69 : Yellow over Red Rose

40 2 4
                                    


| KHAEL |

Gabi na nang makarating kami sa bahay kung saan naabutan namin si Nanay Martha na naghahanda ng pagkain sa rooftop.

"Magandang gabi," nakangiti niyang bati sa'min. Sinuklian din naman namin 'yon ng pagbati at pagngiti. Nadako ang paningin ko sa RUBXX na masayang naglalaro ng UNO cards.

"Uno!" bagsak ni Jayda ng baraha at humalakhak.

"Uno ka na?" tanong ni Alex na hindi makapaniwala dahil marami pa siyang baraha.

"Oo hahaha!" halakhak ni Jayda.

"Plus 4! Hahahaha!"

"Bwisit ka Alex!" hampas niya kay Alex nang maglapag ng Plus 4 cards sa kanya. Mula sa isa ay nagkaroon ng limang baraha si Jayda. Napatawa naman ako sa reaksyon ng mga mukha nila.

"You want to join them?"

Agad akong napatingin sa ama kong katabi ko na pala. Masayang-masaya niyang pinapanood ang RUBXX.

"Uh no. I'm fine," pagtanggi ko. Mukhang napansin naman ako ni Jayda.

"Khael! Nakasaklay ka na!" sigaw niya at akmang tatayo na para lumapit sa'kin pero agad siyang pinigilan ni Alex at hinila sa pag-upo.

"Hindi pa tayo tapos! Hindi mo kami madi-distract."

"Ayoko na! Pupuntahan ko si Khael."

"Anong ayaw mo na? Dito ka muna. Hindi naman 'yan makakatakbo eh," halakhak ni Alex kaya naman humalakhak na rin si Jayda. Agad namang napaawang ang bibig ko sa narinig ko ngunit agad din naman akong napatawa nang maging ang katabi ko ay nagpigil ng tawa.

"Kumain na tayo! Gutom na 'ko!" tawag ni Noe sa amin. Agad naman lumapit ang apat sa'min at nakisalo sa hapag.

Matapos kumain ay nakipaglaro sina Gabe kina Alex ng UNO cards habang si Jayda naman ay naupo sa paborito niyang pwesto. Nakatalikod siya sa'kin. Dahan-dahan akong lumapit at sumandal sa inuupuan niya. Napatitig ako sa mukha niyang halata mong malalim ang iniisip.

"Masakit?" tanong ko sa kanya. Bahagya naman siyang natawa at pinunasan ang biglang pagtulo ng luha niya.

"Kaya naman," ngiti niya. Nag-aalinlangan kong hinawi ang buhok niya at iginilid iyon sa tenga niya.

"I'll be fine. I will be fine kasi gusto ko maging okay ako."

Nanatili ang mga mata niya sa langit habang ako naman ay nakatitig lang sa kanya. I will protect you in the best of my abilities. Papawiin ko lahat ng sakit na nararamdaman mo ngayon. One day, I'll see that radiant smile again.

"Yasu? Uminom ka ba?"

Agad kaming napatingin ni Jayda sa bagong dating. Mapula ang mukha niya at halatang lango sa alak. Ngumiti naman siya sa'min bago pasuray-suray na lumapit. Mabilis na bumaba si Jayda sa kinauupuan niya at hinarap si Yasu.

"Jayda, you stay behind me," aniko pero hindi niya 'ko pinakinggan. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala kay Yasu. Nakakuyom ang mga kamao niya na para bang pinipigilan ang sarili niyang may gawing hindi dapat.

"Hi Jayda..." ani Yasu nang makalapit.

"Yasu, iuuwi na kita, lasing ka na," hawak ni Noe sa braso niya. Kinakabahan ako nang tumingin sa'kin si Noe. Lasing si Yasu, paano kung masabi niya na kapatid ko si Jayda?

"Yasu, halika na," bulong ni Noe. Agad namang pinalis ni Yasu ang kamay ni Noe sa balikat niya.

"Sandali lang ako."

THE SOUND OF THE BROKEN HEARTS (Metamorphosis Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon