Day 16

2.6K 70 4
                                    

DAY 16

SETH

There's no future for us!

This is a losing battle.

No. I don't believe you, Rykki. Hindi ka Niya kukunin sa amin. We'll grow old together. We'll see Serafina growing up. You'll be there every milestone in her life. I won't let you go.

"Seth..."

Mabilis kong pinunasan ang luha ko at tumingala mula sa pagkakayuko ko.

"S-She's awake," saad ko sa pinsan kong si Kian. Pinisil niya ang balikat ko at nakikita ko sa mga mata niya ang awa para sa akin.

Walang nakakaawa sa akin...

"Her results came out. Luckily, hindi malala ang fractured niya sa braso kaya sapat na ang bandage instead of a cast. But her brain scan..."

"W-What about it?"

"Mas lumaki ang tumor sa utak niya. She needs immediate treatment, Seth."

Napalunok ako at tumango-tango. "Y-Yeah, can you schedule her by next week? But can she take it kahit na kagagaling niya lang sa aksidente?"

"She can only if she wants and if she has the will. We'll do our best to treat her."

"She will, Kian. I won't let her give up nang hindi man lang lumalaban."

"About your suggestion sa pagdala sa kanya sa ibang bansa. I can help you with that. You can bring her sa Minnesota, I had a friend there, he's one of the best surgeons. He specialized in a case like Rykki but he's on vacation at mga ilang buwan pa bago siya bumalik doon sa Mayo so he suggested na mag-undergo muna si Rykki ng radiation therapy before you bring her there."

Tumango-tango ako. "I'll trust you, Kian. Please...save her."

Hindi sumagot ang pinsan ko at pinisil lang ang balikat ko bago pumasok sa kuwarto ni Rykki. Susunod na sana ako papasok sa kanya nang may tumawag sa akin.

"Seth..."

Napatda ako sa kinatatayuan ko sa narinig na boses. Pagbaling ko ay bumungad sa akin si Divine na mukhang kanina pa nakikinig sa usapan namin ni Kian.

"W-What are you doing here?"

"Tama ba ang dinig ko, that woman is dying?"

Hindi ko nagustuhan ang tono ng boses niya kaya hinaklit ko siya at hinila patungo sa fire exit ng hospital.

"I have no time for you, Divine! Please, go home!" pigil ang sigaw kong saad sa kanya sabay bitiw sa pulsuhan niya.

"Just answer me! Is she really dying?!"

"No! Hindi siya mamamatay! I won't let her!" mariin kong pagtanggi sa sinasabi niya kanina pa.

No one is dying here.

Ngumisi si Divine at tila unti-unting nagdidilim ang tingin ko sa ngisi niyang iyon na tila nanunutya. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya bago pa ako may magawang masama sa kanya.

"It's really true, then...that she has a terminal illness katulad nang narinig ko kay Kian."

"Shut up, Divine...just go!"

"Is that why you broke up with me? Naaawa ka sa kanya? I can s-support you kaya kong manatili ka sa kanya hanggang sa mamatay siya—"

"Damn it! Hindi siya sinabi mamamatay!" baling ko sa kanya at hindi na napigilan ang pagbulusok ng galit ko dahilan para masuntok ko ang pader sa likod niyang ikinagulat niya.

Her Last Days (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon