Day 4

2.3K 65 7
                                    

DAY 4

"Hiro, let me go!" mariin kong saad habang hinihila niya ako papasok sa loob ng hospital.

Nasa parking lot kami at alam kong nakakakuha na kami ng atensyon.

"Hiro! Ano ba?! Bakit ba tayo papasok diyan? Para ano? Para ipamukha ulit sa akin ng doktor kung anong lagay ko? Na walang kasiguraduhan kung tatagal pa ba ng isang taon ang buhay ko?" Lumuwag ang pagkakahawak sa akin ni Hiro hanggang sa tuluyan niya na akong binitawan.

Pinunasan ko ang mga luhang kumawala sa mga mata ko. Pagbaling ko kay Hiro ay nakaupo na siya sa lapag at nakayukyok sa tuhod niya. Yumuyugyog ang balikat niya at ilang sandali pa ay narinig ko na ang pagtangis niya.

Lumapit ako sa kanya at napaluhod sa lapag. Niyakap ko siya at parang batang mahigpit siyang yumakap sa akin at umiyak.

"Bakla, hindi ba dapat ako ang iiyak nang ganito? Ako 'yung mamamatay loka, h-hindi ikaw," tumatawa kong saad habang pumapatak ang mga luha ko.

"P-Please Ry, m-magpagamot ka 'wag naman g-ganito! Hindi k-ka puwedeng m-mamatay! P-Paano na ako?! I-I can't lose you!" paghagulgol niya sa dibdib ko.

Hiro is like a brother for me. A younger brother/sister. At alam kong ganoon din ang turing niya sa akin. During those times na itinakwil siya ng lahat ng tao sa paligid niya. Ako ang nasa tabi niya. Hindi ako sumukong ipaunawa sa kanya na mawala man ang lahat ng tao sa paligid niya. Mananatili akong nasa tabi niya. But right now, alam kong hindi ko na matutupad ang pangako ko rito.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal na nasa ganoong posisyon. Siya habang humahagulgol habang ako naman ay tahimik na umiiyak.

"S-So what's your plan?" sisigok-sigok niyang saad sa akin nang pumasok kami sa loob ng kotse niya.

Inabot ko sa kanya ang tissue at walang hiyang suminga siya roon.

Nagkibit-balikat ako, "I honestly don't know. Ang tanging gusto ko lang ay makasama si Sera," sabi ko at pinakatitigan ang picture frame na nasa dashboard niya kung saan kasama namin si Sera.

"Rykki! I can bring you to the states, pwedeng doon ka magpagamot tapos 'pag gumaling ka pwede mo nang makasama nang matagal si Sera--"

Umiling ako at pinutol ang sasabihin niya, "Paano kung hindi? Paano kung mamatay ako nang hindi man lang nakikita sa huling sandali si Sera? I don't want her to hate me for leaving her just like that. I want to spend the remaining days of my life with her. Gusto kong makatulog at magising na katabi siya. Ang iparanas sa kanya na mahal na mahal ko siya. Na mawala man ako may maiiwang alaala sa kanya kung gaano ko siya kamahal."

Natahimik si Hiro sa sinabi ko. Hinila niya ako at niyakap, "What do you want me to do? I can't live knowing that I didn't do anything to save you..."

Ngumiti ako nang mapait. "May magagawa ka, just support me from my decision at sana wala ka nang iba pang pagsabihan."

"Rykki—"

"My condition is a rare case. Hindi biro ang tumor na nasa utak ko. Hindi nila kayang operahan dahil delikado. At ang tangi lang nilang magagawa ay ang pigilan ang paglaki at pagkalat nito sa ibang organs ko. I want to fight Hiro but how can I fight kung alam ko namang sa huli talo pa rin ako? Pagod na ako, Hiro. Maybe it's His way of punishing me. Karma ko 'to sa lahat ng mga maling nagawa ko."

Hindi na siya nagsalita at niyakap lang ako nang mahigpit.

"Are you sure you're going to be fine?" nag-aalala niyang saad sa akin pagkababa ko ng kotse niya.

After our dramatic scene, we ate and stroll around the mall just like what we always did during our free time. Uwian na ni Sera kaya hinatid niya na ako papunta sa school ng anak ko.

Her Last Days (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon