24 : Yukimura Tokugawa

44 2 0
                                    

| YUKI |

Pagkatapos ng ilang baso ay binuhat ko na muli ang bote. Bahagya akong natawa nang mapansing wala na pala itong laman. Tiningnan ko ang relos ko, baka tulog na si Nanay Martha. Sa halip na tumayo at kumuha ng isa pang bote ay tumingin ako sa labas ng bintana. Karma ko ba 'to lahat? Kung hindi ko siya siguro tinalikuran noon, kung agad kong inako ang responsibilidad ko, hindi ko siguro 'to nararanasan. Hindi ko sana nararamdaman ang sakit na 'to.

Inilibot ko ang paningin ko sa studio. Kailan nga ba 'yung huling beses na natahimik sa lugar na 'to? Hindi ko na alam. Napakadami naming alaala dito ng mga bata. Minsan kapag nagsisisi ako sa mga desisyon ko sa buhay, pinaparamdam sa'kin ng mga bata na tama ang desisyon ko. Napakasarap sa pakiramdam na ang tingin nila sa'yo ay ama. Kahit saang parte ng studio, may naaaninag akong ala-ala. Napangiti ako.

Bago lumabas ang mga bata sa studio na 'to kanina, nakita ko si Jaydang umiiyak, pero hindi ko alam kung bakit. Hindi ko naitanong kung anong problema niya. Inis kong natampal ang noo ko. Dinala ko nga siya sa ilog para makausap ko siya nang masinsinan tungkol sa problema niya pero ako 'tong nag-breakdown.

Bahagya mang nahihilo ay tumayo ako para puntahan siya sa kwarto niya. Kailangan ko i-check kung naka-lock ang pinto niya. Nalilimutan niya palagi ang mag-lock ng pinto kaya naman tuwing gabi ay pumupunta ako sa kwarto niya para i-lock ito.

Binagalan ko ang paglalakad ko, wala naman akong hinahabol na oras ngayon. Wala si Eli sa bahay kaya naman sigurado akong malulungkot lang ako doon pag-uwi ko. Naalala ko ang buhay ko noong HTS, masaya naman kami noon, ang lungkot nga lang ng naging pagtatapos namin. Hindi nagtagal ay nakarating ako sa pinto ng kwarto ni Jayda. Pipihitin ko na sana ang seradura ng pinto nang marinig ko siyang nagdadasal.

• • •

"Yuki, baka kapag nakapasok ka na sa HTS, malimutan mo na 'ko."

Agad kong kinurot ang ilong ng kasintahan ko at tumawa sa tinuran niya.

"Ano ka ba? Bakit mo naman naisip 'yon? Hindi 'yun mangyayari. Ikaw lang at ako sa huli, walang titibag," ngiti ko kaya naman humagalpak siya ng tawa.

"Ang jejemon mo sa part na 'yon Yuki."

"Okay lang, basta masaya ka."

Tipid niya 'kong nginitian bago halikan ang labi ko. Mahigpit ko siyang niyakap at hinalikan sa gilid ng noo niya. Mahal na mahal ko talaga ang babaeng 'to, walang magbabago.

Nakapasok nga ako sa HTS. Hindi ako ang pinakamagaling, palagi akong pasang-awa sa elimination rounds, ganunpaman, hindi ako sumuko. Ginawa ko lahat nang makakaya ko para gumaling. Ilang oras lang ako halos natutulog para mag-practice. Naaalala ko pa noon ang trainer ko na si Ka-Bernie na panay puri sa'kin.

Mahigit isang taon din ay nakilala ako, hindi dahil sa talentong meron ako kundi dahil sa fighting spirit ko. Nakilala nang lahat ang pagsisikap at pagtitiyaga ko sa bokasyon ko. Samu't saring mga babae ang nakakaharap ko pero nanatiling na kay Chelle ang puso at pagtingin ko.

Lumipas pa ang araw at mas lalong dumalang ang pagkikita naming dalawa. Minsan, isang beses sa dalawang buwan, madalas hindi na talaga kami nagkikita.

"Pasensya ka na, Mahal. Masyado kasi akong abala," paghingi ko ng pasensya sa babaeng pinagsarahan na ng restaurant sa kahihintay sa'kin. Sa halip na magsalita ay matamis niya lang akong nginitian at niyakap.

"Okay lang, naiintindihan ko. At saka masayang-masaya ako sa progress mo. Biruin mo, 9 months na lang finals na at isa ka pa sa strongest contender. Sinong girlfriend ang hindi magiging proud sa'yo? Huwag mo 'ko alalahanin masyado Mahal. Hihintayin kita hanggang maging okay na lahat."

THE SOUND OF THE BROKEN HEARTS (Metamorphosis Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon