117 : HTS the Finale - 2

12 0 0
                                    


"And that is A-KINGS!"

Tumayo ako kasabay ng tilian at sigawan ng mga tao para palakpakan ang A-KINGS sa final performance nila. Sila na ang huling team ngayong gabi. Maya-maya ay iaanunsyo na kung sino ang nanalo sa competition.

Tiningnan ko ang orasan ko, kalahating oras na lang bago mag-alas dose. Kalahating oras na lang at isang taon na rin mula nang baguhin ng lugar na 'to ang buhay ko. Isang taon na mula nang mamatay si Papa. Nangungulila pa rin ako, hindi ko itatanggi 'yon, pero alam kong pinatatag ako ng pangyayaring 'yon. Isa-isa nang natutupad ang mga pangarap namin, at alam kong hinanda ako ni Papa sa lahat nang 'yon.

"Jayda-babe!" tawag sa'kin ni Khael pagkatapos ng performance nila. Nakangiti akong kumaway sa kanya.

Bahagya akong natawa nang madapa si Khael dahil sa pagtakbo papunta sa'kin. Mabilis na naglapitan sa kanya ang mga staffs dito para alalayan siya pero tatawa-tawa lang naman siyang tumayo at tumakbo ulit papunta sa'kin. Agad niya 'kong niyakap nang makarating siya sa pwesto ko.

"Ang galing galing mo!" bati ko na sinuklian niya ng matamis na ngiti.

"Of course! Tokugawa tayo eh," ngiti niya sa'kin at halos mapunit na ang labi ko sa sinabi niya. Tokugawa tayo.

"Bukas ah, i-celebrate natin ang birthday ko sa puntod ni Papa," aniya at hinawakan ang kamay ko. Oo nga pala, 24 years old na si Khael noong isang araw. Hindi kami nakapag-celebrate ng birthday niya dahil naging abala kami pareho sa competition.

"Oo naman."

"Ang galing mo rin kanina," puri niya sa'kin at ginulo ang buhok ko.

"Sirang plaka ka ba?" tanong ko dahil kanina pa siya paulit-ulit sa pagpuri sa'kin.

"Ang layo na natin Jayda 'no?" aniya at tumingin sa stage. "Parang dati lang, kumakain pa tayo noon sa burger stand dahil nakapasok ako tapos hindi ka nakapasok. Tapos 'yon pala, absent rin si Yasu noon. Kumusta na kaya 'yong professor natin na nagpadetention sa'tin," tawa niya.

"Natanggal siya," tawa ko. "Alam mo bang sponsor ng school natin si Yasu?" tanong ko at nanlalaki naman ang mga mata niya sa'kin, halatang walang kaalam-alam.

"Ano ba 'yan, akala ko ba best friends kayo," tawa ko at umiling siya.

"Akala ko rin," hindi niya makapaniwalang pahayag. Maya-maya ay dumating rin si Yasu at agad yumakap sa'kin.

"Ako? Magaling ba 'ko?" paglalambing ni Yasu.

"Respeto sa single," sita ni Khael at pinaghiwalay kami kaya naman nagtawanan kaming dalawa ni Yasu.

"We love you, JaYasu!"

Napalingon naman kami sa grupo ng mga kabataang sumigaw. Nilingon ko si Yasu na tuwang-tuwang nag-flying kiss sa mga kabataan. Natawa naman ako. Three years ago, isa lang siyang nakasimangot na patatas. Maging ang kagrupo ko ay kilig na kilig sa lalaking nasa harap ko.

"Kiss! Kiss!" pumapalakpak na sigaw ni Alex na nagtatalon-talon sa likod ko. Natawa naman ako bago siya yumakap sa'kin.

"Ang galing-galing mo kanina," bulong niya bago siya hilahin ni Yasu palayo sa'kin.

"Possessive?" reklamo ni Alex.

"Akin 'to, doon ka kay Noe, walang kasama 'yon," sagot naman ni Yasu. Napansin ko naman ang paglaki ng ngiti ni Alex bago sisipol-sipol na naglakad palayo sa'min.

"May hindi ba 'ko alam?" tanong ko.

"Malalaman mo rin 'yon," tatawa-tawang komento ni Khael at naglakad na palayo sa'min. Napatingin ako kay Yasu na agad na umiwas ng tingin sa'kin habang ngingiti-ngiti. "Yasu."

THE SOUND OF THE BROKEN HEARTS (Metamorphosis Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon