03

30 5 7
                                    

Masyado ka nang stress joke

KOA'S POV

Sino ba kasi itong lalaking ito? (~_^)

"How did you know my name huh?" Bumitaw ako at hinampas siya.

"Aray ko naman!" Angal niya kaya lalo ko siyang pinaghahampas.

Pati ba naman sa katabaan ko, ako pa talaga naging target nito! Sino ba kasi siya?! Hays!

"Ano? Sasabih-" He cut my words kaya kinuha ko yung bag ko na hinampas ko sa kanya.

"I'm that transferee kanina." Tumayo ito at pinagpag pa ang nadumihang pants niya. Ginawa ko ba yan? */rolled eyes; Kalma, kagagahan ko yan kapag hindi siya nagpakilala. "I-I'm Orion. Remember me?"

"Orion?" Unfamiliar pero parang narinig ko na. Magulo talaga ako. "Un-Ah! Ikaw pala yan?" Kamot ulo ko siyang hinarap nang maalala ang mga pangyayari kani-kanina lamang.

"Ayan, naalala na din ako sa wakas."

Napasapo na lang ako sa noo ko dahil sa mga pinaggagawa ko sa kanya.

"S-sorry." I uttered.

"It's alright." He chuckles that made me more guilty. Nadumihan ko yung pants niya tapos yung bag na hinampas ko pa is napaka bigat. Hays! Tsk. "Masyado ka nang stress joke."

"Hoy hindi kaya. Grabe ka naman sa akin."

"Joke nga hindi ba? Joke lang."

"Tsk."

Lumapit siya sa akin at iniabot yung libro ko. Yung Law dictionary pa talaga ang nakalimutan ko! Ano ba yaaaaan! T_T

"H-hala! Saan mo ito nakita?" Binuklat ko yung libro at nakita ang naka bookmark na page na nilagay ko.

"Naiwan mo sa desk mo kanina."

"Ha? Paano? Laha-"

"Aba malay ko sa iyo."

Masyado na ata akong makakalimutin sa lahat ano? Baka may nakalimutan pa ako charot lang!

Pumara na ako ng tricycle at ipinasok ang libro ko sa bag.

"Aalis ka na, Koa?"

"Yep, mag-gagabi na kasi." Pumasok na ako sa loob at ngumiti. "Salamat sa libro tsaka sorry ulit!" Pahabol kong sigaw at saka humarurot yung tricycle na sinasakyan ko.

---------------------------

ORION'S POV

Naghihintay ako nang masasakyan kong jeep pabalik doon sa apartment na tinutuluyan ko. Ako lang ang lumuwas rito sa Maynila, taga Sorsogon ako. At doon naiwan ang mama ko at mga kapatid ko sa probinsiya.

"Sakit tuloy ng ulo ko dahil sa Koa na iyon." I chuckles as soon as I remembered the scene she just made.

Tawang tawa ako sa reaction niya na parang racist ang datingan niya HAHAHAHAHAHA, and besides, parang akala mo kung sinusundan ng kung sino sino T_T pakshet.

LS#1: Ride me in court, Love✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon