88 : Happy Ending

15 1 0
                                    


| KHAEL |

"No, Lola," pagtataas ko ng boses ko. "Hindi ko iiwan si Jayda katulad ng ginawa ng Papa sa'min."

Iika-ika akong lumakad palayo sa kanila. Patriarchal ang pamilya namin, pakiramdam ko, gusto niya lang ako makuha dahil lalaki ako. Wala silang pakialam kay Jayda dahil babae siya. Hindi 'yon pwede.

"Eli, if you really want to be there for her, you have to heal yourself first. Jayda is in her worst condition now pero may pamilyang mag-aalaga sa kanya, ikaw? Paano ka? If you want to be there for her in the long run, you have to make yourself stronger than her. You have to heal first. How are you going to heal her if you don't even know what that means?"

"Please. Kilala ko kayo," lingon ko sa kanya. "You only want me because I'm a man. Wala sa Japan ang buhay ko. Nandito sa Pilipinas sa stage ang buhay ko kasama ng mga kaibigan ko, ng kapatid ko. Huwag ninyo na 'kong pilitin dahil ayoko."

"Eli... naiintindihan kita. It's only temporary. And besides, you'll never be far from your Papa. He will always guide you. He will always be on your mind and heart. It's a good way for you to know him even more. A perfect opportunity to understand where you and Jayda came from... Sige na."

Napatingin ako sa Lolo naming nasa pinto lang at tahimik na nakatingin sa'min. Muli kong ibinalik ang mata ko sa Lola ko.

"Ito rin ang gusto mangyari ng Lolo mo. Pangako, babalik ka dito. Gusto niya lang masiguro na gagaling ka at may mag-aalaga sa'yo. Hindi na kami mabubuhay nang matagal pa kaya hindi ka namin pipilitin sa mga ayaw mong gawin, ang Tito Hyde mo, magkakaroon din siya ng pamilya."

"Paano namin masisigurong maayos si Jayda kung wala naman kaming mapagkatiwalaan sa kanya? Si Ieyasu ba? Oo, aalagaan niya si Jayda, pero hanggang kailan? Hindi natin alam kung anong mangyayari sa kanilang dalawa. Paano kung isang araw, mawala na ang nararamdaman nila sa isa't isa? Sinong mananatili sa tabi ni Jayda? Naiintindihan mo ba 'ko?"

"Hey," tawag ni Yasu sa atensyon ko at napaigtad naman ako. "Shall we?"

"Yeah, sure," sagot ko sa kanya at bumaba na ng sasakyan.

Isang buwan mula nang ilibing si Papa, napagdesisyon kong sumunod kina Lola sa Japan. Matagal kong pinag-isipan ito, tama siya. Kung gusto ko maging malakas para sa kapatid ko, kailangan kong magpagaling muna.

Pumasok kami sa puting kwarto kung saan naglalaro ng lutu-lutuan ang Mama ko. Agad siyang napatingin sa'kin at rumehistro ang pamilyar na kinang sa mata niya.

"Yuki! Mahal ko!"

Ngayon lang ako naging masaya na wala siya sa tamang katinuan. Hindi niya mararamdaman ang pakiramdam na may kulang sa buhay, hindi niya nararamdaman ang sobrang pangungulila sa pagkawala ng pinakamamahal mo. Ibinuka ko ang mga braso ko at sinalo ang pagyakap niya sa'kin. Agad din naman siyang humiwalay sa'kin at tinitigan ako.

"Bakit ka umiiyak? Sino nag-away sa'yo? Siya ba?" turo niya kay Yasu na sumenyas na lalabas muna siya. Sa halip na sagutin siya ay muli ko siyang niyakap.

"Okay ka lang ba?" nag-aalala niyang tanong sa'kin at humiwalay sa'kin.

"Ma?" tawag ko sa kanya.

Unti-unti namang nagbago ang timpla ng mukha niya at napalitan ito ng lungkot.

"Eli? Uh... I'm sorry."

"No, Ma. It's fine," ngiti ko. Agad napaluha ang ina ko at ikinulong ako sa yakap.

"Did I came on a wrong time?" tanong ko nang makaupo kami sa kama niya.

"No," pigil niya sa iyak niya.

THE SOUND OF THE BROKEN HEARTS (Metamorphosis Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon