66 : They are Back

50 3 0
                                    


"Boss... Kumusta pala kayo noong wala ako?" tanong ko sa lalaking kanina pa pauli-uli na dito sa opisina niya. Napalunok ako ng laway ko.

"Don't even try to distract me with that," sagot niya at umupo sa mesa habang nakahalukipkip. Natawa ako nang maalala si Khael, ganyan na ganyan rin kasi siya minsan.

"What's funny?" seryoso niyang tanong.

"Wala boss, kamukha mo si Khael hahaha!"

"Huwag mong binabago ang usapan, Raffy. Alam ko kung anong insekto ang may gawa niyan. Bago ba 'yan o nasa Spain pa kayo?"

"Ha? Wala! Ano bang sinasabi mo?" depensa ko naman. Ramdam na ramdam ko ang pag-init ng mukha ko.

"Gusto mo pangalanan ko pa 'yung insektong kumagat diyan? Kilala ko kung sinong kasama mo kanina, nabanggit sa'kin ni Nanay Martha," aniya at dinutdot ng pwet ng ballpen ang iniwan na marka ng dimunyu.

"Boss naman kasi! Pwede bang akin na lang 'yun? Napakapersonal naman kasi," protesta ko at tumalikod dahil nag-iinit na ang mukha ko.

"I need to know—"

"Nag-make out kami... Usap ganern..." nahihiya kong sagot at sinubsob ang mukha ko sa table.

Naramdaman ko naman ang malumanay niyang haplos sa ulo ko kaya tiningala ko siya.

"Hindi ka galit?" tanong ko.

"No. Kasi sinabi mo ang totoo. Nasa tamang edad ka na, alam mo na kung anong makakabuti sa'yo at hindi. Now, what I want to know is how you are feeling," malumanay niyang bulong. Natahimik naman ako at napayuko.

"Nasasaktan ako..." pag-amin ko. Hindi ko na naiwasan at humikbi sa hita ni Boss Yuki.

"Hindi ko pa nga nasisiguro 'yung nararamdaman ko, rejected na agad ako. May mali ba sa'kin para ayawan niya 'ko?"

"Wala. Huwag mong isipin 'yan."

"Kung wala, bakit? Gusto niya ba ng pakawala kaya ayaw niya sa'kin?" tanong ko sa kanya.

"Kung oo, will you change yourself for him?" tanong niya sa'kin. Hindi ako makasagot, kaya ko nga ba? Nagkibit-balikat ako.

"Do not settle for someone who can't accept you for who you are, don't change anything. Hindi ko alam kung bakit ayaw niya sa'yo, but I'll talk to him about this."

"Huwag na Boss. Baka isipin niya lalo na pa-baby ako," iling ko at lumuhod naman siya sa harap ko at hinawakan ang kamay ko.

"Boss... Paano mo ba masasabing mahal mo ang isang tao?" tanong ko. Tipid naman niya 'kong nginitian.

"Alam mo... Wala namang proper na basehan ng pagmamahal and it comes in many forms. Pero sabi nila, kapag kaya mong magsakripisyo para sa kanya, kapag gusto mong magbigay sa kanya nang hindi humihingi ng kapalit. That's love."

Napatitig naman siya sa'kin bago ako niyakap.

"Eh para sa'yo, ano ang love?" tanong ko at dinama pa ang init ng bisig ni Boss Yuki.

"I don't know. Maybe just being around and making them feel you aren't going anywhere?"

Napatitig ako sa mata niya. Napakakalmado, parang punong-puno ng pagmamahal.

"Boss, mahal mo ba 'ko? Mahal mo rin ba 'ko?" tanong ko. Napangiti naman siya at hinalikan ang noo ko at niyakap ako.

"Mahal na mahal. Mahal kita katulad nang kay Khael. Kaya kung maramdaman mo isang araw na walang nagmamahal sa'yo, alalahanin mo lang ako dahil ako ang unang lalaking nagmahal sa'yo kasabay ni Papa Peter mo," matamis na ngiti niya sa'kin. napangiti naman ako at suminghot ng sipon ko.

THE SOUND OF THE BROKEN HEARTS (Metamorphosis Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon