74 : Uncovered

36 1 0
                                    


| KHAEL |

"Huwag... Pakiusap... huwag... Ako na lang..." pakiusap ni Papa at gumapang palapit sa'min. Luminga-linga ako sa paligid at nakitang napapalibutan kami ng mga sibilyang may hawak na baril, no, hindi sila sibilyan. Ang kaninang masayang mukha ng lalaki ay napalitan ng lungkot at galit.

"Napakadali mong masabi 'yan Yuki kasi kaharap mo kami ng anak mo. Pero ako, hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na makiusap para sa buhay ng anak ko. Hindi ko nagawang ipagpalit ang buhay ko para kay Simon!" sigaw niya at mas hinigpitan ang pagkakasabunot sa'kin.

"Akala mo ba madali ang ginawa ninyo sa anak ko? Pwede mo naman siyang ipakulong, mas matatanggap ko pa 'yon! Pero hinayaan mong mamatay ang anak ko! Hinayaan mong magdusa kami ng asawa ko sa pagkawala ng nag-iisa naming anak! Nagpapakasaya kayo dahil sa pagbabalik ni Jayda habang kami ay nagluluksa! Huwag kang mag-alala, isusunod rin kita pagkatapos ko kay Eli at Jayda. Ipaparamdam ko sa'yo kung paano mawalan ng anak!"

"Pakiusap! Tama na! Tito Sid!"

Napatingin naman siya kay Jayda na pilit pa ring pinipigilan ni Yasu.

"Pasensya ka na, Jayda at kailangan kang madamay. Mabait kang bata, hindi ako nagtataka na nahulog sa'yo si Simon. Pero may kasalanan ka rin sa anak ko," aniya. Marahas niya 'kong binitawan, pero nananatiling na sa'kin ang baril. Muling bumalik ang mata niya kay Papa.

"Sino ang gusto mo unahin Yuki? Si Khael o si Jayda?"

Agad akong yumakap sa tuhod niya at umiyak. Hindi pwedeng mawala si Jayda o si Papa. Hindi pwede!

"Pakiusap, ako na lang ang kunin mo! Pabayaan mo na ang Papa ko at si Jayda! Ako naman talaga ang nakapatay kay Simon 'di ba. Walang kasalanan dito ang Papa ko! Walang kasalanan dito si Jayda!" pakiusap ko.

Nararamdaman kong hindi maganda ang kahihinatnan kapag nagpatuloy pa ang pagpansin niya kay Jayda. Napangisi naman siya sa'kin na tila ba ay alam na alam kung anong nasa isip ko.

"Khael, kilala mo ba si Hammurabi?" tanong niya sa'kin. Alangan akong napailing. Sino 'yon?

"Tito Sid, huwag, please! Pag-usapan natin 'to! Huwag mong idamay si Khael, please. Hindi niya ginusto ang nangyari kay Simon," hagulhol ni Jayda pero hindi siya pinansin ng lalaki.

"Sundan mo 'ko Khael ha," aniya at tumingin sa ama ko. "An eye for an eye?"

"A tooth for a tooth," hikbi ko at agad naman nagsisigaw ang ama ko. Naiintindihan ko na. Kinuha ko si Simon sa kanya, kaya gusto niya kaming kunin mula kay Papa.

"Jayda, halika," tawag niya kay Jayda.

"Please, huwag," pakiusap ko at hinigpitan ang yakap sa tuhod niya. Sinipa naman niya ako palayo pero muli akong gumapang para yumakap sa tuhod niya.

"Jayda... No!" umiiyak na pakiusap ni Papa.

"Jayda!" pigil ni Yasu sa kanya at niyakap siya. "Please... Don't... Gagawin ko lahat para sa'yo, huwag ka lang umalis... Jayda please..." pakiusap ni Yasu pero pilit pa ring umalis si Jayda sa pagkakayakap niya. Marami na ring nawalang dugo kay Yasu, hindi nakakapagtakang nanghihina na siya.

"Have you lost your brain? Jayda!" tawag ni Yasu na patuloy lang sa paglalakad. Umiiyak na nilingon ni Jayda si Yasu.

"Sorry. Importante lang talaga sila sa'kin kaya hangga't may magagawa ako, gagawin ko."

"No, no, no Jayda! No! It's not what they want for you! Jayda! Hindi mo alam ang ginagawa mo!"

Walang bahid ng takot na lumapit si Jayda sa lalaki. Pinahid niya ang luha niya. Agad naman siyang ikinulong sa braso ng lalaki at pinahawak ang baril sa kanya.

THE SOUND OF THE BROKEN HEARTS (Metamorphosis Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon