8 : You Didn't Want Her

49 4 0
                                    

Nagmamadaling bumaba si Mama sa hagdan at akmang hihilahin sana ako pero mabilis akong nailayo ng estranghero papunta sa likod niya. Agad akong napayakap sa likod ng lalaki para hindi mawala sa balanse. Hindi ko maintindihan, bakit parang kalmado lang ako sa kanya.

"Bitawan mo siya Jayda," utos ni Mama. Agad akong nilingon ng lalaki at ngumiti.

"This will just be quick, okay? We'll show everyone that you are a star."

"Bitawan mo siya, Yuki. Hindi siya sasama sa'yo," may buong diin ang bawat salitang ipinahayag ni Mama.

"Reina, pwede ba. Huwag mong sinasayang ang talentong meron ang anak mo. Nandito lang naman ako para i-train siya. Nabasa mo naman siguro ang mga pinagsasabi nila sa bata 'di ba. HTS is the perfect place for her to prove her worth."

"Nagpapatawa ka ba, Yuki? HTS ang sumira sa buhay ng anak ko! Para sabihin ko sa'yo, hindi ganito katigas ang ulo ng anak ko bago ang HTS3! Masayahin ang anak ko at hindi iyakin. Tingin mo iisipin ko pang ipakain sa mga hyena ang anak ko?! Bitawan mo ang anak ko!" hila niya sa'kin.

Nagpatianod ako sa paghila niya pero agad ring natigil sa kalagitnaan. Nilingon ko ang lalaking ngayon ay punung-puno ng pagmamakaawa ang mata. Inilahad niya ang kamay niya sa'kin. Bakit pakiramdam ko, gusto kong sumama sa kanya? Bakit gusto kong abutin ang kamay niyang 'yon? Agad naman tinampal ni Mama ang kamay niya. Agad akong niyakap ni Mama nang sobrang higpit na para bang anytime soon ay mawawala ako, siya namang pagpasok ni papa.

"Teka. Ano bang nangyayari dito? Ang ingay ninyo sa labas. Nabubulabog pati mga kapit-ba— Yuki?" gulat na tanong ni Papa. Sino ba kasi si Yuki? At bakit parang takot na takot sila sa kanya?

"Anong ginagawa mo dito sa bahay ko? At bakit umiiyak ang asawa ko?" tanong niya.

Huh? Umiiyak si Mama? Agad kong tiningala ang Mama kong masama ang tingin kay Mr. Tokugawa.

"Peter nandito ako para kunin si Jayda. I'll train her for HTS," diretsahan niyang sagot.

"Uh, ang totoo niyan Yuki, wala akong problema kung papasok sa HTS si Jayda... Matapang ang anak ko. Matibay ang loob. Kita mo 'yang Mama niya, kinalaban niya 'yan para sa pangarap niya simula nung nag-trese siya kaya alam kong sisiw ang bashers," pahayag ni papa habang kinakamot ang ulo niya.

"Peter, ano bang sinasabi mo? Papayag ka na sumama si Jayda?" saway ni Mama na hindi naman pinansin ni Papa.

"Pero kasi Yuki... Ayaw na ni Jayda. Ayaw na naming pilitin siya na gawin ang mga bagay na ayaw niya. Malaki ang pinagbago ng anak namin nitong nakaraang buwan. Ayaw na namin sumugal. I don't want her reaching her limits."

Napansin ko naman si Mr. Tokugawa na nakatingin sa'kin. Punong-puno pa rin ng pag-asa ang kanyang mga mata.

"Jayda, 'yun ba talaga ang gusto mo?" tanong niya.

"Tama na. Yuki. That's final. Hindi sasama si Jayda. Hindi ka sasama sa kanya anak, 'di ba. Magagalit si Mama," bulong naman ng aking ina.

Pagak namang napatawa si Mr. Tokugawa.

"Reina. Malaki na ang anak mo. Kaya na niyang mag-desisyon para sa sarili niya. Huwag mo na siyang gawing baby. Alam na niya ang ginagawa niya. Bakit mo ba siya pilit nilalayo?! Para saan pa't sinanay mo siya kung hindi mo siya papayagang pumasok? Jayda, ano bang gusto mo? Anong gusto mo para sa sarili mo?"

Hinawakan naman ni mama ang magkabilang pisngi ko. Ang mga mata niyang punung-puno ng pagmamakaawa, nagsusumamong manatili ako. Ipinikit ko ang mata ko at pilit na iniisip kung ano nga ba talagang gusto ko.

"G-gusto ko... Gusto ko maging masaya si Mama," hikbi ko kaya naman agad akong niyakap ni mama. "Pero gusto ko talagang mag-perform Mama. Ayokong sayangin lahat ng pinaghirapan ko."

THE SOUND OF THE BROKEN HEARTS (Metamorphosis Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon