to."

Idinilat ko ang mga mata ko at pinakatitigan sina Seth at ang doktor ko na nag-uusap sa tabi ko. Umiling-iling ako at napahawak sa tiyan ko.

"S-Seth?"

Agad na bumaling si Seth sa akin nang tawagin ko siya. "Hey, are you okay? Hindi ka na ba nahihilo?"

"A-ayos na ako, ano iyong narinig ko? Baby? Anong ibig ninyong sabihin?"

Napapikit si Seth at tila hindi malaman kung anong isasagot sa akin. Bumangon ako nang hindi pa rin siya sumagot at binalingan ko ng tingin ang pinsan niya.

"Tell me, am I p-pregnant?"

Nang dahan-dahang tumango ang doktor ko ay pakiramdam ko tila huminto ang pagtibok ng puso ko at natahimik lang ako naibaba ang tingin sa tiyan ko.

Niyakap ako ni Seth. "I'm sorry, hindi dapat 'to nangyari. This is not the right time, Ry...this baby, we can't keep him."

Tinulak ko si Seth at umiling ako. "Anong sabi mo?"

"We can't keep him." Naghahalo ang sakit at determinasyon sa mga matang saad ni Seth.

"No! Gusto mong patayin ko 'to? Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Seth? This is our child!"

Tumayo siya at hinawakan ako sa balikat. "Rykki, listen to me! We need to do this, given your situation hindi puwede!"

"Bakit?! Stop making decisions for me, Seth!"

Umiling-iling si Seth at marahas na ginulo ang buhok niya. "Hindi mo naiintindihan, Rykki!"

"Calm down, Seth. Ako ang mag-e-explain kay Rykki ng kondisyon niya ngayon."

Malalim na bumuntong-hininga si Seth. "Pupuntahan ko lang si Sera sa labas," aniya at agad na tinalikuran kami.

Nang tuluyang mawala sa paningin namin si Seth ay naupo sa tabi ko si Kian.

"Rykki, it's been two weeks since we started your treatment and according to your scans and lab, the treatment helps us in shrinking the tumor in your brain. You're doing good—"

"I feel so sick and yet I'm doing good?" sarkastiko kong pagputol sa sinasabi niya.

"Rykki, hindi lang dahil iyon sa treatment. We did a blood test on you and we found out that you're four weeks pregnant."

Ngayon lang tuluyang nag-sink in sa isip ko ang narinig ko sa kanila kanina. "I-I'm really pregnant?"

"Yes, you are but...as your doctor I'm suggesting you that we have to induce the fetus—"

"No...b-bakit kailangan nating gawin 'yon? How could you ask me to kill my own child? I have a choice on this right?"

He sighed. "You won't be able to continue your treatment if you decided to pursue your pregnancy. Hindi kakayanin ng bata ang treatment dahil sa mga gamot na ginagamit."

Tumango-tango ako. "Then I won't continue my treatment then..."

Umiling si Dr. Kian. "Rykki, your condition will get worse that even painkillers won't help you. It might also lead you into a miscarriage. You might even die before you give birth."

"I knew s-someone na merong cancer na napagpatuloy ang pagbubuntis. I won't even ask na magaya ko sa kanya na nabuhay kasama ng baby niya...I'm willing to give up my life as long as this baby will live. Please Kian, I-I'm begging you, I can't lose this baby."

Her Last Days (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon