Day 1

3.5K 99 5
                                    

Day 1

"What are you doing here?!" Napapitlag ako mula sa pagkakaupo sa sofa nang marinig ang sigaw mula sa likuran ko.

Tumaas ang kilay ko at hinarap ang lalaking kanina ko pa hinihintay.

"Iyan ba ang tamang pag-welcome sa ex-wife mo?" tanong ko at hindi nakaligtas sa akin ang pagdilim ng mukha niya sa sinabi ko.

"Welcome? Who told you na welcome ka sa pamamahay ko?" asik niya sa akin habang niluluwangan niya ang suot na kurbata habang hindi inaalis ang tingin sa akin.

"I'm going straight to the point Seth. I'm staying here." \
Natigilan siya sa sinabi ko tila hindi mapaniwalaan kung tama ang narinig niyang mga salita mula sa akin. Nang makahuma ay pagak siyang tumawa dahan-dahang lumapit sa akin. "Anong sinabi mo?"

"I'm staying here." pag-ulit ko. Pumikit siya at humugot nang malalim na buntong-hininga makaraan ay matalim ang matang pinakatitigan ako.

"You're insane Rykki," saad niya at tinalikuran ako pero agad kong hinawakan ang braso niya bago pa siya makalayo sa akin.

"Seth sandali lang, hindi mo man lang ba tatanungin kung bakit ko gustong tumira ulit dito?"

"HIndi ko na kailangan pang tanungin kung bakit, dahil wala akong balak na pumayag na tumira ka dito." malamig ang boses niyang saad. Binitawan ko siya at napapikit ako nang mapagtantong hanggang ngayon ay maihahalintulad pa rin sa isang yelo ang dati kong asawa.

"I am not here for you. I am here for my daughter, I want to be with her every day, not just on weekends!" sigaw ko na siyang nakapagpatigil sa tuluyan niyang pagtalikod sa akin.

"Don't try me Rykki, pasalamat ka nga at hinayaan pa kitang makasama si Sera tuwing weekends dahil kung tutuusin wala ka ng karapatan pa na makasama siya."

Nagpuyos ang kalooban ko sa sinabi niya at napakuyom sa nanginginig kong kamay. "At bakit mawawalan ako ng karapatan na makasama ang anak ko?!"

Ngumisi naman siya na mas lalong nagpagalit sa akin. "Because as far as I remember. 5 years ago, you left her."

"I did not. Hindi ko siya iniwan, kinuha mo siya sa akin!"

"At bakit ko siya hindi kukunin gayong alam naman nating dalawa na wala kang kakayahan na buhayin siya! Ang tanging alam mo lang ay ang ipahamak siya! Baka nakakalimutan mo kung anong nangyari sa kanya dahil sa kapabayaan mo!"

Nawalan ako ng imik sa panunumbat niya.

Nagsimula akong pangilidan ng luha nang ipagkadiinan na naman niya na wala akong kakayahan na buhayin ang anak namin. Dahil limang taon ang nakakaraan, isa lang akong may-bahay at umaasa sa pera ng asawa ko.

"Mommy?" napalunok ako nang marinig ang boses ng anak na si Sera na mukhang kadarating lang mula sa paaralan na pinapasukan niya.

Serafina Aki Vallejo. My 11-year-old daughter.
Masama kong tinignan si Seth at hinarap ang anak ko nang nakangiti.

"Mommy!" tumakbo siya at yumakap sa akin. Hinaplos ko ang buhok niya at hinalikan ang magkabila niyang pisngi . "Hello baby,"

Ngumuso naman siya sa sinabi ko at humiwalay sa akin. "I am not a baby Mommy. Anyway, what are you doing here? Hindi pa naman po friday ah?" nagtataka niyang tanong.

Tumikhim si Seth at doon nabaling ang paningin ni Sera. Lumapit siya sa ama at humalik sa pisngi ng huli. "Hi, Daddy."

Pinagmasdan niya ang dalawa at walang sinuman ang magdududa na mag-ama nga ang dalawa. Dahil bukod sa buhok ko, wala na yatang namana sa akin si Sera at nakuha lahat ng genes ng dati kong asawa. Mula sa kulay kape niyang mga mata, matangos na ilong at manipis at mamula-mulang labi. Ultimo ang hugis ng mukha at maging ang tangkad ng ama ay nakuha niya kaya sa edad na labing-isa ay halos makapantay ko na siya.

Her Last Days (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon