30 : Game Changer

49 2 0
                                    

| KHAEL |

"You are hitting the stage... RUBXX!"

Natahimik ang lugar sa hindi pamilyar na pangalang lumabas mula sa bibig ni Shantal. Maging ang Bridge Team ay natigilan din. Hindi nagtagal ay sumigaw ang rapper ng Bridge Team kaya naman bumuhos ang palakpakan at iyakan sa venue. Iyakan ng Ray Borealis sa pagkatalo at ang RUBXX sa pagkapanalo.

"Congratulations to the both of you! You both did a good job! And to all the viewers, makikita po natin sa ating screens ang results ng scores na ibinigay ng judges sa kanila. Ray Borealis, babies... oh tahan na... aalis man kayo sa competition pero sigurado kaming may magandang kinabukasan ang nag-aabang sa inyo sa labas ng HTS. Hindi natatapos dito ang journey ninyo. You have your fans and I know that they will always be there for you. You left us with wonderful memories that we will always treasure."

Lalo namang napaiyak ang Borealis habang pinapanood na mag-play ang highlights ng mga performance nila sa nakalipas na taon. Makikita mo kung paano sila nakaabot dito samantalang sa buong anim na buwan na nagkaroon ng Bridge Competition na nasa Do or Die category ay nanatili silang matibay. Sayang sila, pero hindi ko rin masabi kung ganito rin ang magiging resulta kung inayos nila ang performance nila ngayong gabi.

Hindi nagtagal ay natapos ang video. Kapansin-pansin naman ang pag-aalinlangan ng RUBXX na lumapit sa Borealis.

"Bakit kayo natatakot lumapit sa'min? The stage is yours now," natatawang pahid ni Adam, ang leader ng Borealis, sa luha niya. Mabilis namang lumapit ang pinakamaliit na myembro ng RUBXX sa kanya at yumakap kay Adam. Sumunod naman ang apat pang miyembro ng RUBXX na nakipagkamay sa Borealis.

Mas kapansin-pansin pa ang isang myembro ng RUBXX na umiiyak na akala mo siya ang aalis. May ibinulong pa siya kay Adam at malungkot na napangiti naman si Adam bago ikinabit sa RUBXX ang pin ng High 25. Matapos maikabit ang pin ay pumila ang Borealis at nagbigay ng farewell speech.

"Maraming-maraming salamat po sa mga sumuporta sa amin. Utang po namin sa inyo ang kasikatan na meron kami ngayon. Pasensya na kung hanggang dito na lang kami. Siguro mali rin namin na hindi namin napaghandaan ang pagdating nila haha! Anyway, masasabi ko naman na naging masaya naman kami at marami kaming natutunan. I don't feel bad na sa kanila kami natalo kasi magaling talaga sila. Maybe we just feel bad sa sarili naman pero anyway, sana suportahan ninyo rin ang RUBXX kasi, deserve din nila 'yun. Congratulations guys!"

Bumaba na ng stage ang Borealis at pinaupo muna sa unahan namin.

"Tol, ano binulong sa'yo ng RUBXX bago bumaba?" tanong ni Nero kay Adam na nasa baba niya lang.

"Ah wala. Umiiyak lang siya. Sana daw wala na lang tanggalan para mas masaya," sagot ni Adam na halata mong nagpipigil ng iyak.

"What a very emotional night for all of us. Namimiss ko na ang Borealis ngayon pa lang. To be honest, Ka-Bernie, they are my favorite talaga, but of course we have to move on so tara na't kilalanin ang RUBXX with their mentor. Sir, may we call you on the stage?" tawag ni Shantal at isang naka-mask naman na lalaki na naka-suit ang umakyat. Pagkalapit niya palang sa RUBXX ay agad niyang niyakap ang mga ito habang nagtatatalon.

"Nasaan si Raffy! Naiipit si Raffy!" sigaw ng rapper na lalaki at hinampas sa braso ang isa niyang kamyembero, dahilan para magtawanan kaming lahat. Maging si Adam ay tawa nang tawa.

"Good evening sir, we are giving you the honor to introduce this team. But let's start with you muna, ano po," natatawang pahayag ni Shantal.

"Yes, thank you Ms. Shantal, HTS2 sweetheart for the introduction. I am very honored to stand with you on the same stage," pahayag niya sa host na kinikilig. Natigilan ako nang marinig ko ang boses niya. Kilalang-kilala ko ang boses na 'yon.

THE SOUND OF THE BROKEN HEARTS (Metamorphosis Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon