SPECIAL EPISODE 2: WHERE IT ALL BEGAN

9 1 0
                                    

| YUKI |

"Namatay po ang tatay ko bilang isang bayani raw ng Basilan. Wala kaming nagawa noon kundi umiyak. Hindi namin matanggap kahit na pinarangalan siyang bayani ng ating pangulo. Nawalan ng gana mabuhay ang Inay, hanggang sa tuluyan na niyang kinitil ang buhay noong makapagtapos ako ng elementarya."

"Ang mga kapit-bahay at kamag-anak namin, itinuring kaming patay ng kapatid ko. Walang pumapansin. Ang suporta at benepisyong dapat tinatamasa naming magkapatid, iba ang nakinabang. Namalimos kami hanggang sa napasok kami sa isang ampunan kung saan binubully naman kami. Hindi ko nga po maiwasang itanong, para saan pa at naging bayani ang aking ama? Hindi rin naman naging mapayapa ang bansa. Hindi po ako nakatungtong ng high school pero okay lang naman sa'kin. Basta marunong naman akong magbasa at ng fundamentals ng math, sa palagay ko mabubuhay naman na 'ko doon."

Agad niyang pinahid ang luhang tumulo sa mata niya at tumingin sa kisame.

"Namatay po 'yung kapatid ko tatlong taon na ang nakakaraan. Na-rape po siya at itinapon lang sa ilog. Hanggang ngayon po sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari. Hindi niya dapat naranasan 'yon kung nasa tabi niya 'ko palagi pero anong magagawa ko? Kailangan ko magtrabaho para mabuhay kaming dalawa, para makapag-aral siya kasi ayoko siyang matulad sa'kin. Ang pinakamasakit po sa nangyari, wala akong masisi. Hindi ko makuha ang hustisya na para sa kapatid ko. Hindi ko tuloy alam kung worth it ba 'yung pagiging bayani ng tatay ko kasi kinuha noon lahat sa'kin."

Nakagat ko ang labi ko para pigilan ang namimintong pag-iyak ko. Naaawa ako sa batang 'to. I want to offer some help kahit papaano.

"Alex, how are you living right now?" tanong ko. "May bahay ka ba, sapat ba 'yung kinikita mo para mabuhay ka sa araw-araw?"

Pinahid niya ang luha niya at ngumiti sa'kin.

"Kaya pa naman po. Pero syempre, kailangan ko magtipid kasi kailangan ko talaga magbayad ng renta ng kwarto ko. Salamat po sa pakikinig sa kwento ko."

"Alex, I want to help you in any way I can. I'd like to take you home," diretso kong pahayag.

"Sir, pinag-usapan na po natin kanina na—"

"No," iniabot ko sa kanya ang cellphone ko na may email ng HTS. "I work for HTS. Are you aware what HTS is?"

"Opo. 'Yun 'yung talent camp ng mga mag-aartista."

"Correct. I want you to be my first member. I'll give you just what you need; shelter, food, family. Are you up to this offer?"

"Pero Sir—"

"You have talents, that's a bonus. Pero alam mo kung anong pinaka-nagustuhan ko sa'yo? You have a strong spirit. Alam mo bang hindi pa 'ko umooo sa offer na 'yan? You made me realize that I should say yes in order to help kids like you. Let me help you, Alex. I don't need any payment; I just want you to live a better life."

"Sir," hikbi niya.

"Is that a yes?" ngiti ko at tinanguhan naman niya ako. Nginitian ko siya bago ako tumayo. Inabot ko sa kanya ang address ng Villa Tokugawa.

"Pay me a visit tomorrow. We'll start your training."

"Yes po. Thank you po, Sir..."

"Just call me Yuki. I'll go now, Alex. See you tomorrow."

Ala una na nang makarating ako sa bahay. Ngayon ko nararamdaman ang pagod ko sa buong maghapon. Agad akong humilata sa kama ko at hindi na nag-abala pang magpalit ng damit. Napangiti ako sa ideya na may isang buhay akong babaguhin. Hindi ko alam kung bakit pero simula nang magkaanak ako, para bang na-obsessed ako sa pagtulong sa mga batang nangangailangan ng tulong. Muli kong tiningnan ang nag-iisang litrato ng bunso ko noong kinder pa siya.

THE SOUND OF THE BROKEN HEARTS (Metamorphosis Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon